CHAPTER 19

34 3 0
                                    

19

________________________________

"Ok , goodmorning."

Bati sa amin ni maam at bumati din naman kami agad sa kanya.

"Count 1-8, each group has three members."

Utos niya sa amin kaya naman nagbilangan na kami. Group 7 ako. Sino naman kayang magiging kagrupo ko? Sana naman yung matino. Whaha! Ang sama eh noh?

"Group 1, here. Group 2, Group 3 and so on. Walang magkakagulo. One member of the group pumunta po dito sa unahan."

Papunta na ako sa bandang left side sa likod nang bigla kong makita yung pagmumukha ni Vince. Eh? Magkagrupo kami?

"7 ka?"

Tanong ko sa kanya.

"Oo, 7 karin?"

Tanong ni Vince habang nakataas ang kilay at para bang... gulat? Gulat nga ba? Ewan. Malay ko sa mukha nyan.

"Oo."

Sagot ko at biglang nagpabagsak ng balikat nya.

"Bakit ka 7? Bawal ka mag 7, alis!"

Sabi nito at mga 'shoo!' effect pa. Aba, sampalin ko to. Namimili pa ng kagrupo.

"Baka sapakin kita?"

Pagtataray ko sa kanya. Itakwil ba naman ako. Umupo na ako dun sa bakanteng upuan then napansin ko yung isang girl napapalapit nung tumayo si Vince dahil kailangan ng representative sa unahan.

"Oh, Hi. Group 7 ka?"

Bati ko sakanya at saka siya kinawayan. Tumango naman siya sa akin atsaka umupo.

"Anong name mo?"

Yes, first move. Sa tatlong linggo ko dito sa room namin, wala pa akong masyadong kilalang classmate ko. Well, meron naman kaunti pero minsan nakakalimutan ko rin kaya ko siya tinatanong dahil di ko alam name nya. Narinig ko na name nito eh, nakalimutan ko lang.

"Hani."

Sagot nya saakin ng mahinang boses. Mahiyain ang mayora nyo. Maganda sya bes, maputi, makinis ang mukha, ang bagay na bagay sa kanya yung maigsi niyang buhok.

"Amaya, right?"

Paninigurado nya. Myghad, kilala nya ako. Tapos sya di ko kilala. Nakakahiya bes. Umama!

"Ha, yes."

Sabi ko pa at bigla namang dating ni Vince.

"Lipat ka."

Pasimple nyang sabi saakin. Aba'y bakit? Nahiya pa syang tumabi dito kay Hani. Well, nakaarange kasi by 3's ang upuan and then yung nasa gitna namin ni Hani yung vacant.

"Bakit?"

Pasimple ko ding tanong habang may kinukuha si Hani sa bag nya.

"Basta lumipat ka nalang."

Arte nito! Nahiya pa syang tumabi sa magandang dalagang to. Pabebe! Psh. Lumipat nalang ako para makapag usap na kami sa gagawin.

"Bakit ba?"

Tanong ko ulit pagkalipat ko.

"Basta."

Aba, naintindihan ko yun. Basta. Yes, it's so understandable. Psh.

"I'll give you 20 minutes to finished your task."

Sabi ni maam kaya ibinigay na ni Vince yung card.

Crazy Little LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon