Part 23

61.9K 1.2K 15
                                    

JACK was still hard against her when she finally calmed down a little. Buhat pa rin siya nito at nakapulupot pa rin ang mga binti niya sa baywang nito. Dumilat siya at medyo inilayo ang mukha sa binata. Tumitig ito sa mukha niya. Ganoon din ang ginawa niya.

"Palagi ba tayo magiging ganito?" paos na bulong ni Angel.

Umangat ang mga kilay ng binata, parang wala pa masyado sa tamang huwisyo. His face muscles still look tense. Hindi naman niya ito masisi. She came but he didn't. "What do you mean?" tanong nito mayamaya.

Nakagat niya ang ibabang labi. "Sa tuwing nagkikita tayo palagi na lang.... ganito." Uminit ang mukha niya. "Why can't we take our hands off each other, Jack?"

Hinalikan nito ang mga labi niya. "Hindi ko rin alam. All I know is that I don't want to resist my lust for you, Angel."

Bago siya makasagot bigla siyang may narinig na ingay mula sa labas ng private office ni Jack. Tunog ng binuksang pinto at yabag ng paa. Then katok sa pinto kung saan nakasandal pa rin si Angel habang karga ng binata.

"Sir? Nandiyan ka na ba?" Boses 'yon ng secretary ni Jack.

Tumalon ang puso niya at nanlaki ang mga mata niya. Nanlamig siya at akmang itutulak ang binata para makaalis siya mula sa pagkakalambitin niya rito pero humigpit ang hawak nito sa kaniya. He stopped her with his gaze.

"Sir?" Kumatok na naman ang secretary nito. Then pinihit-pihit ang doorknob.

Pumikit si Angel at mariing kinagat ang ibabang labi. Oh, God. First day niya sa trabaho at maabutan siya ng ibang tao sa ganitong sitwasyon. Shit. Bakit ba siya nagpadala sa pagnanasa niya para sa lalaking 'to? Bakit nawala sa isip niya kung nasaan sila at kung sino ito sa kompanya na 'yon?

Lord, pwede bang lamunin na ako ng sahig? Now na.

"I'm here," sagot ni Jack. "Dianne, buy me coffee. My usual order. I want it now."

Ilang segundo ang lumipas na parang nag-alangan ang secretary bago sumagot, "Yes, sir." Then narinig na ni Angel ang palayong yabag ng babae, saka ang pagbukas sara ng pinto.

Marahas siyang napabuntong hininga. Umangat ang gilid ng mga labi ni Jack, parang na-a-amuse pa sa sitwasyon nila. Maingat siya nitong ibinaba hanggang lumapat na uli ang mga paa niya sa sahig. Agad na ibinaba niya ang blouse niya. He fixed her skirt for her, his hand lingering a little longer on the side of her thighs. Napatitig siya sa parte ng slacks nito na nakaumbok pa rin. Then worried na umangat ang tingin niya sa mukha nito. "Paano ka?"

He adjusted his slacks but it was no good. Obvious pa rin ang hard on nito. Kinagat niya ang ibabang labi. "Do you want me to –"

Napahinto si Angel sa pagsasalita nang umangat ang kamay nito sa baba niya at pisilin 'yon. "Not now. Sa ground floor lang ng hotel na 'to nagpunta ang secretary ko. She'll be here any minute now and I don't want to be disturbed when I'm buried inside your beautiful and hot mouth." Yumuko si Jack at hinalikan siya sa mga labi. "Nilagay mo ba ang cellphone number mo sa company record mo?" Tumango siya. Umangat ang gilid ng mga labi nito. "Good." Then dumeretso na ito ng tayo, pinagmasdan siyang maigi at sinuklay ng mga daliri ang kanyang buhok. Pagkatapos pinahid nito ang gilid ng kanyang mga labi, parang inaalis ang kumalat niyang lipstick. "You're lunch break is almost over. I'll call you later."

Kumurap si Angel. Binuksan ni Jack ang pinto para sa kaniya. Huminga siya ng malalim at kahit nalilito sa naging takbo ng pagkikita nilang muli, lumabas pa rin siya. Bago siya tuluyang makaalis sa outer office nito lumingon siya uli. Nakatayo pa rin doon ang binata, mainit pa rin ang titig sa kaniya. Bakas ang determinasyon sa mukha nito. Para bang may napagdesisyunan itong gawin na hindi niya mawari. "Go now, Angel," sabi na naman nito.

Tipid siyang ngumiti, tumango at saka tuluyang umalis.

HINDI na nakakain ng lunch si Angel. Naubos ang natitirang minuto ng break sa pag-aayos niya ng buhok at makeup niya sa restroom. At sa pagkalma sa sarili niya. She can't go back to the office looking like she just got fucked, right? At kahit na hindi naman doon nauwi ang encounter nila ni Jack, nang makita niya ang sarili niya sa salamin parang ganoon na rin ang nangyari kung pagbabasehan ang facial expression niya. Tanga lang ang hindi makakahalata.

So nagtagal siya sa restroom hanggang sa mukhang normal na uli ang hitsura niya. Saka siya bumalik sa HR office. Naroon na ang mga kasamahan niya na kumain sa labas. Tahimik siyang naglakad palapit sa cubicle niya mula sa araw na 'yon. Bago siya makaupo sa silya ay lumapit sa kaniya si Mrs. Ocampo.

"Nabigay mo ba sa secretary ni sir Jack ang records?"

Alam ni Angel na kaswal na tanong lang 'yon pero tumalon pa rin ang puso niya. Bumalik kasi sa isip niya ang mga nangyari kanina. Hanggang ngayon nga ay parang nakadikit pa rin sa kaniya ang katawan nito. Tumikhim siya, ngumiti at tumango. "Yes, ma'am."

"Okay. Good job." Tinapik nito ang braso niya at akmang aalis pero natigilan, sumingot at tumingin sa kaniya. "Nagpabango ka ba?"

"Po?"

Ngumiti si Mrs. Ocampo. "Mabango. Anong perfume 'yan?"

Nagtatakang inamoy ni Angel ang sarili. Uminit ang mukha niya. Dumikit sa katawan niya ang amoy ng pabango ni Jack. Oh. God. Alam kaya ng may-edad na babae na kay Jack ang amoy na 'yon at hinuhuli lang siya? O napapraning lang siya kasi guilty siya?

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Wala siyang ideya kung ano ang brand ng pabango ni Jack.

Nakaligtas siya sa pagkabisto nang may tumawag kay Mrs. Ocampo. Nawala na sa kaniya ang atensiyon nito at nagpaalam. Umupo siya sa silya, yumuko at relieved na napabuntong hininga.

Mayamaya pa, nawala na sa isip niya ang binata. Natuon na kasi ang buong atensiyon niya sa trabaho. Hanggang namalayan na lang niya alas singko na ng hapon at malapit na mag-uwian. Nag-aayos na ng gamit si Angel at naitext na niya si Grace na malapit na siyang umuwi – just in case may kasama itong lalaki sa apartment. Kabababa pa lang niya sa cellphone niya nang bigla 'yong mag-vibrate. May tumatawag sa kaniya at numero lang ang nasa screen. Bumilis ang tibok ng puso ni Angel at nanlamig ang mga kamay habang nakatitig sa cellphone niya.

I'll call you later.

Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi tumitigil ang tawag. Pasimple muna niyang iginala ang tingin sa paligid at nang masiguro na busy ang lahat sa kani-kanilang ginagawa, saka lang niya sinagot ang tawag.

"After work, go to room twenty-o-one. I'll meet you there," sabi agad ni Jack.

Nanlaki ang mga mata ni Angel. "Bakit –"

"Ah. And don't let anyone catch you," putol nito sa tanong niya. A tingly electric current runs down her spine. May magkahalong paghamon at pangaakit ang tono nito nang sabihin 'yon. Kahit ayaw niya nakaramdam siya ng anticipation at... excitement.

"Angel, mag-a-out ka na rin ba?"

Gulat na napatingala siya sa nagsalita, si Mark, isa sa mga bagong HR Assistant na kagaya niya. "Ah... hindi pa. Mag-aayos pa ako. Mauna na kayo." Tumango ang lalaki at lumayo na sa cubicle niya. Napabuga siya ng hangin. Ninerbiyos siya kahit na imposible namang malaman nito kung sino ang kausap niya.

"Then I'll see you later," sabi ni Jack sa kabilang linya, obvious ang amusement sa tono.

Bagopa makapagsalita si Angel naputol na ang tawag. Napatitig siya sa cellphoneniya. Hindi man lang siya nito binigyan ng chance na tumanggi.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon