54
____________________________________________
"Good morning."
Bati ko kay Hani na nakasalubong ko sa pinto namin.
Pagkapasok ko ng pinto, agad napunta ang tingin ko kay Sky na nakaupo sa upuan niya. Magkatabi na pa ulit naman kami. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero wala naman akong ginawang masama. >.<
Habang papalapit ako sa upuan ko at palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Feeling ko nga ay lalabas na ang puso ko.
Tahimik lang ako nakarating at tahimik lang sanang uupo nang bigla akong mapansin ni Sky kay napalingon siya sa akin at tinignan ako.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya pero ngumiti nalang ako kahit mukha akong ewan nung ginawa ko yon.
Huminga ako ng malalim nang makaupo ako. Kasi ba naman, hindi pa nga ako nakakamove on sa confession ni Zach, susundan agad ni Sky.
Ang hirap naman maging maganda. Ay, char.
Buong first classes namin, para akong istatwa na sobeang diretso lang ng tingin sa unahan at halos hindi gumagalaw sa upuan ko.
*KRIIIINNNGGGGGGG!*
Hay sa wakas. Ibinaksak ko na ang balikat ko dahil naka straight body ako kanina.
"Aray."
Ang sakit ng likod ko. >.<
"Why?"
Tanong ni Sky at muli na naman akong nataranta, pinipigilan ang sariling tumingin sa kanya.
"Ahhh--- W-wala. Sumakit lang likod ko."
Sabi ko at tumayo na't sinakbat ang bag ko. Nasa akin pa rin yung mga librong hiniram ko sa library dahil hindi ko na naisauli. Ngayon ko nalang ibabalik.
Mga nasa walo ata yon at sobramg kapal pa nung tatlo kaya sobrang bigat.
"Let me carry those."
Rinig kong sabi si Sky at inaabot ang mgs libring hawak ko. Sa oras na to, napatingin na ako sa kanya.
"W-wag na. Kaya ko naman."
Pagtanggi ko.
"Sabi mo masakit likod mo."
Hindi na ako makaisip mg sasabihin dahil sobrang distracted ako ngayon kaya wala na akong nagawa nang kunin niya yung mga libro sa bisig ko.
"Tara na."
Nagyaya nang lumabas si Vince kaya nag-umpisa na kaming maglakad papuntang canteen. Ang bilin ni Jhay ay susunod nalang daw siya. Wala pa din si Zoe kaya asar na naman abot non sa akin.
Nang makarating kami ng canteen. Kumakain na kami bago lang dumating yung dalawa.
Tinignan ko kaagad si Jhay nang mapang-asar na tingin.
"Ang tagal nyo naman."
Sabi ni Vince.
"Kasi si Sir ano. Sobrang nakakainis."
Sabi ni Zoe pagkaupo. Si Jhay at umupo din sa tabi ni Zoe.
Nakatingin lang ako kay Jhay at iniintay na tignan niya ako.
Ilang minuto din bago siya tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung may naririnig siya sa mga tingin ko pero para bang may narinig nga syang.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021