SANDALING naging awkward ang atmosphere sa pagitan nina Angel at Jack nang nakaupo na sila sa pandalawahang lamesa at naka-order na ng pagkain sa waiter. Maiksi ang palitan nila ng mga salita kasi mas madalas napapatitig lang sila sa isa't isa. Something is different between them tonight. At sigurado siyang 'yon din ang nararamdaman ng binata. Yes, there is still a sexual sparks between them. Hindi na yata 'yon mawawala sa pagitan nila kahit kailan. Pero higit pa roon ang mayroon sila ngayon. This moment is not purely physical. It feels like their connection tonight is something... more. Something deeper.
Nagbaba siya ng tingin at wala sa loob na hinimas ang collarbone niya. Kasi may kumukutkot sa puso niya. Pag-asa. Ayan ka na naman, Angel. Tigilan mo sabi 'yan eh.
"Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?" biglang tanong ni Jack.
Napatingala siya. Medyo uminit ang mukha niya nang maalala ang nangyari kagabi. At alam niyang naaalala rin nito 'yon. Tumikhim siya. "Oo. Hindi naman lasing si Grace kaya nakapagmaneho siya ng maayos. Magkasama kami sa apartment."
Marahan itong tumango. "She seems to be a very good friend."
Lumawak ang ngiti niya at sunod-sunod na tumango. "Yes. Kapatid ang turingan namin ni Grace. Madali siyang ma-misunderstood ng mga taong hindi talaga nakakakilala sa kaniya. Madali siya i-judge ng iba. Pero mabait at loyal siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya."
Kumislap sa amusement ang mga mata ni Jack, uminom ng tubig at saka ngumiti. "Then let's invite her for dinner next time. I want to get to know her."
Napanganga si Angel. Napahawak sa dibdib. Sobrang na-touch siya. Kasi lahat ng mga kakilala niya, kahit ang tiyahin niya at ang asawa nito, palaging hindi maganda ang tingin kay Grace. Palaging hindi maintindihan ng mga tao kung gaano kaimportante sa kaniya ang kaibigan niya. Palaging walang ibang nakikita ang mga ito kung hindi ang panlabas na hitsura nito at ang pinagkakakitaan nito. No one dared to get to know her friend better. Actually, no one dared to get to know Angel too.
Maliban kay Jack.
Bumakas ang worry sa mukha nito, umangat ang kamay at hinaplos ang pisngi niya. "What's wrong?"
Kumurap siya. Umiling at ngumiti. "Wala. Sige. Sasabihin ko sa kaniya na gusto mo siyang makasamang kumain. "
"Natin. Gusto natin siyang makasama kumain," pagtatama ni Jack. "I want to get to know her because she's very important to you, Angel."
"Oh. Okay. T-thank you," nasabi na lang niya. Kasi hayun na naman ang pag-asang umusbong sa puso niya, lumalaki na talaga. Bakit ba ganito tumingin si Jack ngayon sa kaniya? Bakit hindi na lang lust ang nakikita niya sa mga mata nito ngayon? He used to tell her that she confuses him. Pero ngayon siya naman ang nako-confuse.
Nang dumating ang order nila sandali silang natahimik para kumain. Sa kalagitnaan biglang nagsimulang magkuwento si Jack tungkol sa naging araw nito. Medyo nagulat siya na kusa itong nag-open up pero mayamaya lang hindi na rin napigilan ni Angel ang marelax at matuwa. He's making an effort. He's reaching out to her first and she likes it. Because he's making her feel important. Para bang sa sarili nitong paraan sinasabi nito sa kaniya na... hindi na lang temporary affair ang gusto nitong maging relasyon nila.
Hanggang matapos ang dinner pareho na silang madaldal at parehong malawak ang ngiti. Kinuha na nila ang bill nang may tumawag sa cellphone ni Jack. Nang magpaalam ito para magpunta sa restroom habang hinihintay nila ang bill nila, saka lang naisip ni Angel na igala ang tingin sa loob ng restaurant. Masyado kasing naka-focus ang buong atensiyon niya kanina kay Jack kaya noon lang niya narealize na maliban sa ilang lamesa ng magkakabarkada, karamihan pala sa mga customer doon ay couples.
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...