67- The Mastermind

451 22 1
                                    

Mariel's PoV







"Chad Please stop crying.", dalawang araw na naming hindi nakikita si Charrie, miski si Avin. Nasaan na ba kasi ang dalawang yon?

"Wala pa bang balita, Ben?", narinig kong tanong ni Joseph. He's currently talking to Ben on the phone.

"Ok, sige.", binaba nadin niya agad yung phone.

"Anong sabi?", tanong ko. Sinenyasan niya ako na lumabas kami. Pinabantayan ko naman si Chad sa yaya niya.

"Pinaabot na nila sa pulis ang nangyari.", nagulat ako sa sinabi niya. Kung kailangan ng pulis, ibig sabihin ay nahihirapan silang hanapin sina Charrie.

"Wala ba silang makitang kahit anong bakas nymung dalawa?", tanong ko.

"It wasn't actually Avin.", napakunot ang noo ko sa sinabi ni Joseph.

"What do you mean?", takang tanong ko.

"We saw Avin yesterday. Sabi niya ay hindi pa niya nakikita si Charrie. Hindi siya nakadalo sa dinner natin dahil may skait siya.", napanganga ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, si Charrie lang ang nawawala?

"We tried to talk to Abid but it turned out na nawawala din siya.", dagdag pa niya.

"You mean..", hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

"Abid and Charrie are together.", sabi nito. Hindi kaya nagtanan na sila? Pero imposible yon. Hindi iiwan ni Charrie si Chad para lang makipagtanan kay Abid. She's not that kind of girl.

"May nakakaalam ba kung saan sila huling nakita para masabing magkasama nga sila?", tanong ko.

"They were last seen on the church where they married each other. Isang madre ang nakakita sa kanila and they were caught on a CCTV camera. Pumasok sa Church pero hindi sabay, naunang pumasok si Abid and then they never got caught on the CCTV na lumabas ng church. It's weird.", sabi ni Joseph at umupo sa sofa.

"It's not weird. I think something's wrong. I think someone is playing with us.", diretsong sabi ko. I really can sense that there's something wrong. Kung nandoon sila sa simbahan at hindi nakitang lumabas, they should be there, right? They can't disappear.

"Unless.", napalingon sa akin si Joseph.

"Unless what?", tanong nito.

"Have you seen the CCTV Footage?", tanong ko kay Joseph.

"No. Ben did.", aish, bakit si Ben ang nanuod? Boplaks pa naman yon.

"Let's go.", yaya ko dito.

"ha?", takang tanong nito.

"Tara, panuorin natin yung CCTV footage that day.", sabi ko at kinuha yung bag ko. Pumunta ako sa kwarto ni Chad. Nakatulog na pala siya.

"Pakibantayan muna si Chad, yaya. May pupuntahan lang kami saglit.", sabi ko rito. Tumango naman siya.

"Why do you want to watch that?", tanong ko.

"Because I can feel na may mali sa nangyayari.", he might forgot that I'm a computer addict. Malalaman ko kung may mali sa footage na yon.

Nang makarating kami sa Church ay dumiretso kami sa security office. Agad sinabi ni Joseph ang pakay namin. Ang Ipinapanuod naman sa amin ang footage. Sinabi ni Joseph kung ano ang date at oras.

"wait", sabi ko nang may mapansin akong mali sa footage.

"Pakibalik, 10 mins before that part.", sabi ko pa. Napailing ako. Nagjump yung footage.

From 3pm biglang naging 3:10pm yung oras ng footage. Nawala ang 10 minutes. May nag-cut na nito. Hindi yon mapapansin dahil hindi naman gumagalaw ang CCTV o ang simabahan kaya't ganon padin ang lugar noong 3pm at 3:10pm. 2:32pm nang pumasok sa loob si Charrie.

"Saan huling pinanuod ang footage na ito?", tanong ko.

"Dito po sa laptop na ito.", sagot nung lalaki.

"Can I use it please?", tanong ko. Sana tanga ang nagcut ng video na ito.

At hindi nga ako nagkamali, tanga nga siya. I saw the deleted 9 minutes and 59 seconds of the footage. Nakita namin kung ano ang nangyari sa 10 minutes na yon. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Miski si Joseph ay hindi makapaniwala sa napanuod.

The one who captured them was Avin with 3 guys. They were with the mastermind and I can't believe it's her.

...

A/N: Hello guys! Check out my new story. "SNAPCHAT GUY" yung title. Para sa mga kpop/KDrama fan and wattpaders na nagnanais magkaroon ng mala-Kpop and mala-fictional na boyfriend, this story is for you

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon