42- Friends

495 30 3
                                    

Charrie's PoV



"BANGON NA KASI CHARINA!", narinig ko pang sigaw ni Maica. Hay, nananaginip pa yata ako. Bakit naman nandito si Maica sa bahay?

Tutulog pa akooooo. Namiss ko tong kama ko. Nanatili pa ako ng isang araw sa ospital bago nagpadischarged. Dalawang araw nalang pasko na. Hindi ko alam kung paano icecelebrate o kung saan o dito nalang sa bahay. I want it to be memorable kasi ito ang unang pasko ni Chad dito sa Pilipinas.

"CHARINA! UUBUSAN KA NAMIN NG CARBONARA TAMO!", boses naman ni Mariel ang naririnig ko. Ano bang nangyayari?

Minulat ko ng kaunti ang mata ko at nakita sina Mariel at Maica pero pinikit ko parin ito. Panaginip lang ito. Kailan pa lumaki ang tyan ni Mariel? Di naman yan nainom ng alak. So talagang panaginip pa to.

"CHARINA! SI ABID NASA BABA!", sa gulat ko ay ibinato ko palayo ang kumot na kanina'y mahigpit ang hawak ko bago dumiretso sa banyo. Mabilis pa sa kidlat akong naligo at lumabas din agad ng banyo. I grab a simple white dress at underwear bago pumasok ulit sa banyo at nagbihis. Paglabas ko ay ang crossed arms na si Mariel ang bumungad sakin at nakataas ang isang kilay na si Maica.

"B-bakit?", takang tanong ko.

"Ganyan ka ba kataranta pag dadating si Abid?", natauhan ako sa tanong ni Maica. Shaxx Charrie, nakakahiya!!

Napakagat nalang ako sa labi ko.

"Anyway, ok na din yan at least bihis ka na.", nakangiting sabi ni Maica. Bipolar -_-

"Bakit ba kayo nandito?Asan si Abid?", tanong ko.

"Hay nako. Syempre joke lang yun! Sinabi ko lang yun kasi ayaw mong bumangon. Tsk.", sabi ni Mariel. Nakaramdam ako ng lungkot. Oo nga naman Charrie, asa ka pang bisitahin ka non?

Bakit ganyan ang itsura mo? You owe us an explanation dahil nawala ka ng walong taon. Kung hindi pa kami tinawagan ni Tita Hapi hindi namin malalaman na nandito ka na ulit.", sabi ni Maica.

"sorry na. Biglaan kasi e.", sagot ko naman.

"Biglaan biglaan. Ni hindi mo kami kinontact!", bulyaw pa ni Maica.

"Sorry na nga. Babawi ako.", sabi ko bago lumingon kay Mariel. Akala ko talaga nananaginip pa ako kanina.

"Anong nangyari sa tyan mo? Naglalasing ka na?", tanong ko. Binatukan niya naman ako.

"Gaga! Lasing agad? Di pwedeng buntis?", Nagulat ako sa sinabi niya.

"Buntis ka?", tanong ko.

"Oo. Bakit? Ikaw lang pwedeng mabuntis?", mataray na tanong ni Mariel. Aba ang gaga, tinatarayan na ako?

"Grabe ha. Sinong ama?", tanong ko.

"Si Joseph.", sagot niya.

"Talaga? Nice. Bagay kayo."

"Nga pala, we saw a kid kanina sa baba. Kapatid mo? Ang pogi ha infairness. May kamukha siya eh, hindi ko lang maalala kung sino.", sabi ni Maica at kumunot pa ang noo.

"Kid? Si Chad ba?", tanong ko.

"Chad? ang cute naman ng name.", sabi ni Mariel.

"He's my son.", sabi ko.

"Ahh. Grabe ang  po----ANAK MO?", gulat na tanong nila.

"uhh. oo, hindi niyo ba nabalitaan kay mommy na nabuntis ako?"

"oh my gosh! Alam ko na! Kamukha niya si Abid! Yun yung iniisip ko kanina.", sabi ni Maica. Well, no doubt. Chad's his son.

"So bakit hindi ka nakatira dun sa bahay niyo?", tanong ni Mariel. Instead of answering, ngumiti lang ako.

Niyaya ko na sila para umalis. Iniwan ko muna kay Mommy si Chad. Next time ko nalang siya isasama para makilala niya sina Mariel.

Being us, dumiretso muna kami sa Corian Restaurant. Habang nakain ay ikinwento ko sa kanila ang nangyari.
Iba't ibang reaction ang nakuha ko sa kanila. Nainis sila sakin dahil sa pagtago ko kay Chad pero kita kong galit na galit sila kay Abid dahil sa divorce papers na ikinwento ko. Nagutay gutay pa nga ni Mariel yung chicken. Syempre buntis yan, overflowing ang feelings ng isang yan.

"So anong plano mo?", tanong ni Maica.

"I'll fight for him.", diretsong sagot mo.

"FIGHT? TANGA KA BA GIRL? ANONG FIGHT FIGHT? BINIGYAN KA NA NG DIVORCE PAPERS. SINABIHAN KA NG HINDI KA NIYA MAHAL. SINABIHAN KA NG OUT OF HIS LIFE TAPOS FIGHT PADEN?", galit na sigaw ni Mariel. Nakuha na niya ang atensyon ng mga tao. Shaxx.

"Pigilan mo nga ang isang yan Maica. Nakakahiya", bulong ko.

"Hayaan mo.", sabi naman ni Maica. My ghaddd.

"Handa na kasi akong ipaglaban siya.", pagkausap ko kay Mariel.

"ABA. HOY! NUNG IPINAGLALABAN KA NIYA HINDI MO PINAGLABAN, NGAYONG ITINUTULAK KA NIYA PALAYO PINAGLALABAN MO. YUNG TOTOO? NASAAN ANG UTAK MO GIRL?", hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Mariel. Tama naman kasi siya eh.

"Tama si Mariel, Charrie. Tama na. Wag mo ng pagmukhaing tanga ang sarili mo. Masasaktan ka lang. Kaibigan mo kami kaya sinasabi namin sayo to, habang maaga pa umayaw ka na, tumigil ka na. Wag mong hintayin na mas masaktan ka pa.", mahinahong sabi ni Maica.

"Tama naman kayo e.", ngumiti silang dalawa sakin.

"Pero desidido na talaga ako. Ipaglalaban ko siya kasi mahal ko siya. Susuklian ko lang yung pakikipaglaban niya dati para sakin. Sisiguraduhin ko na babalik din siya sakin. Para kay Chad at para sa susunod na anak ko.", napailing nalang silang dalawa.

"Bahala ka. Sinabihan ka na namin but still, nasa likod mo lang kami sa mga desisyon mo. We'll support you.", nakangiting sabi ni Maica at tumango naman si Mariel.

...

Someone's PoV



"Handa na ba?", tanong ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Opo. Bukas na bukas din, patay na yon.", sabi niya at ikinasa ang baril na hawak niya.

"Siguraduhin mo lang na mamamatay siya. Ayokong may maipanglaban pa sakin ang babaeng yon.", I said and smirk.

Magpaalam ka na sa pinakamamahal mo Charrie.  *laugh*

...

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon