Nanlaki ang mga mata ni Angel at nanayo ang mga balahibo niya sa buong katawan nang ilapat nito ang mga kamay sa magkabilang gilid ng mukha niya. Dalawang pulgada lang yata ang nakapagitang espasyo sa kanilang mga katawan. Nararamdaman niya ang init na nanggagaling dito. Nanunuot sa ilong niya ang fresh at masculine scent nito. Her fingers itched to touch him but his angry and cold gaze is stopping her from doing so.
"What the fuck are you doing here?" mahina pero matalim ang boses ni Jack. Humampas sa mukha niya ang mainit at mabangong hininga nito.
Alam ni Angel na hindi ang presensiya niya sa opisina nito ang tinatanong ng binata. Na ang tinatanong nito ay kung bakit naroon siya sa Empire Hotels and Casinos. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang mga paru-parong nagliliparan sa sikmura niya. Then itinaas niya ang noo at matapang na sinalubong ng tingin ang titig nito. "As you can see, I'm a new employee. Nag-apply ako at natanggap ako."
"At ikaw ang nautusan na mag-akyat ng records ng mga bagong empleyado," sabi ni Jack. "At least hindi na ako mahihirapang basahin pa ang mga 'yon kasi nandito ka na sa harap ko."
Nanlaki ang mga mata niya. "So... kinuha mo ang records para hanapin ako?"
Naningkit ang mga mata ni Jack. "Ikaw lang ang kilala ko sa mga bagong empleyado. Sino pa ba ang hahanapin ko? Coincidence lang ba na dito ka nagdesisyon magtrabaho o may iba kang hidden agenda? What are you planning Angel?"
Nainis siya. Tumalim ang tingin niya rito. "Hinayaan kitang isipin na isa akong mababang uri ng babae kasi may dahilan naman para i-judge mo ako ng ganoon. After all, kakaiba ang naging first meeting natin. Pero hindi mo alam kung bakit nasa Bachelor's Party ako 'non and I'm sure wala kang interes malaman. You just assumed the worst in me. Hinayaan kita kasi isa ka lang namang estranghero sa buhay ko at wala akong pakielam sa opinyon mo." She's lying of course. Because it mattered to her. Pero hindi na nito kailangan pa malaman 'yon. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Pero itong pagpasok ko sa trabaho, huwag mong dungisan kasi nakuha ko 'to sa sarili kong kakayahan. Pinaghirapan ko 'to. Ni hindi ko alam na related ka sa Empire. Ni ayaw na nga kita makita uli."
Tumiim ang bagang ni Jack. Tumalon ang puso niya nang lalo pa itong lumapit hanggang halos maglapat na ang mga katawan nila. "You don't want to see me again, huh." Umawang ang mga labi ni Angel at kumalat ang nakakakiliting kilabot sa buong katawan niya nang lumapat ang isang kamay nito sa leeg niya, ang hinlalaki nito nagsimulang humaplos sa pisngi niya. "I think you're lying."
Bumilis ang tibok ng puso ni Angel nang umangat sa gilid ng mga labi niya ang hinlalaki nito. Yumuko ito hanggang magpantay ang mga mukha nila at magkalapit ang mga labi nila. His hot gaze met hers. "I can see it in your eyes, Angel. The moment you saw me, you don't have the expression of someone who doesn't want to see me again. It's actually the opposite. Habang nakatitig ka sa akin kanina, alam ko kung ano ang naaalala mo. I can see it in your eyes right now."
Nasa ibabang labi na niya ang hinlalaki nito, hinahaplos 'yon. "You remembered how I touched you."Ang isa pa nitong kamay, inalis na rin nito sa pagkakalapat sa pinto at napunta sa braso niya, humaplos din doon, nagdudulot ng bolta-boltaheng kuryente sa buong katawan niya. Bumilis ang paghinga niya at uminit ang kanyang pakiramdam. When the back of his hand grazed the side of her breast she felt the immediate response of her nipples. They became pointy, hard and sensitive.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Jack, nakatitig pa rin sa kanyang mga mata. "You remembered how I kissed you." Napapikit si Angel at impit na napaungol nang lumapat ang mga labi nito sa pisngi niya, dumampi sa tainga niya, bumaba sa leeg niya. Then umakyat uli ang halik nito sa gilid ng kanyang mga labi. His lips almost touched her lips but he didn't kiss her there.
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...