Epilogue

102K 2.4K 289
                                    

Jack Lopez Opens Up New Business, Announces Upcoming Marriage

One year after Jack Lopez, one of the best leaders that graced Empire Hotels and Casinos, resigned from his Presidency, everyone has been curious about what he's been doing away from the spotlight. Yesterday, all the questions have been answered as the press was lucky to be invited to the ribbon cutting of his new Real Estate Company.

When asked what made him put up his own business after cutting off all his relations to Empire, the young businessman said, "I have always wanted to make a name of my own. To survive in this industry without the influence of my ancestry. And since I was young, I am more interested in Land development rather than Hotels and Casinos. I've learned a lot from Empire and I am thankful for all the training I received from my family, but it is time for me to build my own life."

Before the event ended, Jack Lopez officially introduced his fiancee, Angel Marquez, to the media. It is in no way a business marriage since it was obvious the two are extremely in love with each other.

NAPANGITI si Angel habang nakatitig sa article na 'yon na na-publish sa isang sikat na broadsheet. Sinulyapan niya si Jack na nakaupo sa swivel chair sa bagong bago nitong opisina. "Ito ang gusto mo ipabasa sa akin?"

"Hindi lang 'yan. Come here and let me show you."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya sa kabilang side ng malaki nitong office table. Hinila siya ni Jack hanggang mapaupo siya sa kandungan nito. May hinanap itong pahina sa broadsheet at sumeryoso ang mukha nang makita ang article na gusto nitong basahin niya. "Here. Gusto kong mabasa mo 'to."

Isang maiksing artikulo lang 'yon sa second page ng broadsheet. Pero natigilan siya nang mabasa ang headline. MAN SENTENCED LIFE IMPRISONMENT FOR RAPE CASE. At nang basahin niya ang buong balita namangha siya. Kasi tungkol iyon sa asawa ng tiyahin niya. Apparently, kumuha ng katulong ang mag-asawa pagkatapos niyang umalis sa bahay ng mga ito. Isang disisyete anyos na babae ang kasambahay na nagsumbong sa pulisyang ginagahasa raw ng amo. Nahatulang guilty ang asawa ng tiyahin niya at ngayon ay nakakulong na panghabambuhay. Walang piyansa.

"Hindi na niya ako nahintay. Marami pa naman akong balak para pahirapan siya. Pero naunahan ako ng karma na gumanti sa kaniya," sabi ni Jack.

Umangat ang tingin niya sa mukha ng fiancée niya. At narealize niya na namamasa ang kanyang mga mata. Sa relief. Na finally. Finally, naparusahan ang taong 'yon. Hindi man para sa kasalanan nito sa kaniya pero at least, he was punished. Binitiwan niya ang diyaryo, ikinulong sa mga palad ang mukha ni Jack at mariin itong hinalikan sa mga labi.

Napangiti ang binata at pumaikot ang mga braso sa baywang niya. "You're so relieved that you got horny, huh?"

Natawa si Angel. "Kilalang kilala mo talaga ako, no?"

"I do."

Ngumiti siya. Nagkatitigan sila. Humahaplos na ang palad ni Jack sa likod niya. "So, gusto mo bang binyagan natin ang bago kong opisina?"

"Ah. You want to get under your secretary's skirt, huh?" biro niya. Ilang buwan na mula nang mag-resign siya sa trabaho niya sa Empire. Sa ngayon siya ang head ng HR Department ng Real Estate company ni Jack at tumatayong secretary nito habang wala pa silang nakukuhang bagay sa posisyon na 'yon.

"I can't help it. I have a very beautiful and sexy secretary."

Lumakas ang tawa niya. She straddled him. Hinalikan niya ito sa mga labi. "Saan mo gusto simulan ang pagbibinyag natin?" pilyang tanong niya.

He groaned when she moved her hips against his growing erection. He kissed her neck. "Anywhere. As long as it's with you, love."

Love. Matamis na napangiti si Angel. Sa dami ng endearments nito sa kaniya, iyon ang pinakapaborito niya. So she went down on her knees, unbuckled his belt and showed him how much she loves that word coming out of his mouth.

~WAKAS~


a/n: hanggang dito na lang po ang story nina Angel at Jack. marami pong salamat sa mga sumubaybay. pangatlong erotic story ko pa lang po ito kaya kung may mga nakita po kayong shortcomings at loopholes, pasensiya na po. I promise I will aim to do better stories in the future. matatagalan pa po bago uli ako makakapagsulat ng erotic stories pero sana po tangkilinin niyo pa rin ang iba ko pang story na ipopost by January 2018. Happy New Year!

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon