29
_________________________________
Nag-aayos na ako ng sarili pagpasok pero tulala parin dahil antok na antok pa ako. Anong oras na kami nakauwi kagabi, actually madaling araw na yon. Ang sakit pa nga rin ng binti at paa ko.
Bumaba na ako ng kusina para kumain.
"Good morning po."
Bati ko kay mama at papa na nasa hapagkainan na.
"Good morning. Umupo kana at kumain."
Sabi ni papa kaya naman umupo na ako at nagsandok ng pagkain.
"Kyline, asikasuhin mo na yung credit card mo. You can apply online."
Sabi sa akin ni papa kaya lumapad ang mga ngiti ko. Magkakacredit card na ako! Yehey!
*peep! peep!*
It's Sky.
"Who is it?"
Napatingin ako kay papa ng tanungin niya iyon. Hindi niya nga pala alam yung tungkol dun.
"Uhmm... my friend, pa. Bye na po. Love you!"
Nagpaalam na ako sa kanila at humalik sa mga pisngi ng parents ko.
"Go home early."
Bilin pa sa akin ni papa dahil mamaya ko daw bubuksan yung gift niya sa akin. Syempre po uuwi ako maaga.
Naglalakad na ako papunta sa kotse ni Sky nang bigla akong mapatigil. Naalala ko yung kagabi. Ewan ko ba, ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako kaagad makatulog.
Humakbang na ulit ako pagkahinga ko ng malalim.
"Good morning."
Bati niya sa akin pero hindi ako makatingin sa mga mata niya.
"G-good m-morning."
Utal kong pagbati at pinagbuksan na niya ako ng pinto kaya pumasok na ako.
Buong biyahe at tahimik lang ako, nakatingin sa labas at iniiwasan makatagpo ng mata ang kasama ko sa kotse ko ngayon.
Nang makarating kami sa university, bumaba na ako kaagad at inintay nalang siya pero hindi paring ako tumitingin dito. Naka tingin lang ako ng diretso sa harapan ko.
Nang maramdaman akong nasa tabi ko na siya, nag-umpisa na akong maglakad. Sa ilang hakbang ko palang at hinawakan na nya ang mga kamay ko. Kahit maingay dito sa school, rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Ano ba to? Ilang beses na naman kaming naghawak ng kamay ni Sky, bakit ganto ang reaksyon ng katawan ko ngayon?
"How many hours did you sleep?"
Tanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin at sa kasagsagan ng karera ng puso ko.
"4-5 hours, I guess."
Sagot ko. Actually three lang yata dahil hindi ako makatulog dahil sa ginawa niya nung nasa roof deck kami.
Hindi na nasundan ang pag-uusap namin dahil nakarating na kami sa classroom.
Ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Hindi kaya may sakit na ako sa puso? Hindi na normal yung tibok nito e. Tsk.
Tinignan ko ang cell calendar ko dahil sabi sa akin ni papa ay one week lang siya dito. He'll go back to Singapore in July 31. :<
Tinignan ko ng future schedules ko nang mapansin ko yung...
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021