Charrie's PoV
"AVIN NAMAN E! SAAN KO HAHANAPIN ANG BATANG YUN?", galit na sigaw ko kay Avin. Jusko, not my son!
" I'm sorry Charrie. Hindi ko talaga napansing lumabas siya.", sabi niya. Pagdating ko sa bahay, agad bumungad sakin ang natatarantang Avin na hinahanap si Chad. Nawawala daw. Iniwan ko sila dito sa bahay bago pumunta kay Troy.
"AVIN! DIBA SABI KO BANTAYAN MO SIYA? KAIBIGAN KITA PERO IBANG USAPAN NA ANG ANAK KO, PAG MAY NANGYARING MASAMA SA KANYA, HINDI KO ALAM KUNG ANO'NG MAGAGAWA KO SA'YO.", sigaw ko pa bago lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.
Gosh, where are you Chad Kly?
Inikot ko ang buong subdivision habang mabagal na pinapatakbo ang kotse ko in case na makita ko si Chad pero wala akong nakitang Chad. Nagsisimula ng pumatak ang luha ko. Oh my gosh Chad, nasaan ka ba? Hindi ko kayang mawala ka anak.
Dumiretso ako sa police station.
" Charrie?", napalingon ako sa tumawag sakin, it was Sir JL. Kalalabas lang niya galing sa convenience store na katabi ng police station.
"Hi Sir. Bye", pagkatapos kong mag-hi ay nagpaalam ako agad dahil wala akong oras makipagkamustahan sa kanya. My son is missing.
" Teka. Bakit pupunta ka diyan?", tanong pa niya ng mapansing sa police station ang punta ko.
"My son is missing.", sagot ko at agad pumasok sa police station. Ramdam ko ang pagsunod niya.
" Son? may anak ka na?", gulat na tanong niya.
"Yes. Good evening sir, irereport ko po sana ang pagkawala ng anak ko. Please do something about it.", I said.
" Kailan pa po nawala ang bata?", tanong nung pulis.
"Kaninang 6pm po.", sagot ko.
" Nako ma'am, dalwang oras palang po ang nakakalipas, kailangan pong maka-24 hours bago masabing nawawala at bago kami gumawa ng aksyon.", sabi nung pulis.
"24 HOURS? ARE YOU INSANE? WHAT IF SOMETHING HAPPENS TO MY SON IN THAT 24 HOURS? MAIBABALIK MO BA SIYA HA? I CAN PAY YOU A MILLION HANAPIN MO LANG ANG ANAK KO!", Sigaw ko habang umiiyak na. Ramdam ko ang pag-pat ni Sir JL sa likod ko.
" Sorry po talaga ma'am, sumusunod lang po kami sa patakaran.", sagot niya.
"PATAKARAN? MAILILIGTAS BA NG PATAKARAN NA YAN ANG ANAK KO KUNG MAY MANGYARING MASAMA SA KANYA SA LOOB NG 24 HOURS MO? HA?", sigaw ko pa.
" Ssh. Charrie, Calm down.", sabi ni Sir JL.
"CALM DOWN? PAANO AKO KAKALMA KUNG HINDI KO ALAM KUNG SAAN NA NAPADPAD ANG ANAK KO HA?", ngayon, si Sir JL na ang napagbuntungan ko ng galit.
" Aish. naman oh.", binitawan ako ni Sir JL at nagdial sa phone niya.
"Punta ka dito sa police station malapit sa convenience store.... basta, bilisan mo", narinig kong sabi ni Sir JL.
" Please, nakikiusap ako, hanapin niyo ang anak ko. Babayaran ko kayo kahit magkano hanapin niyo lang siya.", pagmamakaawa ko.
"pasensya na talaga ma'am", sagot nung pulis.
" Charrie?", rinig kong tawag ng isang lalaki sa may pinto ng police station.
"anong ginagawa mo dito?", I tried to calm.
" JL called me. Bakit ka nandito? ano'ng nangyari?", tanong niya pa.
"It's none of your business---", Sir JL cut me off.
" Her son is missing.", sagot ni Sir JL. Wth?
"What? paano nangyari yon?", tanong niya.
" Wala ka ng pakialam don.", sagot ko.
"May pakialam ako dahil pamangkin ko yon. Anak siya ng kapatid ko", natahimik ako sa sinabi niya. Right, ang alam niya ay anak ni Avin si Chad.
Bakit ang tanga mo parin hanggang ngayon Abid? Bakit hindi mo parin ako kilala hanggang ngayon? Hindi mo alam kung kelan ako nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo. Hindi mo manlang ba naramdaman na anak mo ang anak ko? Bakit mas lalo yata akong nasaktan ng malamang hindi manlang siya nakaramdam ng lukso ng dugo kay Chad at naniwala agad siyang anak ni Avin si Chad?
" Umalis ka na.", malamig na sabi ko.
"Charrie.", pabulong na tawag niya.
" I SAID LEAVE! LEAVE ME ALONE!", sigaw ko bago pinunas ang luha ko.
"No, I won't leave you alone here.", matigas na sabi niya.
" Fine! then I'll leave!", sabi ko at lumabas ng police station. Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive na hindi alam kung saan pupunta hanggang sa mapadaan ako sa isang park.
There's a kid. A boy. A little girl approached him and give a leaf. The boy turn around to face the girl and get the leaf. Oh my gosh.
Agad akong bumaba sa kotse ko at dumiretso sa dalwang bata.
"Chad?oh my gosh Chad!", agad kong niyakap si Chad.
" Saan ka ba nagpunta anak? alalang alala ako sayo.", sabi ko at humiwalay sa yakap.
"Mom, kanina pa kami ni Klea dito. We're playing.", sagot ni Chad. Playing?
" Chad naman e. I even went to the police station at nasigawan ko pa ang tito Avin mo tapos naglalaro ka lang pala dito?", tanong ko.
"Sorry Mom. I just know that you won't let me out because it's already night.", he said and bowed his head.
" And you still went out?"
"I'm really sorry Mom. I just want to play with Klea.", sabi niya kaya napalingon ako sa batang babae. Ang batang to, siya ang anak ni Sheila at Abid. Napangiti ako ng mapait. Destiny is really playing with us. Ngayon, magkaibigan pa ang magkapatid na to. Di nila alam na iisa ang tatay nila. Abid kasi!!
" Ano bang nilalaro niyo?", tanong ko.
"Kasal kasalan po.", sagot ni Chad. Kaya pala naka-white dress si Klea. Naalala ko tuloy ang kasal namin ni Abid noon na para bang wala ng saysay ngayon.
" Maghohoneymoon na nga po sana kami e kaso dumating po kayo", nabitawan ko ang kamay ni Chad dahil sa sinabi ni Klea. Jusko, ang batang to, ano bang tinuturo nina Abid at Shei---right, si Sheila ang nanay niya. Ano pa bang ineexpect ko?
"Kids, gabi na ok? dapat nasa bahay na kayo. Tara na, ihahatid nadin kita Klea. Alam mo ba kung saan ang bahay niyo?", tanong ko at tumango naman si Klea.
Kids are just Kids Charrie. Wag mong seryosohin ang laro nila.
...
AN: Girl kids, alam na ha? pag pogi ang batang lalaki, sunggab na. Charr lang. hahaha. Don't talk to strangers lalo na sa nagpapacute. hahaha.
Vomments guys :*

BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanficHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?