62- Lost

454 23 1
                                    

Charrie's PoV








Nakaramdam ako ng bigat sa kanang kamay ko kaya napamulat ako. I saw a guy sleeping habang nakaubob sa kamay ko at hawak ito. Iginalaw ko ang kamay ko dahilan para magising siya.

"You're awake!", may kung ano siyang pinindot sa gilid ng kama ko at ilang minuto lang ay tatakbong pumasok ang mga nurse at doktor.

The doctors checked me. Hindi ko alam kung bakit tatlong doctor ang nandito. Grabe naman sila, hindi pa naman ako nastroke- teka, ano nga bang nangyari sakin?

Pumunta kami sa party ni Troy, kumanta kami at-----

"Si Abid?", tanong ko kay Avin na ngayon ay nakatitig sa akin.

"Nasaan si Abid?", tanong kong muli pero umiwas ito ng tingin.

"Hoy Avin. Ano na? hindi ka sasagot? Diba siya ang nagdala sakin dito kanina?", napalingon siya sakin na nakakunot noo.

"Kanina? You've slept for almost 2 weeks!", sabi nito at umupo muli sa upuang inuupuan niya kanina.

"What? 2 weeks? Oh my gosh, how's my business?", taranta kong tanong.

"Talagang yung business mo pa ang itinanong mo? You didn't even asked for your baby?", napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Why would I ask? I can feel my.... baby", napabagal ang bigkas ko sa huling salita dahil sa kadahilanang wala akong nararamdamang baby. Kita ko kung paano napapikit ng mariin si Avin at umiwas ng tingin.

"O-ok kami ng anak ko diba?", hindi ito sumagot at kinagat lang ang kanyang ibabang labi.

"Avin Viceral, I'm asking you!"

"We..."

"What?", irita pero kinakabahang sabi ko.

"we lost the baby.", sabi nito nang hindi parin tumitingin sakin.

Nakatitig lang ako sa kanya at hinawakan ang tyan ko. I felt my tears rolling down

"W-what kind of joke is that Avin?", may konting pag-asang sambit ko kahit alam kong wala.

"I'm not joking Charrie. It's not a joke.", sabi niya at humarap sakin. Namumula ang kanyang mata na wari'y anumang oras ay papatak na ang kanyang mga luha subalit pinipigil niya ito.

"No. No. no. no!", sigaw ko. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Pinagsusuntok ko ang dibdib nito habang humahagulgol ako.

"No! Hindi pwede! Not my baby! Not my baby!", ang isinisigaw ko kahit nanghihina na ako.

"Sshh. Calm down Charrie."

"No! She killed my child! Sheila killed my child! If she didn't push me, I won't hit the wall and the floor. If she didn't push me, I am still with my child!", patuloy parin ako sa pagsigaw at pag-iyak.

Hinahagod ni Avin ang likod ko para pakalmahin ako but that won't work. I lost my child. I lost my child, how can I calm down?

"My child. Please bring back my child.", humiwalay sa yakap si Avin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Avin. My child, ni-hindi ko man lang nalaman ang gender niya. Please. Please bring back my child.", ramdam ko ang pangangatal ng labi ko at ang pamamawis ng buong mukha ko. Namamasa ang mukha ko ng pinaghalong pawis at luha pero wala akong pakialam.

"Sshh. Magiging maayos din ang lahat.", pinahid ni Avin ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko pero parang gripo ang mata ko dahil tuloy tuloy parin ito sa pagluha.

"No. No. No. I just want my child.", sabi ko at tumungo.

"Sshh. Please stop crying, Charrie. Nasasaktan ako pag nakikita kitang ganyan.", sabi niya at hinalikan ang ulo ko.

Napatunghay ako at tiningnan siya. May luha nading bahagyang tumutulo mula sa mga mata niya.

Sana si Abid ang nagsasabi ng mga salitang sinabi ni Avin. Sana si Abid ang kasama ko ngayon imbes na si Avin.

Pero hindi, kasi kasama niya ang taong pumatay sa anak namin. Humanada ka Sheila, hindi ako papayag na hindi mo pagbabayaran ang ginawa mo sakin, sa anak ko at sa pagsira sa pamilya ko.

...

A/N: Hi guys! Inubos ko muna yung hopia bago ko i-pub to. haha

Sherep ng hopia. may mga bagay talagang mas maganda ang kalalabasan pag magkahiwalay. Like Hopia, pag nakahiwalay yung tinapay sa palaman (haha, palaman ba tawag don? basta yung nasa loob ng hopia. haha) Mas masarap silang kainin!! (for me.😂😂😍😍)

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon