Mariel's PoV
"Antagal naman eh!", reklamo ko.
"Just be patient, darating din ang nga yon.", sabi ni Joseph at hinimas ang likod ng kamay ko.
Paano ba naman kasi, alas syete na ng gabi, ang plano ay kakain kami nang sabay sabay at ang kitaang oras ay 6pm pero wala pa rin sina Charrie. Dapat kumpleto kami e, ako, si Joseph, Charrie, Maica, Ben at Avin pero kaming dalawa palang ni Joseph ang nandito. Wow ha -_-.
"Hey guys. Sorry I'm late, may inasikaso lang.", dumating sina Ben at Maica na malapad ang ngiti.
"Akala ko hindi na kayo darating eh. Nasaan na kaya yung dalawa?", tanong ko at kita kong napapikit ng mariin si Maica na para bang sumakit ang ulo pero agad ding ngumiti ulit.
"Baka nagsolo na.", sabi nito at umupo sa tapat ko. Umupo naman si Ben sa harap ni Joseph. Parang uneasy siya. Anong meron?
Biglang nagring ang phone ni Ben.
"Yes, hello?.... WHAT? BAKIT?.... Tawagan mo si Mommy o kaya si Daddy.... nasaan ba si Charrie? .... Ok, sige.", Ben
"Sino yon,pre?", tanong ni Joseph
"Yaya ni Chad. Umiiyak daw si Chad, hindi daw mapatahan.", may pag-aalala sa tono niya.
"Bakit daw?", tanong ko.
"May nabasag daw na baso, alam niyo namang may trauma sa ingay ang pamangkin ko.", malungkot na saad nito.
"Anyway, order na tayo, mukhang nagsolo na nga yung dalawa.", sabi ni Ben nang mapansing parang wala na kaming hinihintay. Nasaan na kaya ang dalawang yon?
This dinner is actually a celebration dahil nalaman na namin ang gender ng baby namin ni Joseph. I was supposed to tell them pero hindi ko ma-open yung topic since kita kong nag-aalala parin si Ben kay Chad. Maica's been looking at her phone for I don't know how many times.
Padabog kong ibinaba ang kutsara't tinidor ko. Napatingin sila sakin.
"Ben, you should go home. I know you're damn worried about Chad.", sabi ko at lumingon naman kay Maica.
"You can look at your phone any time you want since parang wala lang din naman kami dito.", sabi ko at kinuha na ang jacket ko para lumabas ng Corian. Ramdam ko ang pagsunod ni Joseph.
"Init ng ulo mo ah", puna niya.
"Nakakainis kasi eh, pinaghintay tayo ng matagal tapos ganon pa sila.", sumakay kami sa kotse at agad itong pinaandar ni Joseph. Tumunog bigla ang phone ko.
"Oh?", sagot ko nang mabasang si Ben ang caller.
(I need you to go to our house.)
"At baket?"
(I need you to take care of Chad.)
"Bakit nga?", iritang tanong ko.
(Mag-iisang oras na siyang umiiyak. I'll find Charrie.)
sabi niya at pinatay ang tawag. Aba gago, d ako pinasagot.
"Go to Ben's house. Now!", sabi ko kay Joseph at agad itong nag U-turn. I started dialing Charrie's number.
(The number you have dialed is either unattended or out of coverage area----)
Muli ko itong idinial pero unattended talaga. Masama na ang kutob ko.
Agad akong bumaba sa kotse at nakita si Chad na nakasiksik sa ilalim ng hagdan ng mansion, takip ng dalawang kamay niya ang magkabilang tenga niya at walang tigil ang pag-agos ng luha niya.
Lumapit ako at pinatahan siya.
"Chad. Calm down, no one's gonna hurt you.", sabi ko pero tiningnan niya lang ako bago lumingon sa may center table kung nasaan ang picture ni Charrie at...
"MMMMMMM", puro irit ang pumalabas sa bibig ni Chad. Nadali ni Joseph ang picture ni Charrie at nabasag ang picture frame nito.
I did everything to calm him down pero hindi siya tumitigil sa pag-iyak.
"Joseph, ano na?", sigaw ko.
"Unattended parin.", natatarantang sabi nito.
Binuhat ko si Chad na patuloy parin sa pag-irit at pag-iyak
Kawawa naman ang batang to. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya.
Charrie, where are you?
...
A/N: WAAAAAH. TAPOS NA! TAPOS NA! TAPOS NA! TAPOS NA ANG GRADE 9 DAYS. THANK YOU LORD, SA MGA MAG-GRADE 9 DIYAN, GOOD LUCK SA INYO. BE READY.
-GRADE 9 SURVIVOR, CHRIM
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanfictionHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?