Abid's PoV
Saturday ngayon kaya walang pasok. Nandito ako sa kwarto ko at nagsesearch about Climate Change. Ang hirap naman kasi ng project namin about dito. Favorite teacher ko si Tchr Hapi pero ito na yata ang nakakainis na project na ibinigay niya. Ninang ko siya pero grabe siyang magpahirap sakin. Haha, joke lang.
Nakaupo ako sa harap ng study table ko kung saan nakapatong ang laptop ko. Napalingon ako sa kanan ko kung saan naroroon ang bintana ng room ko.
"Charrie?", bulong ko. Nakita ko kasi siya sa labas, dun sa ma-punong part ng subdivision namin na nasa likod lang ng bahay namin. Nakaupo siya at may hawak na stick. Nagsusulat yata sa buhangin, mabuhangin din kasi yung lugar na yon. Naningkit ang mga mata ko at pilit binasa ang isinusulat niya.
"A.....a..bid Kly... Abid Klyde?", wala sa sariling napangiti ako nang mabasang pangalan ko ang isinulat niya. Binuksan ko ang bintana namin.
"CHARRIE!", sigaw ko. Napalingon siya sa taas ( nasa second floor kasi ang kwarto ko) at nagulat ng makita ako. Agad siyang tumayo at inapak apakan yung sinulat niya para mabura. Haha, ang cute niya.
"A-abid! Kanina ka pa dyan?", natatarantang tanong niya.
"Ha? hindi. Kapapasok ko lang ng kwarto.", sagot ko kahit mag-a-apat na oras na yata ako dito sa kwarto ko.
"Ahh. Labas ka dali! Laro tayo!", napangiti ako ng ngumiti siya. Tutal wala talaga akong maisip sa project ko, tumango ako. Sinimulan kong itaas ang paa ko.
"Ho-hoy hoy! Anong ginagawa mo?", gulat na tanong niya.
"Lalabas?", inosenteng sagot na patanong ko.
"Delikado yan! Sa ganda ng bahay niyo, siguradong may pinto kayo no!", natawa ako sa sinabi niya.
Sa halip na lumabas sa pinto, tumalon ako mula sa bintana.
"AAAAAHHHH", sigaw ni Charrie nang bumagsak ako sa kan-----teka, BUMAGSAK AKO SA KANYA?
"Aray", napadaing ako. Napadagan ako sa kanya kaya napahiga siya pero tumama ang tuhod ko sa buhanginan na may bato pa. Ang sakit.
"Hala, ok ka lang?", agad akong lumayo sa kanya at umupo. Tiningnan kong maigi ang sugat ko. Shit, dugo!
"Sabi sayo delikado yun eh!", napalingon ako sa kanya at naiyak na siya. Hala, bakit siya naiyak?
"C-charrie. Ok ka lang? May masakit ba sayo? Bakit ka naiyak? Nabigatan ka ba sakin? Hala, sorry sorry sorry.", sabi ko at lumapit sa kanya para punasan ang luha niya nang mapansin kong sobrang lapit namin sa isa't-isa. Napatigil ako sa pagpunas ng luha niya at napatigil din siya na pag-iyak.
Napatitig ako sa mga mata niya. Napakaganda ng mga mata niya, nababasa ko ang ---- Concern at Love niya? Para sakin?
"UWAAAAH. MAY SUGAT KA ABID. D-DUMUDUGO. MAMAMATAY KA NA ABID. UWAAAAAAH.", hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano e. Dire diretso siyang umiyak. Parang gripo yung mata niya.
"Hey. Ssh, hindi pa ako mamamatay ok? Malayo 'to sa bituka. Ok lang ako", nakangiti kong sabi habang hawak ang magkabilang pisngi niya.
"T-talaga? Hindi ka m-mamamatay? Hindi mo ko iiwan?", napatigil siya sa pag-iyak at tinitigan ako sa mata.
"Hindi.", nakangiti ko pang sagot sa kanya.
"Kaya wag ka nang iiyak, hhmm?", sabi ko at pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.
"Such a cry baby.", natatawang sabi ko. She punch my chest slightly.
"I'm not!", sabi niya sabay singhot. Hindi pala ha?
Ginulo ko ang buhok niya at nginitian siya. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
"Wag mo na ulit gagawin yun ha? Tinakot mo ko", sabi niya at ibinaon ang mukha sa dibdib ko. Gumanti naman ako ng yakap at hinimas ang likod niya.
"Oo na. Wag ka nang umiyak ah.", sabi ko. Ramdam kong tumango siya.
"Tara na maglaro?", tanong ko. Humiwalay siya sa yakap at kinusot ang mata niya. Nagulat ako ng paluin niya ang braso ko.
"Taya.", natatawang sabi niya at tumakbo palayo. Napatawa nalang ako. Paano ko siya mahahabol at mahuhuli e masakit ang tuhod ko? Haha
This little girl.
...
AN: This Chap is dedicated to Dawn_G ... Haha, malayo sa bituka Dawn😂😂 Labyu 😘
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanfictionHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?