CHAPTER 51

17 2 0
                                    

51

____________________________________________

"Ma! Let's go!"

Sigaw ko mula sa sala dahil may kung ano na namang hinahanap ang nanay ko. Paalis na kami, baka hindi na namin maabutan ang misa.

It's Christmas day kaya magsisimba kami and gala after.

"Hindi ko kasi makita ang relo ko."

Nakita ko itong lumabas ng kwarto niya habang isinusuot ang relo. Napailing na lang ako at bumuntong hininga. Hay nako ma, mabuti nalang nanay kita.

"Let's go."

Mom said nang makasakay na kami sa kotse ni kuya. Sa San Agustin Church pa kami magsisimba. Hello sa traffic, duh.

I just wore a jeans, pink blouse and sneakers para komportable ako sa byahe and of course, dala ko ang aking mahiwagang earphone at sanalpak to sa tenga nang umusad na kami. 1-2 hours pa ang byahe namin, depende pa sa traffic.

8:00 AM kami nakaalis at dahil sa bagal ng usad ng trapiko, 10:20 na kami nakarating. Diba, late kami ng 20 minutes. Good job sa traffic.

"Bilisan nyo late na tayo."

Pagmamadali sa amin ni mama nang maipark na ang kotse ni kuya. Nagkatinginan pa kami ni kuya sa sinabi ni mama. Parang kasalanan pa namin. >.<

Dahil andaming tao at late kami, halos nasa labas lang kami. Nangangalay na ako dahil halos 40 minutes na kaming nakatayo.

Lumingon ako sa paligid ko at mga nakaupo na ang iba sa mga pwedeng upuan. Wala akong makitang space. :<

"Ngalay kana?"

Nalipat kay kuya ang tingin ko nang magtanong siya. Tumango ako at muling naghanap ng mauupuan.

"Upo ka sa paa ko."

Sabi niya at napangiti ako.

Dati kaya ayaw nyang inuupuan ang sapatos niya. Susulitin ko na tong pagkakataon na to kasi baka hindi na maulit.

Nakapantalon naman ako kaya ok lang kahit parang nakatalungko.

After the mass, we went to Casa Manila museum. Gusto ko sanang mag-bamboo bike pero sa sobrang dami ng tao, huwag na lang.

"This is Casa Manila. This three storey house is a replica of the old houses way back hundreds years ago."

Agad akong natawa at nangiti nang magsalita sa kuya.

"May tour guide pala tayo e."

Sabi ko at patuloy siya sa pag-eexplain ng kung ano-ano. Nakalimutan kong best in History pala tong unggoy namin.

We went inside the house and bumungad sa akin ang isang lady guard. Hahaha. Syempre, guard muna.

Nang makapasok kami ay napako ang mata ko sa fountain sa gitna at ang ganda ng paligid. Medyo natakot ako ng konti kasi baka mamaya may lumipad ng mga bomba sa kalawakan. >.<

Umakyat din kami sa second floor na may mga old fashion furnitures. Minsan iniisip ko rin kung buhay ba ako nung mga panahon ng Español. Malay mo ako si Tandang Sora dati o kaya naman isa ako sa mga kapatid ni Rizal.

After Casa Manila, pumunta din kami ng Fort Santiago. Mabuti hindi ganon katirik ang araw dahil open area ang buong lugar at mga puno ang silong.

"Tignan mo oh, mas malaki pa sayo yung kanyon."

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon