Third Person's PoV
Hindi alam ni Abid kung paano lilingon. Nanatili siyang nakatalikod kay Charina subalit hindi na rin niya napigilang mapaluha. Minsan na siyang natawag ni Charrie ng "honey" ng mawalan ito ng alaala subalit ramdam niyang may iba. Iba ang pagkakatawag niya ngayon. Punong puno iyon ng pagmamahal.
Si Charrie ay napahawak sa kanyang dibdib dahil sa paninikip nito dulot ng pag-iyak. Nagusumot na niya ang kanyang damit habang patuloy parin sa pag-iyak.
Dahan-dahang lumingon si Abid kay Charina. Napayuko si Charina at patuloy na umiyak. Hindi niya kayang tingnan si Abid ng diretso sa mata. Nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil sa sinabi niya kanina sa taong kaharap niya. Nasasaktan siya sa sarili niyang mga salita. Mahal niya si Abid, walang duda yun at ang mga sinabi niya kanina ay talagang nakasakit kay Abid at sa sarili niya mismo.
Patuloy na rumagasa ang luha nilang dalawa. Bawat hakbang ni Abid papalapit sa kanya ay mabibigat, tila natatakot na sa paglapit niya kay Charina ay itaboy siya nitong muli. Sa kabila nito, nagawa niyang makalapit kay Charrie. Dahan dahan niyang iniangat ang kanang kamay niya at ipinunas ang kanyang hinlalaki sa pisngi ni Charrie na basang basa ng luha. Ang kabilang kamay naman niya ay inihaplos niya sa kabilang pisngi ni Charina. Inilagay niya ang takas na buhok nito sa likod ng tenga. Hinawakan niya ang likod ng ulo ni Charrie at dahan dahang hinagkan.
Lalong lumakas ang iyak ni Charina. Maging si Abid ay may tunog na ang pag-iyak. Sa mga bisig ni Abid, ang pinaka ligtas at komportableng lugar para kay Charrie. Para bang ayaw niya ng kumalas.
Si Abid ang unang kumalas sa yakap at pinagmasdan si Charina. Nanatiling nakayuko naman si Charina kaya itinunghay siya ni Abid gamit ang kamay nito ng marahan at may pag-iingat.
"Charrie.", Nakatunghay nga si Charrie pero hindi parin niya magawang makatingin ng diretso kay Abid. Tama, naalala niya na ang lahat kaya't sa tuwing tumitingin siya sa mata ni Abid ay naaalala niya ang kataksilan nito na nangyari noon sa Corian Restaurant.
Masakit parin iyon para sa kanya pero nahihiya rin siya na masyado niyang dinamdam yun kaya siya naaksidente gayong asawa lang naman siya sa papel. Wala siyang karapatang magreklamo.
Pero naguguluhan siya, naguguluhan siya sa mga ipinakita ni Abid nitong mga nakaraang araw.
"Do you....", Pinutol na ni Charrie ang dapat sasabihin ni Abid.
"Yes. I remember you. I remember everything", sinabi yan ni Charrie habang patuloy parin sa pag-iyak. Hindi niya na alam kung paano pa aasta sa harap ni Abid.
Niyakap siya ng mahigpit ni Abid.
"Charrie. I want you to know na lahat ng pinakita ko sayo nang mawalan ka ng alaala ay totoo. Charrie, mahal na kita. Mahal na mahal na kita to the point na hindi ko na kayang mahiwalay sayo. I'm sorry for being a jerk, a bast*rd, an assh*le or whatever you want to call me. I'm sorry for not noticing you before. Charina I love you. I love you so much.", Yan ang mga katagang binitawan ni Abid habang hinahaplos ng dahan dahan ang buhok ni Charrie. Hindi naman makapagsalita si Charrie dahil sa patuloy na pag-iyak. Hindi na niya magawang makapagsalita dahil sa paninikip nadin ng dibdib niya.
Mahal niya si Abid. Mahal na mahal pero sa kabila ng tuwa sa mga sinasabi ni Abid ay takot ang mas nangingibabaw sa kanya. Ilang beses na siyang nasaktan dahil sa pagpaparamdam ni Abid sa kanya na para bang wala siyang kwenta. Natatakot na siyang maulit yon. Natatakot na siyang masaktan pang muli ng dahil sa lalaking mahal niya. Baka pagnasaktan siya ulit, hindi na niya kayanin at siya mismo ang papatay sa sarili niya.
Hihiwalay na sana sa yakap si Abid pero naramdaman niya ang panghihina ni Charrie. Unti-unti itong bumabagsak, pagtingin niya sa mukha nito'y nakapikit na ang mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanfictionHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?