"Svt as Tricycle Driver"

1.9K 81 39
                                        

Scoups

- sya yung maraming kabatian na Tricycle driver sa daan. Lahat ng madadaanan niya binubusinahan

-yung maraming kolorete sa tricycle. At may ibat-ibang Ilaw pa tuwing gabi. Akala mo Christmas tree

-linis ng linis ng tricycle pag -uwi ng bahay.

-yung mahilig tumulong kapag may nakitang nasiraan ng sasakyan sa daan

-yung laging may dalang lubid para kapag may natirikan na kapwa niya tricycle driver, hahatakin niya pauwi

- the macho driver at tutulungan ka magbuhat ng mabibigat na bagay kahit hanggang sa loob ng bahay mo

-then laging naka- "Barya lang po sa umaga" (sabay ngingiti kita ang gilagid)

-ang pinaka favorite mong part ay...

-habang nag dadrive siya, kitang kita mo in HD and biceps, triceps at thighs niya na halos pumutok na  sa suot niyang damit.  Ulalam~~~

-Tandaan ang motto niya! "Basta tricycle driver... SWEET LOVER"

--
Jeonghan

-yung nakikita mong nakahiga sa loob ng tricycle, nakatakip ang mukha ng puting towel, at natutulog habang naghihintay ng pasahero sa pila

-kailangan pang gisingin ng kapwa niya driver para sabihin na may pasahero na siya

-tatanungin ka ng "Saan ka?" Tapos kapag nalaman niya na malayo pala yung lugar na pupuntahan mo sasagot siya ng, "Ay, ang layo naman." Sabay aalisan ka. Lodi eh😑

-yung ihihinto ka sa isang kanto na malayo pa sa bahay mo. At ang katwiran niya, "Masikip sa kanto niyo. Dito ka nalang bumaba"

-tapos kapag tanghali, uuwi siya ng bahay para kumain at matulog

-mamamasada lang uli siya kapag hapon na at uwian na ng mga estudyante

-tapos akala mo babae siya dahil mas maganda siya sayo kaya lagi kang naka- "Ate! Para po!"

-kaya sasagot niya ng, "Ate ka diyan. Baka gusto mong hindi kita ideretso sa bahay mo at iuwi nalang sa bahay ko ng malaman mo ang tunay kong kasarian." (Smirks)

--

Joshua

-yung bumabati pa ng "Good Morning" sabay ngingiti

-akala mo liliparin siya ng hangin kapag nag da-drive kasi ang payat niya. Lol! (peace sa mga asawa ni Joshua dyan!)

-hindi siya over price kung maningil

-minsan nga ikaw pa tatanungin niya ng, "kayo po? Magkano po ba gusto niyong ibayad?" *eyes smile*

-kapag estudyante ka at nagkataon na wala siyang panukli, ililibre ka nalang niya

-gentleman  to. Bubuhatin gamit mo, or kapag may matanda, tutulungan pa tumawid ng daan

-siya na ata ang pinaka-perfect na tricycle driver eh

-kaso 20 km per hour lang siya kung magpatakbo

-para mas maintindihan mo kung gaano kabagal ang 20 km per hour, ito yung takbo ng tricycle na nalalagpasan pa ng mga nagba-bike

-so si Manong Joshua ang dahilan kung bakit lagi ka late sa school or works

--

Jun

-yung mukhang terorista

-kasi nakasuot ng shades, naka-mask, naka- jacket at may panakip ang braso laban sa mainit na araw

Seventeen ThreadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon