44- A mother's anger

523 31 6
                                    

Note: You might encounter some foul words ahead. Please read at your own risk.

Avin's PoV

Dumaan ako sa office ni Troy para itanong kung may vacant position siya kasi wala na akong balak umalis ng Pilipinas.

Pagkalabas ko, may nakita akong batang nakahiga sa tabi ng kalsada. Napakunot ang noo ko dahil hindi naman siya mukhang pulubi, mukha pa ngang rich kid pero bakit kaya siya nakahiga sa tabi ng kalsada?

Lumapit ako para tingnan at halos manginig ako sa nakita ko. Nanlambot ang tuhod ko at napaluhod sa nakita ko. Anong nangyari sa kanya?

"C-Chad?", gulat at nanghihina kong tiningnan ang katawan niyang nakahiga sa tabi ng kalsada at duguan. Nakita ko ang tyan niya na medyo malapit na sa puso niya at doon nanggagaling ang dugo. S-sinong walang awa ang gagawa nito sa bata?

Napaiyak ako at agad siyang binuhat. Kasama ako sa paglaki ng batang ito. Hindi ko siya pinalaki kasama ng kanyang ina para lang barilin ng kung sino.

Isinakay ko siya sa kotse ko at dinala sa pinakamalapit na ospital at agad tinawagan si Charrie pero hindi ito sumasagot.

"Doc, kamusta ang pamangkin ko?", tanong ko.

"I'm sorry to say this but he's in critical condition. Malala ang lagay ng bata dahil malapit sa puso ang tinamaan sa kanya, I guess puso talaga ang puntirya ng gumawa nito. Masyado pa siyang bata at hindi kinakaya ng katawan niya ang ganitong bagay. Kailangang magsagawa ng operasyon para maalis ang bala pero hindi natin alam kung kakayanin ng bata.", hindi ako nakaimik o nakagalaw sa sinabi ng doctor. Hindi kayang i-proseso ng utak ko ang mga sinabi niya.

I dialed Charrie's number again and thank god she answered.

"Charrie!", narataranta kong sigaw.

(Avin? Makasigaw naman to, andami mong missed calls ha, sorry natutulog ako. Mamaya na kita kakausapin, I need to fetch Cha--)

"YUN NA NGA CHARRIE E! SI CHAD!", para na akong tanga dito habang palakad lakad at sinisigawan ang telepono ko.

(Anong nangyari kay Chad?) nataranta nadin siya

"Nandito siya sa ospital malapit sa office ni Troy."

(b-bakit siya nandyan?) ramdam ko ang kaba sa boses niya.

"JUST GO HERE RIGHT NOW!", sabi ko at agad pinatay ang tawag bago umupo sa upuan sa tabi. Hindi nagtagal ay dumating nadin si Charrie.

"Nasaan ang anak ko?", agad niyang tanong.

"Nasa loob ng ER", sagot ko

"Anong nangyari sa kanya Avin? ANONG NANGYARI? BAKIT SIYA NANDYAN SA LOOB?", tanong ni Charrie.

"Excuse me. We need your decision now for the operation of the kid", singit ng doktor.

"O-operation? Para saan?", ramdam ko ang kaba at takot na nararamdaman ni Charrie.

"Nabaril si Chad. Kailangang maalis ang bala.", sagot ko.

"A-ano?", hindi makapaniwalang tanong ni Charrie at kita ko kung paano lumandas ang luha sa kanyang mga pisngi.

"SINONG BUMARIL SA KANYA? SINONG BUMARIL SA ANAK KO?", galit na sigaw niya at niyugyog ako.

"HINDI KO ALAM! NAKITA KO LANG SIYANG NAKAHIGA SA TABI NG KALSADA.", sagot ko.

"Doc,please. Do whatever it takes to save my son.", madiing sabi ni Charrie at agad tumango ang doktor at tumakbo papasok ng OR kasama ang mga nagtutulak ng kama ni Chad.

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon