Part 31

56.6K 1.2K 40
                                    

Kumirot ang puso ni Angel para kay Jack. He's been in love with Dolly since high school. Pero hindi ganoon ang feelings ng babae para rito. Nangako si Dolly na poprotektahan ang binata laban sa mga taong pera lang ang gusto rito. Pero katulad din ng lahat ng mga taong nakasalamuha ni Jack, ipinagkait din ni Dolly ang sincerity nito. She used him even though she knew he's in love with her. Hindi man pera ang naging motibo ng bruhang 'yon pero mas matinding sugat naman ang iniwan nito sa puso ni Jack.

"And then two years ago our families decided to have a merger," patuloy nito. Nakapikit pa rin. Mukhang hindi na mapigilan na ilabas lahat ng emotional baggage sa dibdib. Hinayaan ito ni Angel. Kasi gusto niyang gumaan ang puso nito. Gusto niyang mabawasan ang laman 'non. Baka sakaling pagkatapos maitapon ni Jack ang mga sama ng loob, magkaroon ng espasyo sa puso nito para sa kaniya. Kahit maliit na space lang, magiging masaya na siya.

"Dalawa lang kami ni Blake na apo ni Lolo sa mga anak niya. The rest ng mga pinsan namin, mga anak na ng mga pamangkin ni Lolo. Si Blake ang panganay kaya siya ang gusto ng mga Uy na maging manugang. Even if my cousin is irresponsible and never worked for the company, they want him just because he's the first born. Pumayag ang pamilya namin kasi kapag daw nag asawa na si Blake magiging responsible naman na raw siya at magtatrabaho na para sa Empire. So the two families arranged a meeting. Nagkita sina Dolly at Blake. Nagkasundo sila at naging official couple mula noon. I was... devastated."

Ramdam ni Angel ang pait at sakit sa boses ni Jack. Wala siyang magawa kung hindi ang yakapin ito at ihilig ang uli sa leeg nito. Hinalikan niya ang baba nito. Humigpit ang yakap ng braso nito sa mga balikat niya. Sandaling natahimik lang sila.

"Alam mo ba na nagmakaawa pa ako sa pamilya ko na huwag ipakasal si Blake kay Dolly? Nakiusap ako na ako na lang. Ibinaba ko ang pride ko para lang ma-gets nila na mahal na mahal ko si Dolly. It was the first time I actually asked them for something I really really want. Pero hindi nila ako pinakinggan. Kasi mas mahalaga para sa kanila ang merger kaysa sa feelings ko. Kasi noon pa man, mas paborito ng buong pamilya si Blake. I've never been jealous of my cousin until that moment. Wala namang nagawa ang pagmamakaawa ko. Walang nagawa ang lampas isang dekadang pagmamahal ko. Nagmukha lang akong tanga at nadurog lang ang puso ko." Huminga ng malalim si Jack. "After the wedding, nangako akong hindi na uli magpapakatanga. Fuck Love. I don't need it in my life. Tama na ang isang beses. Ayoko na umulit."

Bumuntong hininga si Angel. "Jack, hindi lahat ng pagmamahal nauuwi sa sakit. You just have to find the right woman to fall in love with. Someone who will not hurt you. Not intentionally. Isang babae na pahahalagahan ka at aalagaan ka. But you know, you will not find the love you deserve unless you allow yourself to love again."

Inangat niya ang mukha, sinalubong ng tingin ang mga mata nito at tipid na ngumiti. "Maniwala ka sa akin. I've been through shitty relationships. Masakit lahat ang naging experience ko sa ex-boyfriends ko. Palagi akong inaaway ng bestfriend ko kasi tanga raw ako at hindi marunong pumili ng karelasyon. Na mabilis daw kasi ako ma-in love kaya palaging walang kwenta ang nagiging boyfriend ko. Pero ayoko pa rin mawalan ng pag-asa. I allow myself to love someone because I want to find the right love for me. The love I know I deserve. Kung kailangan ko masaktan along the way, haharapin ko. Kasi alam ko someday, kahit gaano pa karaming failed relationships ang dumaan sa buhay ko, may darating na lalaking magmamahal talaga sa akin at mamahalin ko rin."

Napatitig lang sa kaniya si Jack. Then napunta sa batok niya ang isang kamay nito at pinaglapat ang mga noo nila. "You're a very brave woman, Angel."

Lumawak ang ngiti niya. "Thank you. I'll take that as a compliment."

Umangat ang gilid ng mga labi ni Jack. Then hinila nito ang ulo niya at hinalikan siya sa mga labi. She kissed him back. Their tongues tangled with each other. Then suddenly he lifted her until she's straddling his hips. She can feel his growing hardness against her sex. She smiled between their kisses.

Ah. This is heaven.

KINABUKASAN may nangyaring hindi inaasahan ni Angel. Nautusan siya ni Mrs. Ocampo na umakyat sa floor kung nasaan ang opisina ni Jack. May pinakuha sa kaniyang folder mula sa opisina ng isa sa mga Board of Directors. Kaso sa opposite side ng hallway ang opisina na pinuntahan niya. Malabong makita niya ang binata.

Kaya sobrang saya niya nang makita niya itong naglalakad papunta sa elevator nang pabalik na sana siya sa HR office. Iyon nga lang, may mga kasama ito. Binagalan niya ang paglalakad. Balak paunahin ang mga ito sa elevator. Hindi siya confident na kaya niyang umakto na hindi sila magkakilala kung magkakasama sila sa loob ng elevator.

Yuyuko na sana si Angel para makaiwas pero saka naman napatingin sa kaniya si Jack. Nagtama ang mga paningin nila. Sandaling nakita niya ang pagkabigla sa mga mata ng binata. Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok doon ang mga kasama nito na mukhang mga executives. Naiwan si Jack at ang secretary nito.

"Sir? We need to go now," sabi ng secretary.

Hindi kumilos ang binata, nakatitig pa rin sa kaniya. Takang napatingin din sa kaniya ang sekretarya nito. Nanlamig siya sa kaba. Ano bang ginagawa ni Jack? Baka makahalata ang babae na may namamagitan sa kanila. Hindi ba mas disadvantage para sa binata 'yon?

Nakahinga ng maluwag si Angel nang sa wakas bawiin nito ang tingin at bumalik sa sekretarya nito. "Mauna na kayo. Susunod ako. I'll be there in ten minutes."

Nahigit niya ang hininga at manghang napatitig kay Jack na kasasara pa lang ng elevator ay naglalakad na palapit sa kaniya. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya papunta sa pinto ng fire exit.

Pagkapasok nila roon isinandal siya nito sa pader at mariin siyang hinalikan sa mga labi. Napaungol si Angel at agad gumanti ng halik. Nang matapos ang halik ikinulong ni Jack sa mga palad ang kanyang mukha at pinakatitigan siya.

"Hindi mo 'to dapat ginawa. Baka makahalata ang mga kasama mo na... na may namamagitan sa atin," bulong ni Angel.

"I don't care," sagot ni Jack. "Let me look at you for a while." Natahimik silang pareho habang parang kinakabisado nito ang bawat parte ng mukha niya. Mayamaya huminga ito ng malalim at dahan-dahang lumayo sa kaniya. "Kailangan ko magpunta sa isang hotel ng Empire sa Davao. I'll be there for a few days, maybe a week. Depende kung matatapos ko ng maaga ang mga appointment ko 'ron. It was so sudden. Ngayon lang sa meeting namin sinabi sa akin ang mga problemang kailangan kong asikasuhin. So...hindi tayo magkikita sa mga susunod na araw."

Nalaglag ang mga balikat ni Angel. Nalungkot siya. Mukhang nakita ni Jack sa mukha niya ang nararamdaman niya kasi yumuko ito at magaan siyang hinalikan sa pisngi. "I'll call you everyday," bulong nito.

Her heart fluttered. Sobrang na-touch siya sa pangako nitong 'yon. Napangiti siya at hindi napigilang yakapin ng mahigpit ang binata. "Okay. Galingan mo 'ron."

Natigilan si Jack. Na-tense ang buong katawan. Napakurap si Angel at biglang narealize na baka ayaw nitong niyayakap ng ganoon. Na baka na-ko-confuse na naman ito sa ginawa niya. Baka magalit. Ayaw niyang galit na mukha ng binata ang huli niyang makita bago ito umalis. Niluwagan niya ang pagkakayakap niya rito at aatras na sana nang magulat siya sa sumunod na ginawa nito.

Gumanti ng yakap si Jack. Mahigpit. Nakasubsob ang mukha nito sa gilid ng ulo niya. She swears he even inhaled her scent.

Lumobo ang puso ni Angel at uminit ang mga mata niya. Oh no. Jack. Don't do this. You're making me fall deeper in love with you. Mariin siyang pumikit at halos hindi huminga habang yakap ng binata.

Mayamaya tumunog ang cellphone ni Jack. Mahina itong nagmura at saka parang napipilitang kumalas sa kaniya. Dinukot nito ang gadget sa inner pocket ng suit nito at bumuntong hininga. "Tinatawagan na ako ng secretary ko." Tumingin ito sa mukha niya. "I have to go."

Tumango si Angel at ngumiti. "Okay. Ingat ka sa biyahe."

Nagkatitigan sila. Tumunog na naman ang cellphone nito. Yumuko si Jack at mabilis na hinalikan ang pisngi niya. Then lumabas na ito sa pinto ng fire exit.

Ilang sandaling nanatili lang siyang nakasandal sa pader. Tulala. Nalilito sa naging akto nito. May pag-asang umusbong sa puso niya pero agad niyang binalewala 'yon. Hindi siya pwedeng umasa. Lalo lang siyang masasaktan sa huli.

Huminga ng malalim si Angel at saka nilakad na lang pababa ang hagdan papunta sa ibabang floor kung nasaan ang opisina ng HR.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon