ALAS SAIS na ng gabi nang matapos ni Jack ang lahat ng papeles na kailangan niyang tingnan at pirmahan para sa araw na 'yon. Good. Gusto na niyang umalis sa opisina niya kanina pa. Tumayo siya kaagad, hinablot ang briefcase niya na naglalaman ng mga personal niyang gamit sa kaliwang kamay habang hawak naman niya ang cellphone sa kanan. Tatawagan na niya si Angel nang biglang bumukas ang pinto ng inner office niya.
Jack froze as he stares at the woman who entered his office. Si Dolly.
Nang magtama ang mga paningin nila biglang nawala ang cool at confident expression ng babae. Nanginig ang mga labi nito, namasa ang mga mata at mabilis na lumapit sa kaniya. "Jack," garalgal ang tinig na tawag nito sa kaniya nang nakatayo na ito sa harapan niya.
Ibinaba niya ang kanyang cellphone sa lamesa at kunot ang noong na-focus na ang buong atensiyon niya kay Dolly. "What's wrong?"
Malinaw na niyang sinabi rito noong bago ito ikasal na hindi na niya ito ituturing na kaibigan. Na puputulin na niya ang koneksiyon niya rito. Na asawa na lang ito ng pinsan niya. Pero hindi niya kayang balewalain ang nakikita niyang hitsura nito ngayon. Alam niya na malapit na itong umiyak. But being Dolly, she just sniffed and raised her chin. "I want an annulment."
"What?!"
"I realized that I don't want Blake to be the man I will be with for the rest of my life. He's not what I thought he is. God, he's not what everyone thought he is. And I hate him!"
"Dolly. Calm down, okay? You we're just on a honeymoon all this time then suddenly you're telling me you want an annulment? What the fuck is happening here?"
Mariing tumikom ang mga labi ng babae at tumitig sa mukha niya. Pagkatapos natigilan si Jack nang ikulong nito sa mga palad ang magkabila niyang pisngi. Lumambot ang facial expression nito at ang mga mata nito ay kumislap sa mga emosyong nagpasikip sa dibdib niya. Mga emosyon 'yon na kahit kailan ay hindi niya nakitang ipinukol nito sa kaniya. Longing. Regret.
"I'm sorry Jack," bulong ni Dolly. Namamasa ang mga mata. "I'm sorry I took you for granted. I'm sorry I played with your heart. Sorry kasi binalewala ko ang feelings mo para sa akin. Maling mali ako, Jack. I realized now that you are the only man who really loves me for what I am. Nagkamali ako ng desisyon nang si Blake ang pinili ko. Hindi na uli ako magkakamali ng desisyon, honey." Inilapit nito ang katawan sa kaniya at tumingala hanggang halos maglapat na ang kanilang mga labi. "Take me. Fuck me. Do whatever you want with me. I'm yours, Jack. And you are mine. I'm sorry it took me so long to realize it."
Hindi makapagsalita si Jack. Hell, hindi niya alam kung ano ang ire-react sa mga sinasabi at ikinikilos ni Dolly. Nakakunot pa rin ang noo niya habang nakatitig sa mukha nito nang gulatin na naman siya ng babae sa sumunod nitong ginawa.
Hinalikan siya nito sa mga labi. And he suddenly doesn't know what to do.
HINDI mapakali si Angel. Hindi siya makatulog at paulit-ulit na bumabalik sa isip niya si Dolly. Bakit siya naroon sa Empire? Imposible namang nag-check in siya sa hotel kasi kung 'yon ang pakay nito dapat sa guest lobby ito dumeretso. Hindi eh. Sigurado siya na ang elevator na sinakyan nito ay elevator para sa mga empleyado ng Empire. Sigurado siya na si Jack ang pinunta nito roon.
Madaling araw na siya nakatulog pero alas siyete pa lang gising na siya. Masakit ang ulo niya kasi kulang siya sa tulog. Walang tawag o kahit text man lang mula sa binata. By the time na nakabihis na siya para pumasok sa trabaho, hindi na siya nakatiis. Nag-message siya kay Jack. Matagal siyang nakatitig sa screen ng cellphone niya, hinihintay ang reply nito na usually mabilis na dumarating kapag nag-te-text siya.
Twenty minutes later, walang reply.
Mabigat ang loob ni Angel na pumasok na lang siya sa trabaho. She tried her best to ignore the pain in her heart while she's working. Pinigilan din niya ang sariling magpadala uli ng message o tawagan si Jack. Natatakot siya. Pagdating ng lunch break, wala siyang gana kumain kaya nagpaiwan siya sa cubicle niya. Walang katao-tao roon. Nakatitig lang siya sa kawalan. Nakapatong sa lamesa niya ang cellphone niya. Wala sa loob na napahawak siya sa lalamunan niya. May bara kasi roon na ayaw mawala. Bara na sigurado siyang kung ilalabas niya ay magiging hikbi.
Habang hinahaplos ang lalamunan bigla niyang naalala ang choker necklace na binigay ni Jack. Napatitig siya sa bag niya. Hindi niya sinuot ang choker pero dinala niya kasi ayaw niyang malayo 'yon sa kaniya. You are mine. Iyon ang sinabi ng binata sa kaniya. But is he hers?
Of course. At least while we're having an affair. Right? It's part of our deal. So right now, he's mine. Not Dolly's. Not anyone's. Kaya bakit ako nagmumukmok?
Nilunok ni Angel ang bara sa lalamunan niya at kinuha ang choker mula sa bag niya. Isinuot niya 'yon. Then using her compact mirror she stared at it wrapped around her neck for a very long time. Huminga siya ng malalim at naging determinado. Hinablot niya ang cellphone at tinawagan si Jack. Kahit ring lang ring hindi niya ibinababa ang cellphone. Hindi niya ibababa hangga't hindi nito sinasagot. Naniniwala siya na eventually maririnig din niya ang boses nito.
Kaya nasaktan siya nang maputol ang tawag. He ended her call without answering it.
Umawang ang mga labi niya at napatitig sa screen ng cellphone niya. Namasa ang kanyang mga mata.
"Angel? Is there something wrong?" Boses 'yon ni Mrs. Ocampo.
Napatingala siya at kumurap. Pareho silang nagulat ng immediate boss niya nang may tumulong luha sa mga pisngi niya.
"May nangyari ba? Are you not feeling well, Angel? Why are you crying?" Tarantang lumapit ito sa kaniya.
Umawang ang mga labi niya at napatayo. Marahas niyang pinunasan ang mga pisngi niya pero may pumatak na namang luha. Hindi siya makapagsalita at mariing kinagat ang ibabang labi kasi parang mapapahikbi na siya. No. She never cried. Not since she was ten years old. Not since her parents died. Kahit na marami siyang napagdaanan habang lumalaki siya, kahit anong pambababoy at pananakit ang napala niya sa nagpalaki sa kaniya, hindi siya umiyak kahit kailan. Kaya bakit siya umiiyak ngayon? She's so pathetic. She's so weak. And that's not a good thing. Hindi siya mag-su-survive sa buhay kung magiging ganito siya.
"Angel?" worried pa rin na tawag ni Mrs. Ocampo sa kaniya. Tinapik ang braso niya.
Huminga siya ng malalim at mahinang nagsalita, "M-masama lang ho ang pakiramdam ko." Kailangan niyang makalayo at makalma ang sarili bago pa may ibang makakita sa kaniya.
"Gusto mo bang mag half-day na lang? I don't mind."
Umiling siya. Huminga ng malalim at pilit ngumiti. "Kaya ko pa po magtrabaho. Punta lang ho muna ako sa restroom, ha?" Tumango si Mrs. Ocampo. Mabilis na kinuha ni Angel ang bag at naglakad palabas sa opisina nila. Sa kabilang dulong restroom ang pinuntahan niya, hindi ang banyo na malapit sa opisina. Para lang sure na wala siyang ka-trabaho na makakakita sa kaniya.
Napaungol siya nang makita ang mukha niya sa salamin. She looks so... heartbroken. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. Then she carefully wiped her tears and retouched her make-up. Para hindi na maiyak pa nagdesisyon siyang alisin sa sistema niya si Jack. She will stop wondering what he's doing or if he's with Dolly or not. Magaling siya mag-compartmentalize ng mga isipin. Sa isang box ay ang mga bagay na ayaw niyang maalala, mga bagay na nagdudulot sa kaniya ng sakit. For now, doon niya ilalagay si Jack at Dolly. Kayang kaya niya 'yon. Hindi ba't ganoon ang nagawa niya sa maraming taong kasama niya ang tiyahin niya at ang asawa nito?
Makalipas ang halos kalahating oras nakalma na si Angel. Nakumbinsi na rin niya ang sarili na okay siya. She can even do a fake smile at her reflection in the mirror. Saka siya lumabas ng banyo at bumalik sa trabaho.

BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
Ficción General"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...