"Anong ginagawa niyo?!" tili ng tiyahin ni Angel mula sa pinto ng kwarto niya. Mabilis na bumangon palayo sa kaniya ang lalaki at humarap sa pinto. Napatingin din siya sa tiyahin niya na nanlalaki ang mga mata.
"Mahal, magpapaliwanag ako...inakit lang niya ako. Kailangan niya ng pera at..." alo ng asawa nito sa tiyahin niya.
Natawa si Angel. Malakas. Histerikal. Natawa siya sa palusot ng lalaki na alam niyang paniniwalaan ng tiyahin niya kahit obvious naman na ito ang nakapatong sa kaniya at punit-punit ang damit niya. Natawa siya kasi kung hindi niya 'yon gagawin bubunghalit siya ng iyak. Ayaw niyang umiyak sa harap ng mga ito.
Namula sa magkahalong galit at pagkapahiya ang mukha ng tiyahin niya. At katulad ng dati – hindi 'yon ang unang beses na nahuli nito ang katarantaduhan ng asawa – sa kaniya na naman nito binunton ang sisi. Siya na naman ang may kasalanan.
"Lumayas ka," malamig na sabi ng tiyahin niya. Humakbang palapit hanggang hablutin na nito ang buhok niya at marahas siyang hinila paupo sa kama. "Lumayas ka na rito! Pinakain at binigyan kita ng matitirhan pero ganito ang igaganti mo sa kabaitan ko, walanghiya kang babae ka!" Kinaladkad siya nito palabas ng kwarto, walang pakielam kahit nasasaktan siya o ilang beses nagasgas at tumama sa poste at mga gamit sa bahay. Hinila siya ng tiyahin niya hanggang sa labas ng bahay at itinulak. Nasubsob paluhod si Angel sa gilid ng kalsada. Wala pang limang minuto sumunod na inihagis palabas ng tiyahin niya ang mga gamit niya. Ang bag na ginagamit niya sa school, ang kahon ng mga damit niya, maging ang traveling bag kung saan niya inilagay ang mga importanteng dokumento niya, nagkalat sa sidewalk.
Napatingin si Angel sa gate ng bahay kung saan nakatayo ang tiyahin niya. "Mula ngayon tapos na ang koneksiyon natin sa isa't isa. Huwag ka nang babalik dito. Wala ka nang kamag-anak! Wala na akong pakielam sa'yo." Saka nito malakas na isinara ang gate. Tiningala niya ang front door ng bahay. Nakatayo roon ang asawa ng tiyahin niya, may malisyoso at nakakalokong ngisi. Nang makita siyang nakatingin itinaas nito ang envelope na hawak, saka malutong 'yong hinalikan. Ang pera na binigay sa kaniya ng estranghero. Kinuha ng hayop.
Sumara ang pinto ng bahay. Mayamaya pa pinatay na ng mga ito ang ilaw sa loob. Saka lang tumalikod si Angel at pinagmasdan ang mga nakakalat niyang gamit. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi para kontrolin ang kanyang emosyon. Then yumuko siya at kinalkal ang bag na ginagamit niya pampasok sa school. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Grace. Unattended. Laglag ang mga balikat na napasalampak siya ng upo sa sidewalk. Kapag patay ang cellphone ng kaibigan niya ibig sabihin nasa kalagitnaan ito ng date sa kung sinong lalaki. At kung may date ito ibig sabihin bukas pa ang uwi ni Grace. Meaning bukas pa rin niya ito mako-contact.
Saan na siya pupunta? May pera siya pero sapat lang 'yon para sa isang gabi sa kung saang motel. Nawala pa sa kaniya ang bente mil na wala nga siyang balak gastusin. Hopeless na inihilamos ni Angel ang mga palad sa kanyang mukha. Then yumuko siya at mariing pumikit.
Forget it. Forget everything. Nagawa mong alisin sa isip mo ang lahat sa nakaraang sampung taon, Angel. Kaya mo rin gawin 'yon ngayon.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon. O kung gaano katagal niya pinapaulit-ulit sa isip niya ang mga salitang 'yon. Saka lang niya namalayan ang oras nang may dumaang sasakyan sa harapan niya.
Bumuntong hininga siya, hinawi paalis sa mukha niya ang buhok at nilingon ang lumampas na sasakyan. Mabagal ang takbo 'non hanggang biglang napahinto. Aalisin na sana niya ang tingin doon – after all, may mas dapat siyang alalahanin – pero bumukas ang pinto sa driver's side at bumaba ang isang lalaki. Deretso ang tingin nito sa kaniya at walang pagdadalawang isip ang bawat hakbang palapit sa kinauupuan niya sa gilid ng kalsada.
Napaderetso ng upo si Angel at kumabog ang dibdib niya. Kasi namukhaan niya agad ang lalaki. He was the guy at the Bachelor's Party! Napatitig siya sa mukha nito. He has an intense and determined expression. Narealize niya na namukhaan din siya ng lalaki kaya siguro huminto at ngayon ay lumapit pa sa kaniya.
Huminto ito sa harapan niya. Tiningala niya ito pero hindi siya tuminag sa pagkakaupo niya sa gilid ng kalsada. She just feels so... tired. Ni wala siyang gana magpakita ng kahit anong reaction sa biglang pagkikita nila uli. Kaya tahimik na lang niyang sinalubong ng tingin ang titig nito.
Then he did something surprising. Inilahad nito ang kamay sa harap niya. "Get up."
Kumurap si Angel. "Huh?"
Lalo siyang nagulat nang yumuko ito at abutin ang isang kamay niya. Then tinitigan na naman nito ang kanyang mga mata. "Your eyes are telling me to save you. Get up."
Biglang nawala ang pamamanhid at indifference niya. Ang dam ng mga emosyon na mahigpit niyang sinarhan, bumukas sa maiksing mga salita lamang mula sa estranghero. Namasa ang mga mata at may bumara sa lalamunan niya. Kaya imbes na magsalita kumilos na lang siya at tumayo.
Hindi binitiwan ng lalaki ang kamay ni Angel kahit nang igala ang tingin sa mga gamit niyang nakakalat sa daan. Ni hindi ito nagtatanong kung bakit siya naroon at kung ano ang nangyari sa kaniya. Instead he said, "Let's put your things inside the car."
Nanginig ang mga labi niya. Ang lohikal at rasyonal na parte ng utak niya sinasabing huwag siyang sumama at magtiwala sa isang taong hindi naman niya kaano-ano. But then again, hindi ba sa loob ng thirteen years ay kamag-anak niya ang kasama niya pero ano ang nangyari sa kaniya? She was ruined and dirtied. Broken beyond compare.
Binitiwan ng lalaki ang kamay niya para buhatin ang traveling bag. Then napatitig ito sa nakabukas at nakatumbang kahon. "Are those all your clothes?"
Tumango si Angel. Kaunti lang 'yon kompara sa ibang mga kakilala niya na maraming damit pero lahat ng mga 'yon pinagpaguran niya ang pera na pinambili niya. Yumuko siya, kinuha ang school bag niya at isiniksik sa loob ng kahon. Then payakap niyang binuhat 'yon. Ramdam niya na mataman siyang pinagmamasdan ng lalaki. Huminga siya ng malalim at nilingon ito. Nagtama na naman ang mga paningin nila.
"Let's go," tipid na sabi nito at nauna nang maglakad palapit sa kotse.
Parang hinahalukay ang sikmura ni Angel, nag-aalangan na naman sumama sa estranghero. Nilingon niya ang bahay ng tiyahin niya. Nanlamig siya nang sa isang bintana, nakita niyang nakasilip mula sa puwang sa kurtina ang asawa ng tiyahin niya.
Mas gusto na niyang sumama sa isang estranghero kaysa manatili pa roon at abot kamay lang ng demonyo. Mabilis niyang binawi ang tingin at halos patakbong sumunod sa lalaki. Nang makalapit siya kinuha nito ang kahon na hawak niya at inilagay sa backseat ng kotse. Then pinagbuksan siya nito ng pinto at inalalayan pang makasakay sa passenger's seat. Nang paandarin ng lalaki ang kotse palayo sa bahay ng tiyahin niya, saka lang nakahinga si Angel. Na para bang sa buong sandaling pananatili niya sa bahay na 'yon may nakasakal sa kaniya at ngayon lang nawala.
She's finally free from the chain of that house. Hindi na siya babalik doon kahit kailan. Pangako niya 'yon sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...