69- The Orange House

467 23 0
                                    

Joseph's PoV







"Mariel. Can't you track Ben's phone?", napaface palm siya sa sinabi ko.

"BAKIT NGAYON MO LANG ITINANONG YAN?", inis na sigaw nito.

"Eh bakit kasi hindi mo naisip yon? Tutal magaling ka naman sa mga gadgets na yan.", sabi ko at nag-iwas ng tingin.

"AH SO KASALANAN KO PA, HA JOSEPH?", napapikit ako sa sigaw niya.

"H-hindi. Ano ka ba, syempre hindi. Sige na po, itrack mo na po yung cellphone ni Ben para makita na natin siya.", sabi ko at iniabot sa kanya yung laptop at phone ko. Padabog niya iyong kinuha at dumiretso sa kusina. Hay nako, buntis nga naman.

Umakyat ako sa kwarto ni Chad at nakitang mahimbing na itong natutulog. Hagya na namin itong mapakain. Madalas siyang umiyak sa nakaraang apat na araw. Apat na araw nang hindi nakikita sina Charrie at Abid. Dalawang araw nadin kaming walang balita kay Ben. Kinukutuban na ako dahil kasama niya si Maica pero umaasa padin naman akong hindi niya sasaktan si Ben dahil mahal niya ito.

Humiga ako sa tabi ni Chad. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 12:20 na ng tanghali. Buti napakain namin si Chad ng tanghalian. Hindi naman siguro masamang umidlip din no?

...

"JOSEEEEEEEPH!", napabalikwas ako nang marinig ko ang sigaw ni Mariel. Napalingon ako sa tabi ko at nakitang wala na si Chad doon. Nasaan na siya?

Agad akong lumabas at nakita si Chad sa terrace ng second floor. Nagsesenti ang batang ito. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong miss na miss na niya ang mommy niya. He's too young for all of this. Wow, english yun ah.

"JOSEPH! kanina pa kita tinatawag ah!", napalingon ako sa hagdanan at nakita si Mariel na sapo sapo ang tyan at nakakunot noo.

"Bakit? Sorry na, umidlip lang ako.", pagdadahilan ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Umidlip? Eh wala pang ala una nung umakyat ka a! Alas kwatro na hoy!", Napatingin ako sa relo ko. What? 3 hours and 30 minutes akong nakatulog? Bakit parang wala pang 30 minutes yung tulog ko?

Sabagay, dalawang gabi na akong puyat kakatawag kay Ben pero hindi naman siya sumasagot.

"Sorry na.", sabi ko at nilapitan ito bago niyakap.

"Tss. ewan ko sayo! Hindi ko matrack ang phone ni Ben dahil naka turn off. Kay Maica ang na track ko.", sabi nito at humiwalay sa yakap ko.

"Talaga?", may pag-asang sabi ko.

"Oo! Kaya magbihis ka na at aalis na tayo!", sabi nito. Ngayon ko lang napansing naka dress siya pang-alis. Agad akong pumunta sa guest room at nagbihis. Sumakay din kami agad sa kotse.

"Sinabi ko sa mga pulis kung nasaan tayo. Ipinaalam ko din kay Troy para in case-", I cut her off at pinatay ang makina ng kotse.

"Walang mangyayaring masama. ", I said and smiled. Tumango lang ito.

"Inilagay ko sa speed dial #2 ang number ni Troy para malaman niya agad.", sabi niga at itinaas ang phone niya.

"Ako yung nasa #1 no?", nakangiting saad ko.

"Does that even matter right now?", sabi nito at umiwas ng tingin.

"So ako nga?", pangungulit ko pa.

"Oo na! Tara na!", sabi nito at binuksan ang pinto ng kotse.

"Sigurado ka ba dito?", tanong ko. Ang creepy kasi ng lugar. Malaking bahay ito, kulay orange, kung tutuusin masigla ang kulay pero parang matagal nang hindi natitirahan at parang hindi ito nabibisita nang ilang taon. Napaka tamlay ng lugar at tanging mga kuliglig lang ang maririnig. Medyo malayo ito sa syudad at tatlong bahay lang ang naririto.

"Ito ang natrack kong location kaya sigurado ako.", sabi ni Mariel at kumapit sa akin.

Naglakad kami palapit sa bahay. Medyo malayo ito mula sa mismong gate. Mabaho dito, hindi ko alam kung bakit pero amoy naaagnas ang naaamoy ko. Napakabaho.

Dahan dahan kaming naglakad papasok. Mahigpit ang hawak ni Mariel sa cellphone niya.

Binuksan ko nang dahan dahan ang main door at nakagawa ito ng ingay. Para bang masyadong malaki ang pinto at gumagasgas sa sahig. Para ding matagal nang hindi nabubuksan at medyo mahirap nang buksan.

"Aahh!", napasigaw si Mariel nang tuluyang bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang dalawang bangkay. Isang babae at isang lalaki.

"Nandito na pala ang mga hinihintay kong bisita. Akala ko hindi na kayo darating eh.", mula sa dilim ay lumabas ang babaeng itinuring naming kaibigan-Maica.

...

A/N: Ayoko na ng White or Black House. Natripan ko lang ang orange. Ayoko ng pink at ayoko din namang favorite color kong violet ang gawin kong kuta ng babaeng yan. Kuta. lol 😂😂

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon