Avin's PoV
Bumaba ako ng kotse at pumasok sa Corian Restaurant. Umorder ako ng Seafood meal para saming dalawa ni Charrie. Kakausapin niya daw ako, galit pa kaya siya sakin?
"Avin.", I heard someone called me. Lumingon ako at nakita si Charrie. Pinaupo ko siya sa upuang katapat ko at inoffer ang inorder ko.
" Avin. Sorry sa pagsigaw ko sayo kahapon ha? Hindi ko lang napigilan kasi anak ko yung pinag-uusapan. You know how much I love my son.", sabi niya. Ngumiti ako.
"Wala yon. Alam ko namang ako ang may mali. Hindi ko nabantayan ng maayos si Chad. Saan mo nga pala siya nahanap?" tanong ko.
"Sa may park. Kasama si Klea.", sagot niya na ikinagulat ko. Kelan pa naging magkasundo ang dalawang yun?
" Inihatid ko na din si Klea sa kanila and you wouldn't believe what her mom said.", sabi niya na parang natatawa pa.
"Ano'ng sabi? Yun ba yung parang mainit ang dugo sayo?", tanong ko.
" Yeah. That's her. Akalain mong nagthank you siya. I thought magagalit pa siya.", sabi niya at umiling iling. I love seeing her this way. Seeing her laughinglike this makes my heart melt.
"So how's Chad?", tanong ko.
" Ok naman siya. Tulog pa nung iniwan ko kay Mommy.", sagot niya at sumipsip sa iced tea niya.
"That's good. Sorry talaga Charrie.", sabi ko.
" Ok na din yon. Nagpalitan lang tayo ng sorry e.", sabi niya at nagsimula ng kumain. Napangiti ako, she may have poise and is a very known woman but when it comes to food, no one can stop her. She don't care about anything.
"Nga pala, how's the place you're buying?", tanong ko. Nasabi niya kasing bibili siya ng lugar sa Cebu for another branch ng Fashion House niya.
" Hhmm. Nung una ayaw pang ibigay ni Troy pero kilala mo ko, I won't take no for an answer. Sa ganda kong to, syempre napa-oo ko din.", sagot niya. Hay. Ang babaeng to.
"Talaga lang ha.", pang-asar kong sabi at sumubo ng kinakain ko.
" Aba. Ano'ng tingin mo sakin? Weak? I won't be called Ms. V for no reason. Ms. V has talent, beauty and brain. So yes, I got the place. Titingnan ko bukas. Nakaempake na nga ako e. Nakaschedule nadin ang flight ko pa-Cebu. So pwedeng pakibantayan ulit si Chad? Isang araw lang naman ako do'n.", sabi ko. Titingnan ko lang talaga ang place.
"Sige. Babantayan ko na talaga yang anak mong gala.", sabi ko at natawa si Charrie.
...
" Charrie. Kung mahal ka ni Abid, babalik ka ba sa kanya?", tanong ko. Natigilan siya. Dapat ba hindi ko nalang itinanong yon?
"Sorry. I shouldn't have ask---", she cut me off.
"I don't know. I seriously don't know. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin ang nararamdaman ko para sa kanya. Natatakot kasi ako Avin. Natatakot akong masaktan ulit. Baka hindi ko na kayanin.", malungkot na sagot niya at pinaglaruan ang pagkain niya.
" Bakit kasi hindi nalang ako ang minahal mo? ", pareho kaming nagulat sa tanong ko but it's too late to take it back. Napaangat ang tingin niya sakin.
" Avin. What do you mean?"
"Hindi ba halata Charrie? Walong taon mo akong nakasama pero hindi mo manlang naramdaman kung gaano kita kamahal. Unang tapak mo pa lang sa Paris, minahal na kita. Nung nalaman kong ang kakambal ko ang tatay ng anak mo, gusto kong bumalik dito sa Pilipinas para bugbugin siya. He's a jerk for hurting you. Pero narealize ko na mas kailangan mo ng kasama at katulong sa pagpapalaki ng anak mo. Simula ng alagaan ko yang si Chad, nangako ako na hindi ko hahayaang malaman ni Abid na anak niya si Chad. Ako ang nagpalaki kay Chad kaya ako dapat ang ituring niyang ama. Call me selfish or whatever pero ayoko ng masaktan ka pa o si Chad ng dahil kay Abid. Charrie mahal kita. Mahal ko kayo ni Chad.", wala ng preno ang bibig ko. Nasabi ko na gusto kong sabihin.
" Avin. Alam mong---", I cut her off.
"Charrie, alam kong mahal mo pa siya pero please give me a chance. I promise I won't hurt you like he did because I love you.",
" Sorry. Avin. Sorry", yan ang sinabi niya bago niya kinuha ang bag niya at tumakbo palabas ng Corian Restaurant.
I sighed. Mahal na mahal kita, Charina.
...
AN: Dalawang magkasunod na published. hahaha. mamaya ulit hapon. ^_^
Vomments mga besh! :*
BINABASA MO ANG
Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]
FanficHeartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published] I just wanted to be loved by him but even if we're already married, he never loved me. Despite all the pain and realizations, why are my heartbeats still for Sir?