03
___________________________________
Pagkamulat ng mga mata ko, agad akong bumangon at pumunta sa cr. Kailangan ko nang magbagong buhay. Ayoko nang malate no, duh! Nabuhay ako sa junior high ko ng halos wala pa sa kalahati yung hundi ako late.
"Amaya, bumaba ka na dito."
Rinig kong sigaw ng nanay ko mula sa baba. Pagkasuot ko ng ID ko agad na akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina.
"Musta first day kahapon sa university mo, anak?"
Tanong sa akin ni mama dahil late na siya nakauwi kagabi at hindi ako nausisa tungkol don. I unleashed a deep sigh before answering her question.
"Ok naman po. Ok na ok."
I said with an awkward smile. Ok lang talaga. Ok na para makasapak.
"Did you and Sky met?"
Napalingon ako kay mama nang tanungin niya yon. Alam niyang nandun si Sky? Kaya ba inilipat niya ako don?
"Yah. We're classmates."
Sagot ko with matching facial expression na 'sana hindi na lang'.
"Oh.. That's good."
Good? Anong good don? Aist! Kung alam mo lang po kung paano nasira yung araw ko dahil sa kanya at sa kaibigan niya.
"Why did you transfer me there by the way? I'm fine naman po with my previous Academy."
Dagdag ko sa usapan namin dahil hindi ko magets.
"They said na maganda ang turo dun. You want to be a ABE, right? Hindi mo ba alam na dun nagtapos yung mga ABE na nagtatrabaho na abroad?"
Hmmm. Ok? Yeah, that's true. I really want to be an Agricultural and Biology Engineer. I love plants and something to do with agriculture.
"Sige na po, aalis na ako."
Sabi ko at tumayo na dahil tapos na naman ako kumain. Wala pa yung kuya ko sa baba e, baka naghihilik pa yon.
"Mag-iingat ka."
Agad sabi ni mama pagkalayo ko sa lamesa.
"Opo."
Sabi ko at tuluyan nang lumabas ng pinto namin. Well, nag intay na ako ng masasakyan.
After 20 minutes nakarating na ako ng school. Maaga pa ako ng 15 minutes before our first subject. Naglakad na ako sa hallway papuntang room ko.
Nandito na ako sa room at tahimik lang dahil wala pang asungot ang dumarating.
"Talaga? Hahahahaha."
Speaking of the devil! Psh! Bakit ko pa kasi inisip dumating tuloy. Psh!
Nakakunot lang yung noo ko at nakatingin ng masama sa kawalan. Ganto na nga minsan itsura ko sa bahay pati ba naman dito sa school.
"Good morning, Amaya."
Bati sa akin ng kasama ni Sky at nakangiti pa.
"Good morning."
Masungit kong tugon at tumingin sa ibang direksyon.
"Nakatulog ka ba ng ayos? Kahapon kasi inaantok ka pa."
Whut? Seryoso ba siya. Tinignan ko ito ng masama dahil ramdam kong gusto lang niya akong inisin.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021