HFS #5

1K 47 4
                                    

Aljay's PoV


Hndi ako pinayagang magbantay ni Ninang kay Charrie dahil baka daw may makakita sakin at malaman pa nila ang relasyon namin.

2 days na ang nakalipas. 2 dull days without her bubbly face. 2 araw ko na siyang hindi nakikita at oo, inaamin kong miss na miss ko na siya.

"Please pass your papers." Katatapos ko lang magquiz sa section nina Charrie, alam kong imposible pero luminga-linga padin ako trying to find her beautiful face at halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang mukha niya sa last row sitting beside troy. N-nakalabas na siya ng ospital? Bakit hindi sinabi sa'kin ni Ninang?

"Sir, hindi pa po kami tapos." One of my students said at napangiti ako dahil don.

"Ok, I'll go ahead. Let your secretary deliver the papers in my office." I said.  Alam ko kasing si Charrie ang secretary nila, atleast makakausap ko siya diba?

I went out of their room at dumiretso sa office ko. Ilang minuto kong tinitigan ang repleksyon ko sa salamin sa harap ko. Bakit parang naconscious ako sa itsura ko bago dumating si Charrie? Parang I want to look presentable in front of her.

**knock knock**

"Come in." Kabado kong saad. Umayos ako ng upo at saktong pumasok siya, napatingin ako sa mga mata niya. Is it just me o talagang may something sa mata niya?

"Ito po sir yung mga papers." She said and turned around. T-teka, 'yun na 'yun?

Hindi ako sanay na ganito siya. Sanay akong lagi niya akong kinukulit, laging nilalambing. Sanay akong iba yung tingin niya sakin compared to others.

"Charrie.. O-ok ka na?" Lakas loob na tanong ko.

"P-po? Syempre naman sir. Bakit niyo po naitanong?" She said at lumingon sa'kin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.

"S-sir? This is harassment of a teacher towards a student." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. What happened to her? She should be shouting right now dahil sa kilig.

"Ch-charrie." Hindi makapaniwalang bigkas ko ng pangalan niya.

"Sir,p ano ba? kakasuhan ko kayo!" Inis na sabi niya na.

"Ch-charrie." Nag-unahan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung ano'ng dapat maramdaman pero ang tanging nararamdaman ko'y pagkirot ng dibdib ko.

"Charrie, patawarin mo ako. I should have treated you better. Sorry, I'm sorry." Sunod sunod na sabi ko habang mas lalong hinihigpitan ang yakap sa kanya.

"Sir tigi--," I cut her off.

"Let's stay like this for a while please." I pleaded.

"Sir? Umiiyak ba kayo? Sir bakit kayo umiiyak? Sige po, hindi ko na kayo kakasuhan, wag lang kayong umiyak." Charrie said and pats my back.

"Charrie, ano bang nangyayari sayo?" Nagmamakaawang tono na ang ibinigay ko sa kanya baka sakaling gumaganti lang siya't niloloko ako.

"Sir pwede po bang humiwalay na kayo? Baka kasi makita tayo ng crush kong si Troy. Baka maturn-off sakin yun." Napatulala ako sa sinabi niya.

"C-crush?"

"Opo. Hihi, ang pogi niya po di--," agad akong humiwalay ng yakap sa kanya.

"You may leave." Sabi ko at tinalikuran siya para punasan ang pisngi at mata ko. I just heard the door opened and closed.

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon