Charrie's PoV
(hello? Ano na Charrie? nakita mo na ba?)
"Troy Navarro! Bakit si Abid ang ipinadala mo ha?"
(Bakit? He's your husband right? Eh employee ko siya so siya ang pinadala ko. Para comforta--)
"COMFORTABLE? SA TINGIN MO MAGIGING COMFORTABLE AKO SA ISANG LUGAR KASAMA ANG EX HUSBAND KO?", di ko na napigilang sumigaw. Napatingin tuloy sakin ang mga tao.
(HIWALAY NA KAYO?)
"uhmm. Hindi"
(oh? paano mo siya naging ex husband?)
"ah basta! Maghanap ka ng ibang tao para samahan ako dito!", reklamo ko pa.
(ok na si Abid na lang ang sumama sa--)
"hindi nga ok!!"
(hay nako bahala ka. Kung hindi ka sasama kay Abid, say goodbye to the place you're going to buy.)
"What the hell Troy?"
(Your choice Ms. V)
then he ended the call. Just what the hell? Ganito siya trumato ng client? Dapat siya pa ang humahabol sakin bakit ang client ang hahabol sa kanya? Kainisssss! Kung di ko lang gusto yung lugar na yun e.
I received a text message from an unknown number.
From: +639*********
Charrie, it's Abid. I'm here at *** Hotel. Your room number is 069. 068 ako. Just call me when you need me.and you'll be there? g*go! gasgas na yan!
Inis na kinuha ko ang slingbag ko at sumakay ng taxi papunta sa sinabi niyang hotel. Pero nabasa muna ako ng malakas na ulan dahil wala masyadong dumadaang taxi
"Miss. Anong floor ang room 069?", tanong ko sa receptionist habang yakap ko ang sarili ko. Naman oh! ginaw na ginaw na ako!
"6th floor po miss.", sagot niya kaya dumiretso na ako sa elevator para pumunta sa 6th floor.
Syempre sa room 068 muna ako nagpunta. Pinagbuksan naman ako ni Abid nang magtext ako sa kanya.
Iniabot niya ang keycard ng room ko at kinuha ko yun bago dumiretso sa room ko.
Pagpasok ko, nakita ko ang malaking bag ko sa ibabaw ng kama. Agad akong humiga sa kama at tumitig sa kisame.
"Ano na Charina? Kaya mo pa?", umirit ako at nagtakip ng mukha gamit ang kamay ko. Shiiiit. Now what? Iniisip ko palang na nasa katabing kwarto ko lang si Abid, hindi na ako mapakali. Walong taon din akong nasanay na malayo sa kanya. Ngayon, isang pader lang ang pagitan naming dalawa. Hindi na milya.
Napalingon ako sa bintana. Ang lakas ng ulan. My ghad.
Kinuha ko ang phone ko at tumingin ng flights for tomorrow. Titingnan ko lang talaga ang lugar bukas at uuwi nadin agad ako kay Chad.
Cebu to Manila-Cancelled
CANCELLED? tumingin din ako sa byahe ng barko pero cancelled din dahil sa lakas ng bagyo. Pambihira naman oh! So until when do I have to stay here with him? Fudge!
Napabangon ako ng marealize na basa pa nga pala ako. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Ang lamig. Nagsuot ako ng bathrobe at naupo sa may kama habang pinapatuyo ang buhok ko.
Nang matuyo ko ito gamit ang towel at blower na dala ko, nahiga na ako at hindi na nagsuot ng damit pa. Tanging robe lang ang suot ko at underwear.
Binalot ko ang sarili ko sa kumot at isiniksik ang sarili ko sa unan. Fowta, ang lamigggg! Bbbrrr!
...
Nagising ako ng maramdaman kong may marahang humahaplos sa buhok ko. Pag mulat ng mata ko, I saw an angel. Abid is staring at me.
"Bakit di mo sinabing nilalagnat ka?", nagulat naman ako sa tanong niya. Ako? nilalagnat? Kaya pala lamig na lamig ako.
"Nagluto ako ng soup. Mainit pa, para uminit init naman ang pakiramdam mo.", sabi niya at inalalayan akong umupo.
"Paano ka nakapasok?", tanong ko.
"Humingi ako ng duplicate ng key card mo. I've been calling you for I don't know how many times pero hindi ka sumasagot so pumasok na ko dito. Then I found you here, so hot---uhh, literal.", sabi niya.
"Pwede ka ng lumabas.", sabi ko.
"Charrie--", I cut him off.
"Why do you care so much? I told you you're not part of my life anymore. Please don't push yourself in. It's not worthy", Sabi ko bago tinabig ang kamay niya at nilagpasan ang soup na niluto niya. Dumiretso ako sa CR at napahawak sa sink.
"Calm down Charrie. Tama lang ang ginawa mo. Wag kang bibigay."
...
AN: Dahil ang cute talaga ni Jungha, ang galing at ang gwapo ni Jun (U KISS) at gustong gusto ko ang performance nila sa The Unit. Ito na! UD it is! Inspiration. HahahaVomments guys! :*
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanficHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?