41- The Long lost friend

539 29 3
                                    

>>Dedicated to jadeyxxxperrie dahil sa title ng chapter hahaha.<<

Avin's PoV

Nagdoorbell ako sa bahay ni Kuya. Right, starting to call him Kuya again.

He opened the gate for me.

"Avin. Why are you here?", tinitigan ko siya.

"Anong nangyari sa mata mo?", tanong ko. Pugto ang mata niya e.

"W-wala to. Napuyat lang.", kahit hindi ako gaanong kumbinsido, tumango nalang ako at pumasok sa loob. It's my first time here.

"You have a nice house.", puri ko. Dumiretso siya sa sofa at nagbukas ng tv at nanuod. Nanatili akong nakatayo.

"Si Charrie ang nagdesign ng bahay.", sabi niya. Mas lalo akong namangha, knowing it is Charrie's design.

"Ang swerte mo sa kanya.", nasabi ko nalang kaya napalingon siya sakin.

"What do you mean?", nakakunot noong tanong niya.

"She deserve to be treated like a queen, not like a trash.", diretsong sabi ko.

"Avin..."

"She don't deserve having a hard time."

"You don't know anything..", sabi niya at umiwas ng tingin.

"Right. I don't know anything. Kasi ang alam ko lang ay kung paano siya naghirap sa Paris, kung paano niya pinalaki ang anak niya ng mag-isa, kung paano niya pinigilan ang sarili niyang balikan ka at ngayon, nadagdagan nanaman ang aalagaan niya.", I said with a sarcastic tone.

"Stop it.",

"Ok. I'll stop. I gotta go. Bibisitahin ko pa si Charrie sa ospital.", sabi ko at tumalikod na.

"Ospital? B-bakit siya nasa ospital?", tanong niya

"None of your business. Hindi na siya parte ng buhay mo, hindi ba?", hindi nila alam na nung araw na nagkita sila ni Charrie, nandun ako. I saw everything. I've heard everything.

"I gotta go.", sabi ko at nagsimula ng maglakad. Napatigil ako ng may maapakan ako. Yumuko ako para tingnan kung ano yun. Itinaas ko ito at tinitigan.

Imposible.

"Kuya. Kanino to?", kinakabahang tanong ko.

"Alin?", Lumapit siya sakin at tiningnan ang hawak ko.

"Nakita ko yang suot ni Sheila. Baka nalaglag sa kamay niya.", napahawak ako ng mahigpit sa hawak ko.

"Nasaan siya?"

"Nasa guest room.", nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano? Hinayaan mong tumira yang kabit mo dito sa bahay niyo ni Charrie na si Charrie mismo ang nagdisenyo? Bakit ba ang gago mo Abid Klyde ha?", Nainis na talaga ako sa kanya. Parang wala na din siyang respeto kay Charrie.

Umakyat ako at dumiretso sa guest room.

I saw Sheila sitting on the bed.

"Saan mo nakuha ang bracelet na to?", tanong ko at itinaas ang bracelet na gawa sa loom bands na hawak ko.

"B-bakit nasayo yan?", tanong niya at pilit inabot ang bracelet pero inilayo ko ito.

"SAGUTIN MO AKO! SAAN GALING ANG BRACELET NA ITO?", tanong ko dahil hindi ako pwedeng magkamali. Ang bracelet na ito ay ang pinakaunang loom bands-bracelet na ginawa ko. Mahahalata mong luma na ito dahil may mga loom bands na lagot na pero hindi pa naman sira lahat. Naisusuot pa ito pero may mga gato-gato na din.

"B-bigay sakin ni Abid yan nung bata pa kami! Tinuruan daw siya ng kapatid niya na gawin yan. So, ikaw yung nagturo kay Abid.", dire diretso niyang sagot. Shit. Hindi ako makapaniwala.

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Anne. I miss you.", ramdam kong natigilan siya.

"B-ba--", I cut her off.

"Anne. Ako yon. Ako ang nagbigay sayo nito. Ako ang nagpaturo sa kapatid ko at hindi si Abid. Ako. Ako ang batang yun. ", paliwanag ko.

"I-ikaw? Pero hindi! Si Abid yun eh!", depensa pa niya.

"Ako nga yon! Ako ang batang yon! Ang tagal kong hinintay ang araw na magkikita tayo ulit. Ngayon, nakita na ulit kita. Miss na miss kita Anne.", bulong ko.

"Kly..", bulong niya din.

I found her. I found my long lost friend.

...

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon