Svt as your childhood friends

2.7K 97 160
                                    

Scoups

-Siya ng kababata mong kung tawagin mo noon ay "Berting"

-bata palang kayo paborito na niyang magpapak ng toothpaste

-siya pa nga ang nagturo sayo na kapag nagsisipilyo ka, dapat lulunukin mo ang bula

-kapag binu-bully ka ng ibang bata,  siya ang taga-rescue

-Kapag napunta sa taas ng bubong o sa puno ang laruan mo, handa siyang umakyat para kuhanin ito

-he is like a very good brother

-gumawa pa nga siya ng tree house doon sa secret place niyo

-"Berting Berting, ano lalaruin natin ngayon?"

-"Laro tayo ng Bahay-bahayan. Ako ang tatay, ikaw ang nanay. Tara sa tree house!"

-----

Jeonghan

-kung tawagin mo noon ay "Juan"

-siya yung kapag naglaro kayo, ikaw lagi ang taya

-at kapag malapit na siya ma-taya, sisigaw siya ng "Taympers!"

-O kaya naman, "Uwian na!"

-hindi mo siya madalas nakikitang makipaglaro sa mga batang lalaki

-madalas nakikita mo lang siyang nakatambay sa ilalim ng puno ng bayabas at nakanganga

-"Hoy Juan tamad! Laro tayo ng tagu-taguan."

-"Ayoko nga. Matutulog nalang ako. Nakakapagod kaya tumakbo."

-"Bahala ka. sabi ni Berting sasali daw siya."

-"TEKA SALI AKO!"

-------

Joshua

-na kung tawagin mo noon ay "Jose"

-siya yung kalaro mo na taga ibang barangay at dumadayo pa sa barangay niyo para makipaglaro

-actually kaklase mo siya since kinder garten

-parang mapaglaro nga ang tadhana dahil palagi kayong magclassmate

-pumupunta siya sa bahay mo using a bike

-inaangkas ka niya papuntang school

-o kaya naman papuntang simbahan

-minsan, gumagala pa kayong dalawa sa malayong lugar gamit ang bike niya

-pag-uwi mo tuloy sa bahay, palo sa puwet ang abot mo kay tatay

-"Jose, turuan mo akong mag-bike."

-"Sige. Basta may kondisyon."

-"Ano yun?"

- (his little hands cupped your cheeks) "Paglaki natin, ako ang papakasalan mo ha" (eyes smile)

------

Jun

-na kung tawagin mo ay "Jun-Jun"

-hangga't maaari, ayaw mo siyang makalaro

-ang bata bata niyo pa kasing dalawa, lagi ka niyang inaalok ng, "Hoy, can you be my girlfriend?"

-Kapag nakikipaglaro ka kay Berting ng bahay-bahay, palagi siyang sisingit at sisigaw ng..

-"Ako dapat ang tatay at ikaw ang nanay! At gusto ko marami tayong baby!"

-"Jun-Jun! Ayaw kitang kalaro! Lagi kang bigla nanghahalik sa lips! BAstos ka!"

Seventeen ThreadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon