Charrie's PoV
Pagmulat ng mata ko ay wala akong nakita kundi kadiliman. Nasaan ako?
"Abid?", tawag ko sa pangalan niya. Nakarinig lang ako ng ungol.
"Abid?", pagtawag kong muli sa pangalan niya.
"Cha-Charrie.", I heard his weak voice.
"Abid, nasaan ka?", bago pa man makasagot si Abid ay bumukas ang pinto kaya nagkaroon ng kaunting liwanag. I heard the sound of the switch at bumukas ang ilaw kung nasaan kami.
"Gising na pala kayo. Grabe Charrie ha, apat na araw kayong tulog. Masaya ba sa dream land?", nakangising tanong ng babaeng pumasok. Maica?
"Maica..", tawag ko sa pangalan nito. She smirked.
"Oh dear.", nabigla ako nang may mga malalaking lalaking pumasok hila hila sina...
"Mariel, Joseph!", Pagtawag ko. Lumingon ito sa akin. May mga sugat at pasa si Joseph while Mariel is still fine but I can see fear in her eyes. Padabog silang binitawan ng mga lalaki malapit sa akin. Napalingon ako sa kanan ko at nakita si Abid na may natuyong dugo sa kanang balikat nito.
"Alam mo ba dapat tutuluyan ko na yang si Abid pero mas maganda kung sabay sabay tayo diba? Kaya I called our family doctor para tanggalin yung bala sa balikat niya. Ang bait ko no?", sabi nito at ngumiti.
"Mabait? Maica, ano bang nangyayari sayo?", nagbabadya na ang luha ko. Hindi ako makapaniwalang si Maica ang nasa harapan ko ngayon.
"Maica? It's Maila, Charrie.", naguluhan ako sa sinabi niya. Maila? She's Maica's twin sister! Ang alam ko ay patay na ito. Kasama siya ng tatay niya nang maaksidente ito. Paanong buhay siya?
"Kung ganoon, nasaan si Maica?", napalingon ako sa kaliwa ko, only to found my brother, Ben. Nandito rin siya?
"Oh, miss mo na ba yung lampa mong girlfriend, Benedict? Hindi ba mas maganda naman ako sa kanya? Mas gusto mo ako, diba?", may pang-aakit sa tono nito na lalong ikinagalit ni Ben.
"NASAAN SI MAICA? TANGINA", bulyaw ni Ben.
"Don't shout, Ben. You're hurting my eardrums.", maarteng sabi nito at sinenyasan ang isa sa mga lalaking naririto. Lumabas ito at lalo kaming nagulat sa nakita namin.
"M-Maica.", gumapang si Ben papunta kay Maica na walang malay na hinagis sa sahig nung lalaki. Mas marami siyang sugat at pasa compared to Joseph. Sunog din ang ilang parte ng balat nito.
"WHAT HAVE YOU DONE?", galit na tanong ni Ben.
"Aww. Pangit na ba siya, Ben? Di mo na siya gusto? Ayos lang yan, I'm still here.", sabi ni Maila.
"Bakit mo ba ginagawa ito?", sa wakas ay nakabawi na ako't nakapagsalita na.
"Make a guess!", sabi nito at tumawa pa.
"Maila, itigil mo na ang kalokohang ito at mag-usap tayo ng maayos. Tell us what you want. Tell us why you're doing this!", kalmadong sabi ko na ikinailing niya.
"Kalokohan? Sa tingin mo kalokohan ang lahat ng ito? Nagkakamali ka. Lahat ng ito ay para sa kasalanan mo! Niyong lahat! You're a disaster, my dear sister.", napakunot ang noo ko sa sinabi niya. She's talking to me, isn't she?
"Maila!", napalingon ako sa nanghihinang boses na yon. It was Maica who suddenly regained her consciousness.
"ANO? AYAW MO PARING IPAALAM SA KANYA? DAPAT NIYANG MALAMAN, MAICA!", sigaw nito kay Maica.
"Maila, tumigil ka na.", pagsusumamo ni Maica.
"Anong dapat kong malaman?", I'm so tired of this sh!ts. Ano pang kailangan kong malaman?
"You are a living disaster, Charina, or should I call you Mae?", lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya.
"Mae. That was supposed to be your name kung hindi ka lang itinakas ng magaling mong ina. Nang dahil sa malandi mong ina, namatay ang nanay ko!", dagdag niya at ipinasok ng isang lalaki ang isang naaagnas na bangkay ng isang babae.
"That woman is my mother. Nilandi ng nanay mo ang tatay ko kaya nabuo ang disaster na kagaya mo! Kasalanan ka, Charrie! Nang malaman ng nanay ko na nagkaanak ang tatay ko sa nanay mo, nagpakamatay ang nanay ko 3 years ago.", tumulo na ang luha niyang alam kong kanina pa niya pinipigilan.
"Nagkakamali ka. Narape ang nanay ko!", depensa ko. She has no right to insult my mother.
"Narape. Yan! Yan ang alam ng lahat-", Maica cut her off.
"DAHIL YUN ANG TOTOO, MAILA! DAD RAPED HER MOTHER!", sigaw nito.
"Ayan! Nakita mo na ang ginawa mo sa kapatid ko? Si Maica nalang ang natira sakin simula nang magpakamatay si Mommy at maaksidente si Daddy. Siya nalang ang meron ako pero inagaw mo pa!", tuloy tuloy na ang pagpatak ng luha niya.
"Nang malaman niyang kapatid ka namin, lumapit siya sayo. Simula nang maging close kayo, nakalimutan na niyang may nakababatang kapatid pa siya. Ikaw at ikaw nalang at kasama't bukambibig niya. Nawalan na ako ng pwesto sa puso ng ate ko!", masama ang tingin niya sakin kahit patuloy siya sa pag-iyak.
"Hindi totoo yan, Maila.", sabi ni Maica.
"KAHIT HINDI MO AMININ, RAMDAM KO! RAMDAM KONG SI CHARRIE NALANG ANG MAHALAGA SAYO! Kaya nang malaman kong pinsan natin si Sheila, hindi na ako nagdalawang isip na tulungan siya. Tulungan siyang alisin sa buhay naming pareho si Charrie pero nakialam ka nanaman, ate! Ngayon mo sabihing hindi siya mahalaga compared sakin.", hindi nakaimik si Maica sa sinabi niya.
"Hindi ka makaimik dahil yun ang totoo!", sigaw muli ni Maila.
"Maila, please itigil mo na ito.", pagmamakaawa ni Maica.
"No. Hindi ko ititigil to hangga't hindi kayo namamatay. Lahat kayo!", sabi niya bago tumawa nang malakas.
--End of Part I--
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanficHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?