50- Missing Her?

510 27 1
                                    

Abid's PoV




Nanatili akong nagbabasa ng libro kahit naririnig ko ang paulit ulit na pagtawag ni Avin sakin. Mag-iisang linggo nadin kami dito sa Paris. Nag-aaral nadin kami dito pero hindi ko talaga magawang magfocus and I don't know why.

"Kuya naman eh! Kanina pa kita tinatawag, ano bang ginagawa mo?", inis na tanong ni Avin.

"Wag ka ngang maingay. Can't you see I'm reading my favorite book?", sabi ko at ipinakita sa kanya ang cover ng librong hawak ko.

"Fallen? Again? Hindi ka ba nagsasawa diyan? Ilang beses mo ng binasa yan ah!", sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Eh bakit ba?", iritang tanong ko.

"Papatulong sana ako.", sabi niya at humarap sakin.

"Saan?"

"naggagawa kasi ako ng loom bands sa baba. Tulungan mo ko", napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya.

"Bakit ka naman gumagawa? Hindi ba't binigyan mo niyan si Sheila? Ano'ng balak mo? gumawa ng loom bands sa tuwing namimiss mo siya? Akala ko ba kaya ka pumunta dito ay dahil ayaw mong tuluyang mahulog sa kanya?"

"Eh miss na miss ko na siya eh! Ikaw ba? Hindi mo namimiss si Charrie?", tanong nito which caught me off guard. Wtf? Kailangan bang ibalik sakin yung tanong?

"Hindi ka makasagot kuya? Namimiss mo siya no?", ibinaling ko ang tingin ko sa bintana kung saan may puno sa labas at medyo mabuhangin sa lupa. Halos ganito din yung gilid ng kwarto ko sa Pilipinas kaya ito ang pinili kong maging kwarto. It reminds me of her.

"Kuya..", tawag pa ni Avin.

"Get out.", Malamig na sabi ko. Charrie's a very sensitive topic for me.

"Kuya.", tawag niya pa ulit.

"I said get out.",mahinahon pero matigas ang pagkakasabi ko. I heard the door opened.

"Sorry.", sabi nito atsaka ko narinig na sumara ang pinto.

Charrie. What have you done to me?

Ano kayang ginagawa mo ngayon?

I opened the book I'm reading a while ago but I just can't focus! Fvck!

I opened my computer and started to watch movies pero hindi ko rin maintindihan. Shit!

Why do you keep on running in my mind, Charrie? Do I.... miss you?

...

Charrie's PoV




"NO! MOMMY! SABI NIYA WE'LL GET MARRIED. HINDI SIYA PWEDENG UMALIS.", nagsisisigaw at nagpapapadyak ako habang hinihila si mommy papuntang airport. Mom got a text of good bye from Abid's mom.

"Ssh. Baby, stop it. We'll see them.", Sabi ni Mommy at kinarga na ako.

Pumasok kami sa airport at hindi kami naharang dahil kaibigan ni Mommy ang may-ari.

"ABID!", sigaw ko nang makita ang pamilyar na likod nito.

"Ssh. Don't shout Charrie.", suway ni mom..

"No mom! He won't hear me if I don't shout. ABID!", sigaw ko pa at tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko.

Bumaba ako mula sa pagkakabuhat ni Mommy at tumakbo papunta kay Abid.

"ABID!", sigaw ko sa pangatlong pagkakataon at ngayon, heto, humarap na siya. Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi niya ganun din sa akin at tumalikod na ulit siya at naglakad... Palayo sa akin.

"ABID! NO! DON'T LEAVE ME. ABIIIID!", sigaw ko pa at tumakbong muli when I accidentally bumped into someone.

"Sh-sheila?", nagulat ako ng itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa sahig. Kagaya ko ay umiiyak din siya.

"KASALANAN MO TO EH! NALAMAN KO KAY TROY NA KINUKULIT MO SI ABID! KAYA PALA SIYA UMALIS. KAYA NIYA AKO INIWAN! NAKAKAINIS KA!ALAM MONG GUSTO KO SI ABID TAPOS MALALAMAN KONG GUSTO MO DIN SIYA KAYA LAGI MO SIYANG KINUKULIT. SIMULA NGAYON, HINDI NA KITA BEST FRIEND! I HATE YOU!", sigaw nito sakin at tumakbo palayo. Lumapit sakin si Troy at tinulungan akong tumayo.

"Charrie. Ok ka lang? Pasensya na kay Sheila. Akala niya si Avin ay si Abid kaya galit siya. Gustong gusto niya si Avin pero ang lagi niyang naririnig na pangalan ni Avin ay Abid. Magkatunog kasi.", sabi ni Troy. Ganon? Nawala ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa pangalan? Lalo akong napaiyak.

"Hey. Don't cry. Everything will be alright.", sabi ni Troy at niyakap ako.

"Charrie. Oh my gosh. I'm glad I found you!", I heard my mom's voice kaya napalingon ako. Humiwalay ako ng yakap kay Troy at yumakap kay Mommy.

"Mom.. Si Abid. Umalis na siya. He left Me", Sabi ko at ibinaon ang mukha ko sa may bandang tyan niya.

"Ssh. Stop crying baby.", pagpapatahan ni Mommy at kinarga ako. I buried my face on her neck and cried hard.

Abid. Mamimiss kita, pangako maghihintay parin ako..

sa pagbabalik mo.

...

A/N: Waaaah. Nakapag- UD na ako! Grabe, Isang linggo akong hindi nakapag update dahil masyadong busy so sorry guys. Andaming projects na ibinigay samin last week at ngayong araw nga exam namin pero heto ako, nag update... KASI NAIWAN KO ANG GAMIT KO SA LOCKER, WALANG LAMAN ANG BAG KO SO HINDI AKO MAKAPAG-ARAL 😂😂 NASHUNGA NANAMAN PO AKO. HAHA. Ang aga ko tuloy papasok para sa school mag-aral.

Anyway, thank god at natapos ko na ang chapter na ito. Baka 3 chaps pa ang flashback. 😊😊

-ChriM

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon