48
____________________________________________
Nagpalipas lang ako ng buong maghapon don. Kinakausap ko din minsan si Amaya dahil ang sabi ng iba, minsan ay naririnig ng taong comatose ang nasa paligid niya.
I just tell her na ngayon ang Acquaintance Party namin and mas masaya siguro kung makakasama siya kahit hindi ako ang kapartner niya. Maisasayaw ko pa rin naman siya e.
I check my cell clock and it's already 5:35. Limang oras na akong nandito. I was about to put my cellphone on my pocket nang may tumawag. It's kuya. Agad ko itong sinagot.
"Hel---"
[Uwi ka dito. Bilisan mo.]
He said and he hang up. What was that? Emergency ba? I check my inbox pero wala namang text si mama kaya medyo nawala ang kaba ko.
Nagpaalam na ako kay tita at mabilis na umuwi sa bahay. Sinubukan kong tawagan ulit si kuya pero hindi na niya ito sinasagot.
Dumiretso ako sa kwarto nila kuya at Sandy. Nadatnan ko silang naglalaro.
"Bakit?"
Napatingin ang mag-ama sa akin na para bang nakaistorbo ako sa paglalaro nila.
"May bisita ka, nasa kwarto mo."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni kuya. Iisa lang naman ang nagiging bisita kong sa kwarto ko tumutuloy.
Pumunta na ako sa kwarto ko at nadatnan ko siyang nakahiga sa kama ko.
"Bakit ka nandito?"
Masungit kong bungad pagkapasok ko.
"Sabay tayong pupunta sa party, bakit?"
Napairap ako at tumuloy sa walk in closet ko.
"Hindi nga ako sasama."
Sigaw ko mula roon.
"Sasama ka. Hindi ako sasama kapag di ka pupunta."
Liar. Kahit hindi naman ako pumunta, susugod pa rin siya don dahil nandon si Hani.
"Sumama ka na kasi, parang tanga 'to."
Pagmamaktol pa nito na parang bata. Tumalikod ako sa kanya at pumunta ng banyo.
"Ayoko."
I said before locking the door. Nangiti na lang ako nang maimagine na ang susunod na mangyayare.
"Parang tanga naman, bro e."
He walked closer to the door. Sana pala nag set-up ako ng camera para makita yung mukha niyang parang ewan sa labas.
"Sumama ka na. Dali na please."
Napapakagat na lang ako ng labi para mapigilan ang pagtawa.
"Ayoko."
"Dali na. Parang ewan to."
Pagpapatuloy niya.
"Di mo na ako mahal?"
Muntik akong matawa sa sinabi niya. WTF, Vince.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021