Charrie's PoV
Kailan pa ako nagkaroon ng ganyang klaseng picture? Kailan pa kami nagkaroon niyan?
Damn, I just saw a photo of Sir Aj and I on his side table. It's a wedding photo for whoever's sake! I am wearing a white off shoulder gown, holding a bouquet of flowers and he's wearing a suit. Is this real?
"Hey. ok ka lang?" Tiningnan niya ang tinitingnan ko at hindi nakaligtas sa paningin ko ang ngiti sa kanyang labi.
"Ang ganda ng kuha natin diyan no?" He said dreamily. I didn't bother speaking.
"It was one of our pre-nup photos." He said. I can feel the happiness in his voice, at pakiramdam ko ay napakasaya ko din sa nakita kong ito.
"Stop it sir." Napahawak ako sa ulo ko nang may senaryong muling pumasok sa isip ko.
May isang lalaki at babae sa harap ng altar and few people inside the church are clapping their hands.
"Ok ka lang?" Sir Aj suddenly asked.
"I'm fine... kung lulubayan mo ako.." The way his expression changes from worried to hurt.
"Y-you want me to... leave you?" Tanong niya na para bang hindi niya kayang bigkasin ang huling dalawang salita.
"S-sir..." I have this kind of feeling na parang I want to take back what I've said and instead of telling him to leave, I want to tell him to stay and I want to hug him as tight as I could.
"Y-you can ask Kuya Ed to take you home." He said and turned his back on me. Gusto ko siyang pigilan pero parang nabato ako sa kinatatayuan ko.
"Honey..." Kusa na lang lumabas sa bibig ko na siyang nagpatigil sa kanya sa paglalakad.
B-bakit ko nasabi yun?
Unti-unti siyang lumingon sa'kin, with tears on his eyes. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Napakaiyakin niya talaga.
Ilang segundo ang lumipas ay humiwalay na rin siya sa yakap.
"Charrie..." He called my name as if he is cherishing every second of calling me.
"You can leave me now." Bulong nito. Pakiramdam ko tinakasan ako ng sariling lakas ko. This is what I want pero bakit parang nasasaktan ako?
"Makakaalis ka na. Leave me now, Charrie. Don't wait for me to stop you from leaving again dahil sa oras na pigilan ulit kita, hinding hindi na kita pakakawalan pa." Bumilis ang tibok ng puso ko at parang gusto ko nalang bumalik sa pagkakayakap sa kanya at huwag nang umalis..
..
..
..
pero mas pinili ko pa ring umalis.
..
Aj's PoV
Napaupo ako at napasandal nalang sa kama.
I let her leave.
Sabi ko kakayanin kong ibalik ang dating siya pero bakit parang sumuko na ako agad? Hindi ko ba kaya? Hindi ko ba kaya yung ginawa niya sa akin noon? Ang tiisin ako? Ang suyuin ako? Ang iparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga? Mukhang ibang iba talaga ako sa kanya. Parang siya pa ang lalaki. Masyado siyang pursigido. Iba ako, kasi hindi naman yata ako purong lalaki.
Pero tama parin bang sukuan ko nalang siya? Tama bang sundin ko ang sinasabi niyang layuan ko siya? kahit na noon, hindi niya kayang gawin sa akin iyon.
Ako kaya? kayanin ko?
Napaub-ob ako sa tuhod ko at hindi ko na napigilan ang tumutulong luha mula sa mata ko..
G-gusto ko siyang habulin at pigilan pero baka magalit nanaman siya sakin. Napatingin ako sa cellphone ko..
How can I get you back, Charrie? Will I still be able to get you back?
...
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanfictionHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?