05
______________________________
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Pagmulat ko, wala ako sa kwarto ko. Lumingon ako sa paligid at agad kong napansin si Sky na nakaupo sa upuan sa tabi nitong kamang hinihigaan ko.
"How are you feeling?"
Agad nitong tanong sa akin nang mapansin ang paggalaw ko. Bumangon na ako at nakita kong aalalayan niya pa ako kaya agad na akong nagsalita.
"Ok na ako."
Sabi ko kaya hindi natuloy ang pag-alalay niya sa akin. Tinignan ko ang paligid. Nasa clinic ako ng university. Maya-maya ay napahawak ako sa tiyan ko.
"Nagugutom na ako~"
Mahina kong sabi habang tinitignan ang paligid. Nahimatay ako sa dahil sa gutom. Ikaw ba naman hindi makapagrecess at lunch tapos badtrip ka pa di ba? Sinong hindi mahihimatay don?
"Here, I brought you food."
Napalingon ako nang magsalita ulit si Sky at may inaabot sa aking paper bag. Tinignan ko muna si Sky, ang amo ng mga tingin nya sa akin at ang soft ng atmosphere namin dito sa loob ng clinic. Kanina lang magkasalubong na magkasalubong yung mga kilay niya nung nabangga ko siya.
"Hey."
Sabi niya pa kaya kinuha ko na yung inaabot niya at agad nang kinain yung sandwich. Teka, peace offering niya ba to sa ginawa niya sa akin kanina? Napalingon ako bigla sa kanya at tinignan ito ng masama.
"B-Bakit? Ayaw mo ba nyan?"
Nagulat ata niya sa paglingon ko kaya ganyan ang reaksyon niya.
"Ito ba yung sorry mo sa ginawa mo sa akin kanina sa canteen?"
Napaiwas na naman siya ng tingin na kanina pa niya ginawa.
"Kumain ka nalang. I didn't saw you eating lunch."
Sabi pa nito sa akin.
E sa ayoko ko kayong makita ng mga fansgirls mo e.
Sabi ko sa isip ko at kumagat pa dito sa sandwich.
"What?"
Ang lakas naman ng pandinig nito, sa isip ko lang sinabi yon. Paano niya narinig?
"W-wala tsaka --- hindi ako tumatanggap ng sorry na nasa pagkain."
Sabi ko at iniabot yun paper bag pero hawak ko parin yung sandwich na kinakain ko.
"You already eaten half of the sandwich."
Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit? Gusto niya bang iluwa ko at ibalik sa kanya? (Teka, ang baboy non.)
I saw him unleashed a sigh and struggling to say the word. Napapangiti nalang ako sa kinikilos niya.
"S-sorry~"
Mahina niyang sabi na halos sarili niya lang ata kinakausap niya.
"Ano? Hindi ko narinig."
Malakas kong tanong sa kanya.
"Sorry."
Medyo malakas na niyang sabi pero hindi parin ako satisfied.
"Hindi ko marinig."
Pag-iinis ko pa para mailakas niya.
"I said, sorry."
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Fiksi RemajaAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021