CHAPTER 09

28 2 0
                                    

09

___________________________

"Sya ba yung hinalikan ni Sky kahapon?"

"Oo sya nga."

"Maganda naman sya eh."

"Hindi rin parang maputi lang."

Rinig kong pagchichismisan ng mga ka-schoolmate ko. Grrr! Sabi ko na nga ba mangyayari yung ganito. Pang ilang araw ko palang dito sa paaralan to, famous na agad yung pagmumukha ko. Whaaaa!!

Huminga na lang muna ako ng malalim at inilalabas nalang sa kabilang tenga ko yung mga naririnig ko ngayon.

Mas lamang ang negatives kumpara sa positive, puro naririnig kong 'maputi lang', 'parang maarte'. Oh di kayo na! Kala nyo naman ginusto ko to. Grr! Mga tao talaga sa paligid. Kaya hindi umunlad bansa natin eh.

Sa kabila ng mala impyernong hallway na dinadaanan ko kanina nakarating na ako sa room. Pero hangang room pala namin ang init ng impyerno dito sa school. T____T

Nakatingin silang lahat sa akin, ang awkward lang. Lord, save me. Pwede po bang lamunin na ako ng lupa ngayon na mismo? Nakakabuang na yung kahihiyan ko ngayon.

At nung nakarating na ako sa upuan ko wala pa yung magkaibigan.

May mga naririnig parin talaga akong mga nagbubulungan. Pwede nabang maglaho ngayon? Ano nalang kaya mangyayari sa buhay ko dito sa school na to? Magtransfer nalang kaya ako.

"Good day class."

Naputol yung pag iisip ko dito ng biglang magsalita yung teacher namin na may sumunod na magkaibigan. Well, hindi ko nalang sila pinansin at tumutok nalang sa teacher sa unahan.

Nung papalapit siya sa akin, marahas kong inilapag yung bag ko sa tabing upuan. Subukan niyang tanggalin yan.

Wala naman siyang ginawa at umupo nalang sa ibang bakanteng upuan dahil may mga absent naman kaya may mauupuan pa siya.

Nung recess hindi ako lumabas ng room dahil ayokong makakita na naman ng mga taong chismosa't ingitera at laitera na akala mo kagaganda. Hanggang sa nagbell na wala parin salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi kaya bumaho hininga ko nito? K, whatever.

*KRRIIINNNNGGGGG!*

Bigla nang tumunog yung bell kaya't nagsitayuan na yung mga kaklase ko. May mga nakatingin parin talaga sa akin ngayon. Nakakainis lang naman.

Kinuha ko na yung bag ko na parang walang mga chismosa sa paligid pero may humawak sa braso ko na nagpatigil saakin maglakad palabas.

At si Sky yun.

"Ano na naman ba? Diba sabi ko tan---"

"Can we talk?"

Pagputol nya sa sinabi ko. Seryoso yung mukha nya ngayon pati narin yung boses nya.

"Ano namang pag uusapan natin?"

Matapang kong tanong sa kanya kahit medyo nanginginig ako ngayon. Iba kasi talaga yung seryoso ng tingin, boses at mukha nya.

"Basta sumama ka sakin."

Bigla nyang hinala yung kamay ko. At naiwan namin sa loob yung kaibigan nya. At syempre yung mga taong chismosa bumubulong na naman ng labas kami ng room. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng taong to pero hindi naman ako madamot para pagkaitan sya ng pagkakataon na magkausap kami.

Nandito kami ngayon sa soccer field at walang tao dito.

"Ano bang pag uusapan natin?"

Dineretso ko na agad sya pagkatigil namin dito.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon