39- Drunk

533 29 3
                                    

Charrie's PoV




"Mama Hapi!", sigaw ni Chad. Napalingon ako sa pinto ng bahay. Mom's back. Tumakbo palapit sa kanya si Chad at yumakap sa tuhod niya. Binuhat niya ito at pinaulanan ng halik sa pisngi.

"Aww. I miss this little kid.", nakangiting sabi ni Mommy. Lumingon siya sakin. Tumitig lang ako sa mga mata niya. My mommy. Hindi ko magawang magsalita.

Ibinaba niya si Chad.

"Go to your room first baby. I'll give you toys later.", nakangiting sabi ni Mommy kaya tumakbo muna pataas si Chad. So obedient when it comes to his toys.

Mom went near me. She hugged me immediately.

"If you want to cry, then cry.", pagkasabi niya noon, napaiyak na ako. I need her now. I need my mother right now.

"Hindi ko man alam ang nangyari, I know you can get through all of this. After all, you are my daughter. I know you can do it. Everything will be alright.", I hugged her back and cried hard.

"Sinabi ba niya na pagod na siya?", mahinahong tanong niya at tumango ako.

"Sinabi ba niya na hindi ka na niya mahal?", napahagulgol ako sa tanong na yon habang tumatango.

"He.... wants a divorce Mom."

"Ssh.", pagpapatahan niya sakin.

...

Hapi's PoV



Tinitigan ko lang ang anak ko habang mahimbing na natutulog sa sofa. She was once a little girl who cries over her carbonara and barbie dolls. Now, she cries for someone. She cries for him.

Simula pa lang, I know she loves him. In Abid's side, I know he's a gay but I can see that he cares for my daughter. He even went back here in the Philippines just to grant my daughter's wish to marry him. Alam ko na hindi lang niya pinakasalan si Charrie dahil lang sa ninang niya ako at kaibigan ko ang nanay niya. Alam kong may nararamdaman na din siya para sa anak ko.

Pero anong nangyari habang wala ako? Bakit sila nagkaganito?  Bakit umabot sa hiwalayan?

Hinaplos ko ang buhok ni Charrie. I wish I can do something to ease the pain inside her.

...

Charrie's PoV





Nagising ako at nakitang katabi ko si Mommy. Bumangon ako at dumiretso sa kwarto ko. Alas syete na pala ng gabi. Nagsuot ako ng jacket at kinuha ang wallet ko bago lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa pinakamalapit na Mini Stop at bumili ng Chillz.

Habang umiinom ay lumabas nadin ako. Naglalakad ako pabalik ng may makita akong isang lalaki pagewang gewang kung maglakad. Oh my gosh. Agad akong kinabahan dahil mukhang lasing siya at kaming dalawa lang ang tao dito.

Napatigil ako sa paglalakad at ng medyo malapit na siya sakin ay napahinga ako ng maluwag ng makitang si Avin ito.

"Avin.. Lasing ka ba?", tanong ko na dapat hindi ko na itinanong. Sinong lasing ang aamin na lasing siya? -_-

"Charrieeeee. Hihihi, ang ganda mo.", sabi niya at lumapit pa sa akin. Bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina. Dahan dahan akong umatras.

"A-Avin."

"Charrie. Alam mo bang mahal na mahal kita? Haha. Syempre alam mo, nasabi ko na e. Haha, Tanga ko.", tuwid at hindi iba ang salita niya pero halata mong wala siyang kontrol sa sinasabi niya.

Nagulat ako ng C-in-orner niya ako sa may pader. Napalunok nalang ako.

"Charrie. Bakit kapatid ko pa ang minahal mo? Bakit hindi nalang ako? Mas gwapo ako sa kanya. Ayy, hahahaha, magkamukha nga pala kami. Eeeeh. dapat ako nalanggggg!!!", sabi niya at nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

Fvck! he kissed me!

Itinulak ko siya at sinampal. Para namang natauhan siya sa ginawa ko.

"C-Charrie. Sorry. I-I'm sorry. Hindi ko--", I cut him off.

"Don't do that again.", mariing sabi ko.

"I'm really so---", hindi niya naituloy ang sinabi niya dahil bigla akong nasuka.

Bakit ako ang nasuka? Siya ang lasing diba? Sh!t.

"Charrie? Ok ka lang? Fvck!", nagulat ako ng magmura siya at sinuntok ang pader. Kita ko ang pagdaloy ng dugo sa kamao niya. Nagdadalawa na sa paningin ko ang kamay niya at patuloy ako sa pagsuka.

"Buntis ka nanaman? Siya nanaman ba ang ama? BAKIT SA KANYA NAGPAPAGALAW KA? BAKIT SAKIN KAHIT HALIK LANG HINDI MO PA PAGBIGYAN?", gusto ko siyang sampalin sa sinabi niya pero wala akong lakas. Nanghihina ako at hilong hilo.

"C-Charrie.. Hey, what's happening to you? Ok ka lang? S-sorry. Sorry sa pagsigaw ko. I'm sorry. CHARRIE!!",  That's the last thing I heard before I lost consciousness

...

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon