Abid's PoV
Napatitig lang ako kay Charrie nang gulat na gulat at nalaglag pa ang hotdog na nasa bibig ko pababa sa plato ko, kasusubo ko lang e.
Nagulat ako nang tumawa si ninang.
"You, little kid. Masyado pa kayong bata ni Abid to marry each other.", sabi ni Ninang.
"But I want him to be my husband", sabi pa ni Charrie.
"Charrie--", Charrie cut her off.
"I can wait! I just want him to be my husband.", sabi niya with full determination.
"Charrie--", ako naman ang pumutol sa sasabihin ni Ninang.
"I would love to be your husband", sabi ko nang nakangiti. Sh!t, what have you done Abid?
"REALLY? see Mom? He wants to be my husband.", sabi niya at pumalakpak pa.
Ugh, what have you gotten yourself into, Abid?
Ninang sighed.
"Fine but not now. Wait until you reach 18.", sabi ni Ninang at walang alangang tumango si Charrie. She likes me this much?
"By the way, Ninang. I need to go home now.", I said and smiled before hugging Charrie.
"Bye my soon to be husband!", tumalikod ako at napailing nalang bago umuwi sa bahay. As I reached my room, I slammed the door at humiga sa kama.
"I would love to be your husband."
"I would love to be your husband."
"I would love to be your husband."
napasabunot ako sa sarili ko. Sh!t, bakit mo ba kasi sinabi yun Abid? Aasa yung bata na pakakasalan mo siya. Paano na si Benedict? Paano na siya?
*tok*tok*tok*
"Abid?", napabangon ako nang marinig ang boses ni Dad.
"Bakit po?", tanong ko. Binuksan nito ang pinto at umupo sa tabi ko.
"I want you to pack your things.", nakangiting sabi niya.
"Huh? Why?", takang tanong ko. Biglang pumasok si Mommy.
"Napili ang daddy mo na representative ng Nava Group of companies. Siya ang aattend sa meeting sa Paris para sa lugar na pagtatayuan ng Nava Mall. Doon na tayo titira at doon na din kayo mag-aaral dahil ang daddy mo na ang magmamanage ng mall don. 3 different malls to be exact.", masayang saad ni Mommy.
"Talaga po?", biglang pumasok si Avin sa kwarto ko.
"Oh, nandito ka na pala Avin. Magtulong na kayo ng kuya Abid mo na magempake.", sabi ni Dad at lumabas na sila ni Mom.
"Kuya? Bakit parang hindi ka masaya?", tanong ni Avin at umupo sa tabi ko. Paris is his dream country. Madami daw kasing babae doon dahil madaming fashion house. Loko loko e.
"Ikaw? Are you happy na aalis tayo?", tanong ko.
"Tinatanong pa ba yan kuya? Alam mo namang gustong gusto kong makapunta sa Paris. Higit pa sa madaming babae doon, gusto kong maging teacher doon.", nakangiting sabi niya at humiga sa kama.
"Bakit hindi nalang dito?", takang tanong ko.
"Alam mo ang sagot sa tanong na yan, Kuya.", sabi niya at tumagilid ng higa, patalikod sakin.
So tama nga ako, mahal niya na si Sheila. Mahal niya na si Sheila pero hindi niya magawang sabihin. Mahal na mahal niya si Sheila pero dahil may Troy, hindi niya masabi.
Alam ng lahat na gusto ni Troy si Sheila. Troy is the son of my dad's boss. Hindi niya pwedeng kalabanin ang anak ng boss ni dad dahil baka mawalan ng trabaho si Dad.
Pero sa nakikita ko, si Avin ang gusto ni Sheila. Hindi lang din niya masabi dahil gusto ng nanay niya si Troy for her.
Parehong gustong maging teacher nina Avin at Sheila. I guess kaya niya gusto doong magturo ay dahil siguradong bubuntutan siya ni Sheila saang school man siya mag-aral ng educ at magturo ng Sci. Gusto niya ang Sci dahil idol niya si Ninang.
Gusto niyang mapalayo kay Sheila para mawala ang feelings niya para sa babae.
"Eh ikaw kuya? Gusto mo bang umalis?", tanong niya.
"Hhmm. Ewan ko, kung saan kayo, doon nalang din ako", sabi ko at ngumiti.
"Paano si Charrie?", nagulat ako sa tanong niya. I didn't expect that coming.
"Anong paano si Charrie?", naguguluhan kong tanong.
"You like her, don't you?"
"What? No, I don't. I'm treating her as my little sister since I only have little brother.", sabi ko at umiwas ng tingin.My heart is beating so damn fast.
"ok, sabi mo e.", tila hindi convinced na sabi niya at naglabas na ng maleta. Meron kami nito dahil lumipat kami sa subdivision na ito noon.
"Hindi naman talaga", sabi ko pa.
"Wag ka ngang defensive!", natatawang sabi niya at binato ako ng damit.
Hindi ko naman talaga siya gusto... diba?
...
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanficHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?