11
______________________
"Ma~"
Pagtawag ko kay mama na kanina pa lakad ng lakad dito sa department store. Kaawa na yung legs ko. Dalawang oras na kaming nag-iikot dito. >.<
"Ilang damit ba ang kailangan mo? It's only two days and one night."
Dagdag ko habang patuloy ang pagtulak nitong trolley. Sasakay na ako dito, tignan mo.
"Hay nako Alvina Amor. Dapat kasi ang pagsho-shopping, pinag-iisipan."
Sagot niya pa. Haist! Ano bang laban ko sa kanya? E tinawag na akong Alvina Amor. Baka magka world war pa dito sa mall.
After another 2 hours.
"Hay~ Sofa..."
Sabi ko at humilata sa sofa namin sa sala pagkadating at pagkadating namin dito sa bahay.
"Oh? Nandito na pala kayo. Musta? Nabili niyo na ba yung mall?"
Pang-aasar pa ni kuya pagkababa nito. Alam din kasi nyang ganyan si mama. Hays~
Gabi na at nandito kami ni mama ngayon sa sala, nanonood sa TV habang kumakain ng popcorn.
"Ma~"
Malambing kong tawag kay mama.
"Ano yon?"
Tanong naman niya habang nakatingin sa TV. Lumapit ako at humawak sa braso niya.
"Bukas lang, please~"
I said with matching beautiful eyes. ^-^
"Hindi."
Sagot niya lang at hindi na ako pinansin. Paano na ako niyan bukas? >.<
Saan ako kukuha ng pera?
Magsasayaw na ba ako sa bar? Ay char.
"Matutulog na ako. Matulog ka na din."
Sabi ni mama at iniwan na yung bowl sa center table na pinaglagyan ng popcorn niya. Ano nang gagawin ko?
AHA! Alam ko na. Hehehehe.
Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Nakakita ko si ate Anna don na isang maid namin.
"Ate, pwede po bang tulungan nyo ako gumawa ng banana smoothie?"
Tanong ko sa kaniya dahil kailangan natin yon para sa ating special mission. Pumayag naman siya at naggawa na nga kami. Hehehehe.
After ng ilang minuto nakagawa na kami at inilagay na yun sa tatlong baso. Isa sa akin, isa kay ate anna, at isa sa kuya kong kailangan natin ang tulong. Actually, mango drinks ang favorite ko. Yun ang iniinom ko kapag nalulungkot ako, kinakabahan, natatakot. Lahat ng nega vibes, kapag iniinom ko yun, nawawala lahat. Pero sa time na to favorite drink ni kuya ang banana smoothie kaya ito ang naisip ko. Alam mo naman ang mga monkey, mahilig sa saging. Hahahahah. Joke.
Umakyat na ako ng kwarto niya habang hawak yung tray.
"Kuya Xander~"
Pagtawag ko sa kanya.
"Bakit? Pasok."
Sagot naman niya kaya naman binuksan ko na yung pinto at nakita ko siyang nasa desk niya at may ginagawa.
"Oh? Para sa akin ba yan?"
Tanong niya nang makita ako. Naks, laki ng ngiti o. Hehehehe.
BINABASA MO ANG
Crazy Little Love
Teen FictionAmaya has a happy life with incomplete memories and the time she's ready to make it complete, she found not just memories but love. Her crazy little love. Status : Completed Posted on : May 14, 2020 - July 21, 2021