Ben's PoV
"Maica? Wala parin bang balita sa paghahanap niyang butler mo, ha?", nag-aalalang sabi ko. Dalawang araw ko nang hindi nakikita yung kapatid ko. Mom and Dad are now in Paris, hindi nila alam ang nangyayari dito.
"ha? a-ano, wala pa daw eh.", sagot ni Maica. Pati mga pulis ay wala pang progress ang paghahanap.
"Aalis na muna ako Maica.", paalam ko.
"Saan ka pupunta?", tanong nito habang busy parin sa cellphone niya. Kanina pa siya nakatitig sa cellphone niya.
"Hahanapin ko ang kapatid ko.", sabi ko at tumalikod na.
"B-Ben!", napalingon ako ng bigla niya akong tinawag.
"Bakit?", tanong ko.
"Ano.. Uhmm, kasi.", ano bang nangyayari sa kanya?
"Ano nga yon?", tanong ko.
"PAHIRAM NG CELLPHONE MO!", nagulat ako nang sumigaw siya.
"Kailangang sumigaw? Oh!", sabi ko at ibinato ang phone ko sa kanya. Nasalo naman niya ito.
"Alis na ako.", sabi ko at nagmadali nang sumakay sa kotse ko. Now what? Saan ako Magsisimulang maghanap?
"Teka, bakit naman niya hiniram ang phone ko?", takang tanong ko sa sarili ko pero agad nadin akong umiling.
Tumungo akong muli sa school na pag mamay-ari ni Troy. Nagbabakasakaling nandoon si Abid pero bigo padin ako. Napahampas nalang ako sa gate ng school. Tangina, nasaan ka na ba Charrie? Mapapatay ako ni Mommy at Daddy pag nalaman nilang naiwala kita. Fudge, parang bata ang naiwala ko ah.
Agad akong bumalik kay Maica. Nakita kong humahangos siya palabas ng gate.
"Maica?", ibinaba ko ang bintana ng kotse ko.
"B-ben!", gulat na saad niya.
"Saan ka pupunta?", tanong ko.
"Hahanapin k-ka!", napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hahanapin ako? Eh bakit nauutal pa siya? May hinahanap akong tao tapos hahanapin niya ako? Anong mahahanap namin? Ano? tagu taguan ba ito? Di ako nainform ha -_-.
"Bakit?", takang tanong ko.
"Alam ko na kung nasaan si Charrie at Abid!", nagulat ako sa sinabi niya. So magkasama nga sila? Bwisit na Abid yon. Hindi nalang ipinagpaalam si Charrie e. Mahirap ba namang gawin yon? Minsan talaga hindi ko sila maintindihan pareho. Tss.
"Sh!t, finally! Saan ba nagsuot ang dalawang yon?", tanong ko.Agad siyang sumakay sa kotse ko.
"Ituturo ko ang daan.", sabi niya. Pansin kong hindi siya mapakali sa upo niya.
Nakarating kami sa isang bahay na parang walang tao.
"Sigurado ka ba dito, Maica?", tanong ko.
"Oo naman!", agad kaming bumaba pareho. Nagulat ako nang may dalawang malalaking lalaki ang humawak sa magkabilang braso ko.
"Wag niyong hayaang makawala yan.", mas nagulat ako sa sinabi ni Maica.
"Maica. A-anong ibig sabihin nito?", naguguluhang tanong ko. Ngumiti siya bigla. Ngiting hindi ko akalaing mayroon siya. Ngiting mala-demonyo.
"Welcome to my palace, my king.", sabi nito at sinenyasan ang dalawang lalaking nakahawak sakin at ipinasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko maintindihan ang nangyayari!
...
Joseph's PoV
"Answer your phone, Ben! Damn it! C'mon Ben, c'mon!", inis na inis na ako habang patuloy na idinadial ang number ni Ben. Dapat siyang mawarningan. Naitext naman na siya ni Mariel kanina pero hindi siya nagrereply at hindi siya sumasagot sa tawag.
"Hindi parin ba siya sumasagot?", tanong ni Mariel. Kanina pa siya umiiyak.
"Mariel, please stop crying. Ang hirap na ngang patahanin ni Chad eh, umiyak ka pa din. Makakasama yan sa anak natin", sabi ko pero napapikit lang siya.
"I just can't believe Maica can do such thing!", sabi nito at yumuko. Nakita namin sa sampung minutong yon kung paano itinurok ni Avin ang pampatulog na iyon kay Charrie. Nakita namin kung paano binaril ni Maica si Abid sa balikat dahil nagwala ito bigla.
Hindi siya ang Maica na nakilala namin....
A/N: dedicated to GoodLuckInLove. Thank you for making the BC. Love it 😊
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanfictionHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?