Scoups
-tuwing papasok siya sa bahay niyo at makikita ka, ganito ang lagi niyang linya: "Uy kamusta. Kuya mo asan?"--kapag napansin ka naman niyang tulala, lalapit siya sayo at guguluhin ang buhok.
-"Ayos ka lang?" (Makikipagtitigan pa sayo ng malapitan, eye to eye)
-minsan nahuhuli mo siyang nakatitig sayo. At biglang kakana ng, "Grabe! Ang laki mo na. Parang dati lang ganito ka kaliit oh (sabay pinakita ang kamao niya) [seriously, nakita ka na ba niya nung fetus ka?]
-ikaw ang pinagtatanungan niya tungkol sa kuya mo. Like: " uy asan kuya mo? Pakisabi mo, basketball kami ". " kuya mo nasan na?! Sabihin mo nauna na ako sa gym." [Hello?! GPS ka ba ng kuya mo?!]
-pero walang nambubully sayo sa school, kasi handa siya sumugod para bugbugin ang nang-aaway sayo
-ang nakakapagtaka nga lang, pinapakilala niya ang sarili niya na boyfriend mo siya sa buong school mo. (Wala tuloy nanliligaw sayo.)
-ito... Last hirit nalang
Scoups: Uy asan kuya mo?
You: KUYA KO KUYA KO KUYA KO! LAGI NALANG KUYA KO! HINDI BA PWEDENG AKO NAMAN?!
Scoups: (blinks) (chuckles) okay sure. (Umakbay sayo, bit his lower lip, looked at you) magtatanong ako tungkol sayo. (Fake cough) handa ka na bang magpaligaw sakin?
You: (natigilan) h-ha? (Blushes)
==
Jeonghan
-yung kaibigan ng kuya mo na ginagawang hotel ang bahay niyo
-tumataas ang bill ng kuryente niyo dahil kapag nakitulog siya sa inyo gusto pa may aircon!
-daig pa yung kuya mo kung makapag utos. "Kuha mo nga ako tubig.". " oy, wala ba miryenda? Luto ka naman."
-minsan, nagising ka ng madaling araw para magbanyo. Paglabas mo ng pinto, nagulat ka! May babae ng lumabas mula sa kwarto ng kuya mo! Naka-pajama pa!
You: Mama si kuya! Nag-uwi ng babae sa kwarto niya!
Jeonghan: (lumapit) nasan yung babae?!
(Ay letse! Si Jeonghan lang pala)
-bwuset ka sa kaniya sa lahat ng bagay. Pero....
Jeonghan: Hoy (walks closer,)
You: bakit?
Jeonghan: (tucked your hair behind your ears) Nasabi ko na ba?
You: (frowned) yung ano?
Jeonghan: (smiles) na ang ganda mo pala.
You: (blushed)
-ayan tayo eh. Nag-pauto ka naman? (Peace yow)
==
Jisoo
-una sa lahat, mabuti siyang impluwensya sa kuya mo
-wala siyang bisyo
-tanda mo pa? Noong nakaraang Sunday ng umaga, kumatok siya sa bahay niyo. Pagbukas mo ng pinto, nakita mo siya, naka-polo at may dalang gitara. (Excuse me!? Ang aga aga nanghaharana?!)
Jisoo: Good morning. Gising na ba yung kuya mo? Nangako kasi siya na aattend kami sa Sunday Worship namin.
-(lesson learned: wag ka assumera)
-tuwing umaabsent ang kuya mo, dadaan siya sa inyo bago umuwi.
Jisoo: Hi (y/n). Pakibigay yung notes sa kuya mo. May assignments kami at activities bukas. Salamat ah. Have a nice day ahead. Wag papàlipas ng gutom. (Tapped your head)
BINABASA MO ANG
Seventeen Threads
FanfictionMy compilation of Seventeen threads. Both tagalog or English. Follow me on Facebook @CloeBoo. Happy reading!