04
_________________________________
30 minutes early ako dito sa room at ako palang ang unang nakapasok. Oha, early bird. Hahahaha.
Nakatambay lang ako dito sa room at walang magawa. Hindi ko naman trip mag cellphone.
Tumayo na ako at maglalakad-lakad nalang muna sa labas. Hindi ko pa masyadong nalilibot tong school, hindi ko pa nga alam kung gaano ba talaga to kalawak.
Nagsimula na akong maglakad-lakad. Hindi ko alam kung saan ako madadala nitong paa ko. Bahala na.
Puro classrooms lang naman nadadaanan ko. Hay~ Umiba ako ng direksyon.
Tama yung desisyon ko. May nakita akong ibang rooms. Hmmm.
Science Room
AI Room
HE Room
Music Room
Naagaw yung pansin ko sa nakahiwalay na room dito sa apat. Tiningala ko yung pinto non at Art Room ang nakalagay.
Lumapit ako sa bintana at sumilip sa loob at sobrang dilim at alikabok. Ibang-iba sa naunang apat na rooms. Medyo creepy dahil may mga gamit pa naman ito sa loob.
Pinihit ko yung doorknob at nagclick iyon at bumukas. Nagkalat sa paligid ang mga canvas na tapos na at mukhang luma dahil sa dami ng alikabok.
Binuksan ko ang ilaw at tinignan ang mga bawat obra na nakalasandal sa pader at yung iba ay natatabunan dahil may iba pang canvas na nakapatong. Magaganda ang mga paintings dito at mga drawings.
Sa pinakadulo ng room na ito ay may canvas na nakatalikod sa akin na nakalagay pa sa canvas holder. Papalapit na ako don nang may marining akong tunog ng switch ng ilaw at ang pagsara ng pinto.
"AAAAAAHHHHHH! MAMA!"
Sigaw ko at tumakbo sa pinto at pinagkakalampag yon. Yung puso ko, parang gusto nang lumabas ng ribcage ko sa sobrang kabog nito. Omo, sorry na kung pumasok ako ng walang paalam. >.<
"Buksan nyo to!"
Sigaw ko at nilakasan pa ang paghampas sa pinto. Katapusan ko na ba to? >.<
"Buksan niyo tong pin---"
Hindi ko na naituloy yung sinasabi ko dahil bumukas yung pinto at nasubsob ako dahil palabas ang bukas nito.
Aray~
Tinignan ko ang kanang siko ko at may gasgas yon. Ang hapdi.
Tiningala ko yung nagbukas ng pinto.
"Ok ka lang?"
Si Jhay pala.
"Hindi syempre. Nasubsob nga ako o."
Sagot ko sa kanya at inalalayan niya akong tumayo.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa loob? Sira yung pinto niyan at sa labas lang nabubuksan."
Tanong nito habang pinapagpagan ko yung uniform ko.
"Nacurious lang ako sa loob. Tsaka may nagpatay at nagsara nung pinto."
Sagot ko naman sa kanya at nakita ko itong lumingon-lingon ito sa paligid.
"Wala namang ibang tao dito. Kanina pa ako nasa AI Room."
Napatingin ako sa kanya at muling bumilis ang tibok ng puso ko.
"Meron nga. Wag ka ngang manakot."
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Novela JuvenilAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021