HFS #12

744 34 1
                                    

Charrie's PoV

Bumangon ako at napahawak sa ulo ko. Nandito pa rin pala ako kayna Mhyca.

"Ok ka na?" She asked.

"Medyo masakit pa ang ulo ko pero ok na din naman." Sagot ko.

"Oh." Binigyan niya ako ng biogesic at tubig kaya agad kong ininom 'yun.

"Ano'ng oras na?"

"Mag-6pm na."

"Uuwi na 'ko." Inabot na ako ng gabi rito kayna Mhyca!

Tumayo ako at umalis na ng bahay nila. napatigil ako sa labas ng bahay nina Mhyca, saan ba ko uuwi? sa kaliwa--papuntang village nina mommy o sa kanan--papunta sa village ng bahay ni Sir Aj?

Ilang minuto akong nakatayo sa harap ng bahay nina Mhyca bago ko marealize na humahakbang na pala kopapunta sa kanang direksyon. Hindi ko mapigilan yung paa ko kasi... gusto ko rin?

Nakarating ako sa harap ng bahay ni Sir Aj.  Pinapasok ako ng guard ng village dahil kilala niya ako. Pumasok naman agad ako sa bahay at umakyat pero napatigil ako sa pag-akyat nang may narinig akong kumakanta, a male voice. Omg, may multo ba rito? Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses na 'yun at nakarating ako sa CR dito sa baba.

--I have died everyday waiting for you--

yung boses niya, ang ganda..

--darlin' don't be afraid I have loved you for a thousand years,

I love you for a thousa----

Napatigil siya nang bigla kong madanggil ang orasan na nakapatong sa tabi ng pinto ng CR. Nawala din ang tunog ng shower at ang kasunod ay ang tunog ng nabuksang doorknob, para akong nabato sa kinatatayuan ko.

L-lumabas siya,

nasa harap ko siya..

topless, naka-towel lang siya sa ibabang part. Omg, ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko at ang pamumula nito.

"C-Charrie." Nauutal niyang sabi. Gulat na gulat ang ekspresiyon ng mukha niya at tila hindi talaga inaasahang naririto ako ngayon sa harapan niya.

"H-honey." Napatakip ako sa bibig ko nang marealize ko kung ano'ng lumabas sa bibig ko.

Bigla siyang napangiti.

"Charmaine..."

Matagal kaming binalot ng katahimikan bago ako naglakas ng loob magsalita muli.

"Ahmm, ano... Galing ako kay Mhyca, sory late akong umuwi," 'yan lang ang lumabas sa bibig ko. 'Yung tingin niya kasi nakakaano e.

"Charmaine..." Wala na ba siyang alam sabihin kundi ang pangalan ko?

"T-tapos nakatulog ako.. hehe," pagkukwento ko pa. Ewan ko pero feeling ko dapat ireport ko sa kanya ang mga ginawa ko ngayong araw.

"Charmaine..."

"A-ano... I-inaantok na ako. I think I need to take a rest." Sabi ko at akmang aalis na pero hinigit niya ang kamay ko at ikinulong ako sa mga bisig niya.

"D-don't leave me again like that..." I heard him said. Hindi ba't siya naman ang nagpaalis sa akin?

"A--,"

"Alam kong mali ako. Mali nanaman ako kaya sorry Charrie. Sorry kung hinayaan kitang umalis. Hindi mo alam kung gaano ko pinagsisihan agad 'yun." Sabi nito.

"Aj, hindi mo naman kailangang humingi ng sorry e."

"I feel like I have to. Ilang beses na kitang itinaboy. Parang hindi ko na kayang mawala ka pa ulit. Hindi ko na kakayanin." Sabi pa niya at hinigpitan ang yakap niya sa akin na para bang takot siya na mawala ako ano mang oras.

"Sino ba'ng may sabing mawawala ako? Gagong to. Matagal pa yon!" Pabirong sabi ko.

"I told you to leave a while ago didn't I?" Tanong niya pero 'di ako umimik.

"Pero bumalik ka Charrie. You're here. I'm not dreaming, right? Y-you're here... at sa pagkakataong ito, hinding hindi kita papalisin sa tabi ko. Let me treat you better than before. Let me be your husband,
Let me love you, Charmaine." Were the words that came out of his mouth and made my heart beats faster than before.

...

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon