Abid's PoV
Dahil magkaptid bahay kami ni Charrie, I decided to take her home. Late daw kasing uuwi ang mommy niya dahil may aasikasuhin pa.
"Abid---", I cut her off.
"KUYA Abid.", pag-ko-correct ko.
"ABID! crush kita kaya walang 'Kuya'", sabi niya ang showed me her sweet smile. Gusto kong mandiri sa sinabi niya pero imbes na pandidiri ay ngiti pa ang nagawa ko.
"Hay nako. Ikaw na bata ka.", natatawang sabi ko at inakbayan siya't ginulo ang buhok nito papunta sa mukha niya.
"Bakit ba gustong gusto mong ginugulo ang buhok ko?", tanong niya at inayos ang buhok niya.
"Ang ganda mo kasi. Tinatakpan ko, baka may biglang humingi ng number mo.", sabi ko.
"Asuuus. Ano naman ngayon kung may humingi ng number ko?", nakangiting tanong niya.
"Bata ka pa.", sabi ko nalang at nagtuloy tuloy sa paglalakad.
"Hindi na ah. 10 na ako!", sabi niya.
"Right. 10 is still a kid.", sabi ko pa.
"Ahh basta hindi na ako bata! Pwede na akong magbigay ng number no!", sabi pa ulit niya. Parang nainis ako sa sinabi niya.
"Hindi nga pwede! Huwag na huwag kang magbibigay ng number sa lalaking hihingi ng number mo!", angal ko.
"Kahit ikaw?", nakangising tanong niya. This kid.
"O--Syempre ibibigay mo sakin!", sabi ko na may tonong naiinis na.
"Bakit ko ibibigay sayo?", tanong niya at tumigil sa paglalakad habang naka-cross arms. Napatigil din tuloy ako sa paglalakad.
"kasi---ah basta, hindi ka pwedeng magbigay ng number sa iba! sa akin lang!",sabi ko at nagsimula na ulit maglakad. I heard her laugh.
"Wag kang mag-alala, hindi ko talaga ibibigay ang number ko sa iba o kahit sayo.", sabi niya kaya napatigil at napaharap ako.
"At bakit naman?", irita kong tanong.
"eh wala naman akong number, wala akong cellphone. Ipad lang meron ako at walang sim yun. For games lang yun para sa akin e. Anong ibibigay ko sayo? o sa iba?", natatawang sabi niya.
Tumalikod na ako at nagsimula na ulit maglakad. This girl knows how to play. Damn it! Naisahan niya ako doon! Oo nga naman Abid! 10 years old lang yang batang yan, aanhin niya ang sim card?
Napasabunot ako sa buhok ko.
"Hala. wag mong sabunutan sarili mo Abid. Masakit yan", sabi niya at sinabayan na ulit ako sa paglalakad
"Don't mind me. Just walk.", sabi ko nalang. Wala akong lusot sa batang to.
"Abid, anong gusto mong maging pag laki mo?", tanong niya. Hindi pa ba ako malaki sa lagay na ito?
"Gusto kong maging teacher.", sagot ko nalang. Actually wala naman talaga akong balak sa buhay ko. Gusto ko lang mag-aral. Kaya siguro basta nalang lumabas sa bibig ko na gusto kong maging teacher. My mom once told me that she doesn't want to be a teacher. Tapos na daw mag-aral, mag-aaral pa ulit nung ituturo niya.
"Hhmm. Hindi pala tayo pareho.", sabi niya.
"Bakit? Ano bang gusto mo?", tanong ko.
"Gusto kong maging designer. Magtatayo ako ng sarili kong fashion House kagaya nung sa barbie.", natawa ako sa sinabi niya.
"Nainspire ka ba ni Barbie?", tanong ko.
"Hhmm, siguro?", napailing nalang ako sa isinagot niya. Hindi pa siya sigurado ng lagay na yan ha?
Pagkarating namin sa bahay nila ay sinamahan ko muna siyang maghintay sa mommy niya nang ilang oras. Nang dumating ito ay niyaya niya akong kumain so kumain kami.
"Mom...", tawag ni Charrie kay Ninang.
"Yes baby?, tanong ni Ninang habang ngumunguya.
"I want Abid to be my husband.", sabi nito na dahilan kung bakit nabulunan si ninang. Gulat akong napalingon sa kanya at napatigil sa pagkain.
She wants me to be her---WHAT?
...
AN: NA-MOVE ANG EXAM. UPDATE UPDATE! 😂😂
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanficHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?