57- Chance

495 26 6
                                    

Ben's PoV







"YOU ", gulat na sigaw ni Maica.

"Chill ka lang, Maicababes.", awat ko dito at muling pinaupo sa tabi ko.

"I gave him a chance.", ulit pa ni Charrie sa sinabi niya.

"You've gotta be kidding me, Charina. Why the hell did you do that?", may bakas ng pagkairita sa boses ni Mariel.

"Masama ba?", tila walang pakialam na sabi ni Charrie.

"AARRGGGHH.. ANSARAP MONG SABUNUTAN GIRL.", inis na sabi ni Mariel.

"Stop it Yel, buntis ka.", awat naman ni Joseph.

"Eto kasing babaeng to eh! Nakakainis ang katangahan.", sabi ulit ni Mariel.

"Katangahan? Tanga na kung tanga pero gusto kong maranasan ulit maging masaya at mahalin ng taong alam kong mahal ako. Kahit na hindi si Abid yon.", malungkot na sabi ni Charrie.

"Hindi ba kami sapat Charrie? May kaibigan ka, may pamilya ka, may Chad ka at may susunod pa kay Chad. Aren't we enough to make you happy?", singit ni Maica.

"You know what I'm talking about Maica. Isa pa, I want a father for my children.", Charrie said.

"Father? Kahit hindi nila totoong ama ay ayos lang?", may halong iritang sabi ni Maica.

"Kilala ko siya.. hindi siya basta lalaki lang.", may diing sabi ni Charrie.

"Exactly Charina! Hindi siya basta lalaki lang! Kakambal siya ng asawa mo. How could you gave him a chance to be the father of your children? na mga pamangkin niya?", Mariel.

"I just...", nagulat kaming lahat nang bumagsak si Charrie, thank god I catched her.

"fvck. Call an ambulance!", may pagpapanic na sabi ko.

Agad na tumawag naman si Mariel.

"Sh*t. Wake up Charrie. Wake up!", marahan kong sinasampal ang pisngi niya.

....

Dinala namin sa ospital si Charrie at sabi ng doctor ay masyado daw stress ang buntis. hay nako, Charina.

"Maicababes, tara kumain?", yaya ko dito.

"Mamaya na. Babantayan namin si Charrie.", sagot niya.

"Charrie. Wake up na, sorry na sa pagsigaw ko kanina.", umiiyak na sabi ni Mariel.

"Hoy! Wag mo ngang iyakan yang kapatid ko! Malakas pa yan oy!", suway ko dito.

"Ewan ko sayo! Umalis ka na dito!", si Maicababes naman ang sumigaw sakin.

"Bakit ako aalis? Eh kapatid ko yang nakahiga dyan?", pataray kong tanong.

"Sinasagot mo na ako ng tanong ngayon Ben?", agad akong ngumiti nang tawagin niya akong Ben. She usually calls me pandak. Pag pangalan na, nako, I need to hide. haha

"Sabi ko nga, aalis na ako. Pakialagaan po ang kapatid ko. Salamat po.", sabi ko at dahan dahang lumabas ng kwarto sa ospital. Dahan dahan ko ding isinara ang pinto at---

"OH SH*T", mukha ni Joseph ang bumungad sakin.

"Wag ka namang manggulat dyan pre!", inis na sabi ko.

"Anong manggulat? Ikaw tong parang tangang magnanakaw na ayaw magpahuli.", natawa ako sa sagot niya.

"Hay nako, Joseph. Tara nga!", inakbayan ko siya kahit medyo mahirap dahil matangkad siya, hindi naman ako pandak, matangkad lang talaga siya.

"Ano ba Ben, wag mo kong bitinan, para kang unggoy.", reklamo niya.

"Bitinan? T*nga! Umaakbay ako!", inis na sabi ko.

"Talaga? sa liit mong yan nakakaakbay ka sakin? nakabitin ka kamo!", natatawang sabi nito.

"g*go!", bumitaw ako sa pagkakaakbay sa kanya at lumabas ng hospital. Dumiretso ako sa isang fast food dah gutom na talaga ako.

Naramdaman kong may humihila sa laylayan ng damit ko.

"Chad?", kumaway ito sakin kahit nakapokerface lang. Napatingin ako sa nakahawak sa kamay niya, si Avin.

"Pre.", bati ni Avin. Tinanguan ko lang siya. Wala talaga akong tiwala sa gagong to.

Bakit?

Una, panget siya at gwapo ako.

Pangalawa, panget siya at gwapo ako.

Pangatlo, panget siya at gwapo ako.

Panghuli, gwapo ako. Wahaha.

"Pwede ko bang kunin si Chad?", tanong ko kay Avin.

"Bakit? Pupunta pa sana kami sa amusement park.", sabi nito. Tanga ba to? Alam na may trauma yung bata tapos sa amusement park dadalhin? Andaming tao don tapos maingay. Yun ang dahilan kung bakit umiiyak lagi si Chad, ang ingay. Lahat ng ingay ay inaakala niyang tunog ng baril. Hindi sinabi ni Charrie kung sino ang may gawa. Kung sino man ang gumawa nito sa pamangkin ko ay hinding hindi ko mapapatawad.

Mapapatay ko kung sino man ang sumira ng tahimik na buhay ng pamangkin ko.

...

A/N: Andyan na si Teacher. UD muna. haha. 😊😊

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon