CHAPTER 31

31 2 0
                                    

31

_______________________________________

Nang makaramdam ako ng tapik sa braso ko, unti-unti ko nang iminulat ang mga mata ko.

"Bunso, you ok?"

Naaninag ko ang mukha ni kuya na nakauniporme pa.

"Kuya."

Pagtawag ko sa kanya at umayos ng pwesto. Nakauniform pa din pala ako at nang lingunin ko ang wall clock ko, 7:00 na. Nakatulog ako ng dalawang oras.

Inilipat ko ang tingin kay kuya at tsaka tumungo. I feel so guilty dahil sa mga lihim at pagsisinungaking na ginawa ko sa kanya.

"Kuya... I'm sorry."

I teared up again. Naramdaman kong umupo sa kama ang kuya ko.

"For what?"

Mahinahon niyang tanong sa akin.

"I lied, kuya. I'm sorry."

Nagsimula nang bumuhos muli ang mga luha ko. Unti-unti ko nang ikinuwento at ipinaliwanag kay kuya ang ibig kong sabihin. Nahirapan pa akong magsalita dahil sa mga hikbi ko sa sobrang pag-iyak.

"I'm s-so.. s-sorry."

"Shh. It's ok. Tahan na."

He hugs me nang hindi na ako makapagsalita sa sobrang paghagulgol ko. Maybe this is the punishment ng paglilihim ko sa kanila.

Kinabukasan, si kuya ang naghatid sa akin sa university kasabay na rin ng pagpasok niya sa school niya na tatlong oras ang byahe. Sadyang umuwi lang siya kahapon dahil narinig nila ate Anna ang pag-iyak ko.

Nandito na ako sa tapat ng gate at nakatayo lang dito na para bang ayokong nang humakbang pa. Dito palang sa gate ay pinagtitinginan na ako at pinagbubulungan ng mga papasok na estudyante.

Nakatungo lang ako dito at nag-iisip kung papasok pa ba ako.

Maya-maya, nagvibrate ang cellphone ko.

From Kuya:
"Take care, Mayang. Just dial me if you need help."

Napangiti nalang ako ng bahagya sa nabasa. Nang mapansin ko ang pangalan ni Jhay dito sa cellphone ko, agad ko itong tinext.

To Jhay:
"Jhay, can you pick me up? Nandito ako sa gate."

Huminga nalang ako ng malalim atsaka isinilid ang cellphone sa bulsa ko. Ilang minuto lang ang lumipas at may kumaway na sa akin sa di kalayuan.

"Good morning."

Pagbati sa akin ni Jhay at nginitian ko nalang ito bilang pagtugon.

Nakatungo lang ako sa ilang minuto naming paglalakad dito sa hallway.

"Sabay na din ba tayong mag lunch?"

Tanong ni Jhay sa akin habang naglalakad.

"How about your training?"

Tanong ko.

"MWF ang training namin."

Sabi nito kaya pumayag na ako sa sinabi niya.

"Pasok ka na."

Sabi nito sa akin nang makatapat na kami sa pinto ng classroom ko. Huminga muna ako ng malalim bago tumunghay.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon