Scoups
-yung kapitbahay mong madalas walang suot na t-shirt kay araw araw busog ka sa pandesal
-laging bumabati sayo ng, "hoy musta na!" (pero hindi naman kayo close, nakiki-fc lang siya)
-yung makapal ang mukha kasi laging nakahiram o nakikihingi sa inyo; hiram ng plais, hiram ng walis, hiram ng bangko, hiram ng pambomba sa inodoro, humihingi ng ulam, ultimo toothpaste nanghihingi! Aba! Kulang nalang ikaw ang kuhanin! (sus, payag ka naman)
-tuwing umaga nakikita mo siyang naglilinis ng pinakamamahal niyang motor
-tuwing hapon nakikita mo naman siyang naglalaro ng basketball sa mga tambay roon sa kanto
-Pero kagabi lang--- nakadungaw ka sa bintana ng kwarto mo at nahuli mo siyang nakatitig sayo mula sa labas ng bahay niyo. And the he smiled and winked at you. HALA! >//<
---
Jeonghan
-yung kapitbahay mo na parang invisible
-eh pano ba naman kasi, dalawang beses mo lang siya makita sa isang araw
-tuwing umaga, makikita mo lang siyang lumabas para pumasok sa school
-tuwing hapon, uuwi naman from school
-feeling mo nga, siya na ang girl version ni Sleeping Beauty na laging nakakulong sa bahay
- kapag nakikita siya ng mga kaklase mong lalaki, lagi sayong tinatanong na, "uy sino yung maganda niyong kapitbahay?" Kaya eto ka, laging sumasagot ng, "LALAKI NGA KASI SIYA!"
-Pero isang gabi, naglalakad ka pauwi at nadaanan mo ang isang play ground
-Nagulat ka dahil may lalaking natutulog sa dulo ng padulasan
-for the first time! Nakita mo siya sa labas ng bahay (yun nga lang, tulog na naman jusko!)
-nilapitan mo siya at kinalabit. "Hoy, mr.kapitbahay. Gising! Hindi ka pa ba uuwi?"
-bigla niyang hinawakan ang kamay mo at dumilat.
-nakipagtitigan sya sayo at namangha ka sa napakaganda niyang mukha
-Pagkatapos ay ngumiti siya at sinabing, "Nakatulog ako sa paghihintay sayo (y/n)"
-(paano niya nalaman ang pangalan mo at bakit ka niya hinihintay?!)
---
Joshua
-the always nakangiti
-hindi kayo close pero tuwing umaga, lagi ka niyang binabati ng "Good morning," *insert Eye smile*
-Akala mo may something between you and him
-yun pala, lahat ng tao sa barangay niyo, mapa bata, matanda, lalaki babae o bakla, ay lagi rin niya binabati
-sadyang good boy lang talaga siya
-tuwing umaga, nakikita mo siyang nagba-bike para bumili ng pandesal
-tuwing gabi naman, naririnig mo siyang kumakanta at naggigitara sa terrace nila
-tuwing umaga ng Sunday, maririnig mo naman siyang kumanta ng "Sunday morning rain is falling~" bago siya mag simba
-saludo ka sa paraan niya ng pagdadamit, mukha kasi siyang elegante at naisip mo na baka galing siya sa mayamang pamilya
-mahilig din syang magbigay ng pagkain. Kapag nagluto siya ng pancit, spaghetti o champorado,
kumakatok siya sa bahay niyo at bibigyan kayo
BINABASA MO ANG
Seventeen Threads
FanfictionMy compilation of Seventeen threads. Both tagalog or English. Follow me on Facebook @CloeBoo. Happy reading!