43- In her own hands

484 31 1
                                    

Third Person's PoV



Kinabukasan, Napagdesisyunan ni Charrie na ipasok sa isang Workshop for singing si Chad. Tuwang tuwa naman si Chad na malaman niya ito at agad na naligo.

Naglagay si Charrie ng dalawang towel sa bag ni Chad, tubig, extra clothes at some biscuits.

"Mom. Singing workshop ang papasukan ko hindi dancing!", reklamo ni Chad ng makita ang inihanda ni Charrie.

"Ano ka ba? Maigi na yung sigurado.", natatawang sabi ni Charrie bago binitbit ang bag ni Chad at sumakay sa kotse.

Inihatid niya ito sa isang school kung saan nag-o-offer ng workshops for kids ages 4-12 years old.

"Anak, be good ok? Susunduin kita mamayang 3pm. Ok?", sabi ni Charrie at tumango naman si Chad. 2 hours ang workshop ni Chad kaya naman pumunta muna siya sa opisina ni Troy.

"Troy?", pagpasok niya ay nagulat siyang si Klea ang nakita niya.

"Hi Tita!", bati ng bata sa kanya.

"Klea? Bakit ka nandito?", takang tanong ni Charrie.

"Oh. Isinama ako ni daddy dito, tita. He wanna show me his office.", sagot ni Klea na ikinakunot ng noo ni Charrie. Paanong magkakaoffice dito si Abid e outside the building ang mga trabaho niya sa company ni Troy?

"Charrie?", napalingon siya sa lalaking kalalabas lang ng cr ng office.

"Troy.", nakangiting bati niya dito at lumapit.

"Bakit ka nandito?", tanong ni Troy.

"Well... Can't you guess why I'm here?", nakangiting tanong nito.

"Teka.. don't tell me, kukunin mo yung lugar?", gulat na tanong ni Troy.

"Yes. Nagustuhan ko ng sobra ang lugar na yun, Troy. I was quite shocked na may ganon kalaking vacant place sa isang mataong lugar. That would be perfect for my fashion house!", tuwang tuwang saad ni Charrie.

"Seryoso ka talaga? Sobrang laki no'n Charrie.", sabi ni Troy.

"Seryoso ako. Give me the price", sabi pa ni Charrie.

"The lot would be 5.5 Million Pesos at kung gusto mo ng mga tao at gamit na kakailanganin para sa pagtatayo ng fashion house mo like semento at iba pa, it will be 7.5 Million. It should be 8 pero ibibigay ko na sayo ng 7.5 since you're a friend of mine.", sabi ni Troy kaya napa tango tango si Charrie.

She grabbed her bag at kinuha ang cheque book niya.

'Seven Million five hundred thousand only'

She gave him the cheque.

"Seryoso ka? Isang bigayan?", gulat na tanong niya.

"What do you expect Mr. Navarro? I am Ms. V", She said and smirked.

"Wow. Ang yaman mo po tita. Pwede ko na po kayong maging mother in law. Hihihi", nagulat si Charrie sa sinabi ni Klea. 'That would be impossible since magkapatid sila ni Chad sa ama', yan nalang ang naisip ni Charrie.

"Hey baby. You're not ready for that.", angal naman ni Troy.

"But daddy, I like Chad so much.", mas nagulat pa siya sa sinabi ni Klea, hindi dahil sa gusto niya si Chad kundi dahil tinawag niyang daddy si Troy.

"Troy? Bakit daddy ang tawag niya sayo?", naguguluhang tanong nI Charrie.

"oh. I forgot to tell you that she's my daughter. Pinaniwala lang tayo ni Sheila na anak ni Abid si Klea."

"SHE DID THAT?", gulat na sigaw niya.

"yeah.", walang ganang sabi ni Troy.

"hhmm. That girl. Hindi mo talaga masasabi ang limitations niya.", nasabi nalang niya.

'Pero bakit nakikipaghiwalay sakin si Abid? Nadepressed ba siya sa ginawa ni Sheila? Argh! This is insane! How dare she do that?'-isip niya.

"Tama ka.", sabi niya at tiningnan si Klea.

"Anyway, I gotta go. Magchecheck pa ako ng supply ng bawat branch ko. Bye!", sabi ni Charrie kay Troy at kumaway kay Klea. Kumaway naman ito pabalik.

Umuwi muna siya para magcheck ng emails and she's glad na wala namang problema sa mga supplies nila.

...

Nakatulog siya at hindi namamalayang alas tres na.

Si Chad ay matiyagang naghihintay sa nanay niya at hindi niya alam na mula sa malayo ay may sniper na nakatutok sa kanya.

"Ang bagal mo naman", saad ng babae sa tauhan niya.

"Sorry ma'am. Malikot yung bata e.", sabi naman ng lalaking tauhan.

"Ako na nga. I want him to die in my own hands", sabi ng babae at ngumisi bago inagaw ang sniper sa lalaki. Sinigurado niyang matatamaan ang bata.

"Say goodbye to the world little boy.", that's the last thing she said before shooting the kid with the sniper.

Nakangisi niyang pinagmasdan ang batang dahan-dahang natutumba... hanggang sa tuluyan na itong mapahiga at mapapikit.

...

AN: dahil bati na kami, UD na. hahaha. Already got my inspiration, lol😂...

Bukas na ulit. Mwuahugs😘

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon