Scoups
~tok tok tok~
Alas dose na ng madaling araw. Pero mayroon parin kung sino na kumakalabog sa pinto ng apartment mo. Kaya kahit inaantok ay pinilit mo ang sarili na bumangon. Pipikit pikit ang mga mata ay nagsuot ka ng bathrobe dahil isang manipis na bestidang pantulog lamang ang suot mo."Sino yan?!" sigaw mo habang papalapit sa pinto.
~tok tok tok~! patuloy na pagkatok nito sa pinto.
Medyo naiirita ay binuksan mo ang pinto. "Sino ba y-" Kusa kang napatigil sa pagsasalita ng makita kung sino ang lalaking nakatayo sa harapan mo. It is Seungcheol, your step brother.
"K-Kuya," ang naibulalas mo.
He looked at you, kahit na pupungay pungay ang mata. Sinubukan niyang tumayo ng tuwid, kahit na halos matumba na siya sa kalasingan. His face are all red, at kahit tatlong hakbang ang layo mo sa kaniya ay amoy na amoy mo ang alak.
"Bakit ka nandito?" You asked, tying your bathrobe. "Kung lasing ka, dapat sa bahay ka umuwi."
Napangiti siya habang nakatitig sa ibaba. "Kung hindi ako lasing, imposible na pumunta ako rito," sambit niya bago susuray suray na pumasok sa loob at sinara ang pinto.
Abante-atras. Abante- atras, ganyan ang ginawa niyo habang nagtititigan.
"K-Kuya, go home. Please," pakiusap mo ng maramdaman ang sofa na dumampi sa iyong binti. Wala ka ng aatrasan, kaya tanging pakiusap na lamang ang naiisip mong paraan upang makatakas sa kaniya.
"(y/n)," he called your name using a husky tone. "Bakit mo ko iniiwasan?" Napakagat siya sa labi, pinipigil ang luha na unti-unting nagbabadya.
"Iniiwasan? H-Hindi kita iniiwasan," pagsisinungaling mo.
Napatawa siya, isang sarkastikong tawa habang nakahawak sa labi. "Hindi? Are you sure? Hey, ilang weeks ka ng hindi dumadalaw sa bahay. Kahit na may sarili kang apartment, dapat dumalaw ka parin sa amin. That means... iniiwasan mo lang ako."
"No," madiin mong sabi. "Ano namang dahilan para iwasan kita?"
Ipinagtama niyang muli ang mga mata ninyo. This time, nakaramdam ka ng init sa pamamagitan lamang ng pagtitig sa kaniyang mga mata, at malamang, na ganoon rin ang nararamdaman niya.
"Gusto mo ba talagang marinig kung bakit?" bulong niya. Ang kaniyang mga paa ay nagsimulang maglakad papalapit. Papalapit ng papalapit.
Sinubukan mong umiwas matapos tumanggi ng, "Ayoko. Don't say anything." Pero ng saktong iiwas ka ay hinablot niya ang mga kamay mo. Hinatak ka niya at sa isang iglap ay nakahiga ka na sa sofa habang siya ay nasa ibabaw mo.
Init. Takot. Kaba. Halo halong damdamin ang nararamdaman mo, anupat hirap na hirap kang huminga at makapag isip ng mabuti. Something might go wrong. No, this is wrong!
"Alam mo ang sagot," ang sabi ni Seungcheol, habang idinidiin ang magkabila mong mga kamay sa sofa.
"Stop. This is wrong. Please, just stop," pakiusap mo, pinipilit na makawala sa mahigpit niyang pagkakahawak.
"(y/n), I..." he started. "I really lov--"
"I said stop!" sigaw mo na umalingawngaw sa buong apartment.
~tuk tuk~ Mga luhang sabay na pumatak sa inyong mga mata.
"Mahal kita," pagpapatuloy ni Seungcheol habang lumuluha.
Matagal mo ng alam ang bagay na ito. Matagal mo ng pinaglalabanan na hindi masuklian ang nakatago niyang damdamin. At magatal mo ng hinihiling na sana, hindi dumating ang araw na ipagtatapat niya ang isang kasalanang magiging dahilan para kayo ay mahusgahan ng lipunan. Pero, huli na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Seventeen Threads
FanfictionMy compilation of Seventeen threads. Both tagalog or English. Follow me on Facebook @CloeBoo. Happy reading!