Part 51

62.3K 1.5K 127
                                        

Naramdaman niyang na-tense ang buong katawan ni Jack. Humigpit ang braso nito sa sandalan ng silya niya at mariing tumikom ang bibig. Mukhang nagalit ito sa sinabi niya. Automatic na umangat ang mga kamay niya sa mga braso nito at marahang pinisil ang mga 'yon. "Nakaraan na ang lahat. I was stupid back then. I saw him as a savior. Sa panahong akala ko wala nang magandang mangyayari sa buhay ko, sa panahong gusto ko na lang... mamatay, dumating siya. He showered me with attention. Mas matanda siya sa akin. Guwapo siya. Sikat sa campus. And in my eighteen-year-old eyes he was very reliable. I took his kindness as love. Wala siyang gustong gawin na hindi ko ginawa para sa kaniya. Ibinigay ko lahat sa kaniya; katawan ko, puso ko at higit sa lahat, ang tiwala ko."

Kumirot ang puso ni Angel at mapait siyang ngumiti. "Hindi ko basta ibinibigay ang tiwala ko. Pero dahil akala ko siya na ang lalaking para talaga sa akin, sinabi ko lahat ng sikreto ko. Hindi niya ako iniwan kahit nang malaman niya ang mga 'yon. He still showered me with affection. At sure, dumalas ang sex sa relasyon namin. Pero okay lang kasi mahal ko siya. And then... he cheated on me."

"Fucking asshole," Jack hissed.

Humigpit ang pisil niya sa mga braso nito para ire-assure ito na okay lang siya. "After 'non, nagsunod-sunod ang revelation para sa akin. Na hindi naman talaga niya ako mahal. Na sex lang talaga ang habol niya sa akin. Na sinamantala niya ang tiwalang ibinigay ko sa kaniya. That yes, he didn't care about the truths that I told him but he always uses them against me. Ginamit lang niya ako. He was my first love and also my first heartbreak. Hindi ako proud sa mga naging actions ko pagkatapos niya, Jack. In fact, ikinakahiya ko ang katangahan ko noong mas bata pa ako. After him, I went to relationships after relationships. Lahat failure. Sa tuwing may natatapos akong relasyon palaging sumusulpot si Tristan para makipagbalikan sa akin. At sa tuwing tumatanggi ako palagi niyang sinasabi sa akin ang mga narinig mo kanina sa restaurant. Hindi niya ako mahal pero sa utak niya, pag-aari niya pa rin ako. All because I trusted him. Pero talagang tapos na kami. Wala na akong nararamdaman kahit katiting para sa kaniya –"

"Don't worry. I will not allow him to get near you ever again," determinado, seryoso at matatag na putol ni Jack sa sinasabi niya. At alam niya na talagang gagawin nito lahat para matupad ang pangakong 'yon.

Na-touch si Angel. Napangiti siya at hinaplos ang mga braso nito pataas hanggang maikulong niya ang mukha nito sa mga palad niya. "Thank you."

He moved his head and kissed her palm. Her stomach fluttered and it feels like someone squeezed her heart tight. Ilang segundong tahimik lang sila pareho. Hanggang magsalita uli si Jack at manlamig ang buong katawan niya.

"Anong sikreto ang sinabi mo sa kaniya, Angel?"

Mariin siyang pumikit at yumuko. Mabilis ang tibok ng puso niya sa sobrang takot. Embarassment is washing over her whole being. Pero wala nang atrasan 'to. "Jack... remember that night when you saw me at the side walk? Noong dinala mo ako sa bahay mo for the first time kahit hindi naman tayo magkakilala?"

"I will never forget that night, Angel. Bringing you with me that night was one of the best decisions I've ever made," mahina at sinserong sagot ni Jack. Napadilat siya at napatingala. What she saw in his clear and serious eyes made the hope inside her heart to grow bigger. May emosyon sa mga mata nito na ngayon lang niya nakita. "Nang huminto ako noon para sa'yo, I admit I did it out of anger and a strong urge for vengeance. Ginamit kita para makaganti kay Dolly at sa pamilya ko.

"But you know, I don't regret stopping that night. Kasi kung hindi ko 'yon ginawa, sa tingin ko wala tayo ngayon dito. Wala ka ngayon sa buhay ko. And you know, when you left me and when you told me you don't want to be with me anymore, I realized that I cannot be without you, Angel. I want you back in my life. I want to know everything about you. I want your trust. I want..." Lumunok si Jack na para bang may bumara sa lalamunan kaya hindi matuloy ang sinasabi. Pero nakikita niya sa mga mata nito ang salitang ayaw lumabas sa bibig nito. At naiintindihan niya kung bakit nahihirapan itong sabihin 'yon.

Narealize niya bigla na pwede niyang sabihin ang lahat sa binata. He will not get disgusted and he will surely not think she's unworthy or dirty or damaged. "Nang gabing nakita mo ako... pinalayas ako ng tiyahin ko kasi naabutan niya ako sa kuwarto ko na... nakapatong sa akin ang asawa niya."

Hindi nagsalita si Jack. Pero naramdaman niya ang biglang tensiyon at galit na sumingaw sa buong katawan nito. His eyes suddenly became violent. As if he's ready to kill someone right at that moment. He gritted his teeth as he cursed, "Fuckshit."

"H-hindi siya nagtagumpay halayin ako nang gabing 'yon. Nanlaban ako at dumating ang tiyahin ko bago niya magawa ang talagang gusto niya. Pero kasi Jack..." Nanginig ang boses ni Angel at namasa ang kanyang mga mata. Pinilit niyang salubungin ng tingin ang mga mata nito. "Matagal na niya 'yong ginagawa sa akin. He... he has been violating me for years."

"Since when?" mapanganib na tanong ni Jack. Nanginginig din ang boses nito pero sa matinding galit.

Tuluyang pumatak ang luha sa kanyang pisngi. "Since I was thirteen."

TANGINA. Putang ina. Lahat na nang mura naisigaw na ni Jack sa utak niya. Gusto niyang magwala. Gusto niyang pumatay ng tao. Gusto niyang.... Fuck. Shit. Damn. Pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya sa sobrang galit, frustration at kung anu-ano pang emosyon. Pero nanatili siyang nakaupo roon, nakatitig sa mukha ni Angel. His Angel. His strong, beautiful, loving Angel. Ang kanyang anghel na matagal nang naputulan ng pakpak pero nagpupumilit pa rin lumipad. Ang isang babaeng ilang beses nang bumagsak pero matatag pa ring bumabangon. Ang babaeng buong buhay pinagkaitan ng pagmamahal, palaging nasasaktan pero hindi pa rin sumusuko na balang araw, may magmamahal din dito.

He realized that his urge now is to howl and cry for that little girl she once has been. For that girl who was violated by some sick, maniac who doesn't deserve to live in this world. Kahit kailan, wala pang kahit na sino o kahit na anong nagpaiyak sa kaniya. Pero ngayon... shit, namamasa na ang mga mata niya.

"Wala akong nasabihan. Kahit subukan kong magsumbong walang maniniwala sa akin. Mabait siya sa harap ng maraming tao. Paborito siya ng mga kapitbahay namin. Pero kapag kaming dalawa na lang sa bahay... nagiging demonyo siya. Naging bangungot ko siya at ang lahat ng kahalayang ginagawa niya sa akin sa loob ng maraming taon," mahina ang boses ni Angel, hindi nanginginig pero patuloy na pumapatak ang mga luha nito.

"Eventually, sigurado akong nakaramdam ang tiyahin ko sa nangyayari. Pero wala siyang sinabi. Nagbulagbulagan siya. Nagkunwaring walang napapansin. Kaya lalong lumakas ang loob ng asawa niya. Noong mga unang taon, lumalaban ako. Pero sa tuwing ginagawa ko 'yon parang lalo lang siyang natutuwa. Lalo siyang nagiging bayolente. So sa paglipas ng mga taon... I just stopped fighting. I lost the will to fight him."

Jack's jaw hurts. That's how strong he's gritting his teeth. Nanginginig ang lahat ng muscles niya sa sobrang pagkokontrol ng emosyon niya. Ni hindi niya magawang magsalita. Nawala ang focus ng mga mata ni Angel sa kanya. Natulala ito na para bang nakikinita sa isip ang nakaraan.

"Sa tuwing papasok siya sa kwarto ko, hinahayaan ko na lang siyang matapos gawin ang gusto niya sa akin. Imbes na lumaban, naging matalino na lang ako. Sa sarili kong pera, naglakas loob akong pumunta sa OB Gyne. I made sure I'm protected. Mamamatay muna ako bago ako mabuntis ng hayop na 'yon." Ibinalik ni Angel ang tingin sa kaniya at mapait na ngumiti. "So you see, Jack? Tama si Tristan. I'm soiled goods. I'm dirty. I'm disgusting. I'm unworthy to be with anyone. Especially someone like you."

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon