NAG-ECHO sa loob ng opisina ng kanyang ama ang malakas na paghampas ng mga kamao nito sa lamesa. Hindi pa nakuntento, hinablot ang mga broadsheet at tabloid na nakakalat doon at malakas na itinapon sa mukha niya. Jack felt a sting in his cheek, probably a papercut. Pero hindi siya tuminag sa pagkakatayo niya sa harapan ng kanyang ama. His whole body is tense and his fists are tightly clenched.
Sinulyapan niya ang mga diyaryo na bumagsak sa sahig. Laman ng Society pages ng iba't ibang broadsheet ang kasal nina Blake at Dolly. Pero kapansin-pansin na sa lahat ng mga pahina, mas malaki ang picture ni Jack kaysa sa mga bagong kasal. Hindi siya nag-iisa sa mga larawan na 'yon though sa bawat picture nagawa niyang maharangan ang mukha ng babaeng kasama niya. Walang tao na hindi ito nakita ng personal ang makakaalam kung sino ang date niya sa kasal na 'yon. But that doesn't stop the press from wondering who she was.
"Alam mo ba kung ano ang consequence ng ginawa mo, Jack? You brought some woman in a family event! You never did that so everyone thinks you're gonna marry her. Ang dami na nagtatanong sa akin kung sino siya at kung kaninong anak siya pero wala akong maisagot. We don't need this kind of attention from the press and from everyone around us. Hindi dapat sa'yo nakafocus ang interes nila kung hindi sa mga bagong kasal."
He smirked. "Ang ibig mong sabihin gusto mo ma-focus ang atensiyon ng lahat sa merger ng Lopezes at Uys para mag-invest sila ng malaking pera sa kompanya. Hindi pa ba sapat na dahil sa kasalan na 'yon makakapagtayo na tayo ng Casino sa Shanghai? How greedy can you get?"
"So what? Stop acting like a lovelorn idiot and start acting like a businessman. Get your acts together. Hindi ikaw ang tagapagmana ng malaking shares ng pamilya kung hindi si Blake dahil siya ang panganay. The least you can do to survive in this family is to be a great and intelligent businessman. So just do everything I tell you to do. Get rid of that worthless woman."
Tumiim ang bagang ni Jack. Hindi na niya itinago ang galit at pagrerebeldeng nararamdaman niya. Matalim niyang tiningnan ang ama. "I've been doing everything you want me to do all my life, Papa. Naging masunurin akong anak at naging masunuring empleyado sa kompanya. Hindi ako naging sakit ng ulo kahit minsan. Hindi ako naging iresponsable. Hindi ako naging party-goer o nainvolve sa kung anu-anong tsismis o nalink sa kung sino-sinong celebrities na katulad ni Blake.
"I never asked for anything from any of you except one thing. Si Dolly lang. Siya lang ang ipinakiusap ko sa inyong lahat pero hindi niyo ako pinagbigyan. Mula noong maliliit kami hanggang ngayon, si Blake lang ang naging priority niyo. Kahit ikaw na sarili ko nang ama, mas pabor sa kaniya kaysa sa akin. So I realize, anong naging pakinabang ko sa pagiging masunurin ko? Ano ang napala ko sa pangangalaga sa reputasyon ko?"
Namula sa galit ang mukha ng kanyang ama. "Anong napala mo? Sa loob ng tatlong taon ikaw ang presidente ng kompanya!"
"Na magiging posisyon na ni Blake pagbalik niya galing sa honeymoon. I just took over the position habang hindi pa siya ready. All I did my whole life is to do the job and the responsibilities na ayaw niya gawin. At hinayaan niyo siya. What does that make me, Papa?" puno ng pait at panunumbat na sagot niya.
"Nagkakaganito ka dahil kay Dolly? She decided to marry Blake. Hindi namin siya pinilit. Kaya bakit mo binubunton sa pamilya natin ang galit mo? She's just a woman, Jack. Don't ruin our family's clean reputation just because you got your heart broken."
Gustong sumigaw at magwala ni Jack. Kasi hindi maintindihan ng Papa niya na hindi lang 'to tungkol kay Dolly. Well yes, at first his anger is entirely because of her. Pero ngayon hindi na lang si Dolly ang dahilan kung bakit parang sasabog sa pagrerebelde ang dibdib niya. He's just tired of his life. He's tired of strictly following the rules and of keeping all his emotions inside. Napapagod na siya kontrolin at pigilan ang tunay niyang personalidad para lang walang masabing hindi maganda ang mga tao tungkol sa kaniya. Walang ibang nagawa ang pagsunod niya sa lahat ng gusto ng kanyang pamilya kung hindi ang sakalin siya.
Not anymore.
Itinaas niya ang noo. "Fron now on I will do what I want. Hindi lang sa negosyo kung hindi sa personal kong buhay. Save your anger, Papa. It will no longer affect me." Tumalikod siya at malalaki ang mga hakbang na lumapit sa pinto.
Bago siya makalabas nagsalita uli ang kanyang ama. "What is really your problem? Gusto mo na rin mag-asawa? Then I will allow you to marry. Pero kami ang pipili ng babaeng pakakasalan mo. Isang babae na kapareho natin ng katayuan sa buhay. Not that woman you brought to the wedding. Uulitin ko. Get rid of her."
Hindi sumagot si Jack at tuluyan nang lumabas ng opisina nito. Get rid of her? How can he do that when she already disappeared without a trace?
Sumilay ang mukha ni Angel sa isip niya at lalo lang sumama ang mood niya. That ungrateful woman. Ni hindi man lang nagpaalam. Bigla na lang nawala. He got a little crazy trying to find her that day. Hanggang sa makauwi siya at makitang wala na ang mga gamit nito.
Ipinilig ni Jack ang ulo, inalis sa isip ang babae at pumasok sa sarili niyang opisina. Tumayo ang secretary niya na nakapuwesto sa lamesa na malapit sa pinto ng kanyang inner private office. "Good morning sir. You're needed at the conference room number two in five minutes."
Kumunot ang noo niya. "What for?"
Namutla ang secretary niya, halatang natakot. He can't blame her. Kahit sa pandinig niya marahas at pagalit ang tono niya. Natirang emosyon niya mula sa argumento nila ng kanyang ama.
"Orientation ng newly hired employees ng Administrative at HR Department, sir. You're scheduled to deliver a Welcome Remarks. Gusto ng HR na pormal kang maipakilala sa mga bagong empleyado. Kahit five minutes lang daw."
Wala siya sa mood humarap sa mga empleyado. Besides, hindi naman na siya ang presidente sa susunod na buwan, kapag bumalik na si Blake at pormal na nitong kunin ang posisyon na inilaan naman talaga ng pamilya nila para rito. But then, the employees have no idea about that.
"Let's go," sagot na lang niya at lumabas uli ng opisina. Naramdaman niya ang patakbong pagsunod sa kaniya ng secretary niya. Malalaki ang mga hakbang ni Jack kasi kahit inis siya at napipilitan lang hindi niya ugali ang ma-late dumating. Nasa kabilang dulo pa ng hallway ang conference room. Sa lawak ng floor na 'yon kapag hindi niya bilisan lampas five minutes pa bago sila makakarating doon.
Sure enough, they reached the orientation venue in six minutes. Ang secretary niya ang unang pumasok para ipaalam sa staff na naroon na siya. Then sumilip sa pinto ang head ng HR Department, si Mrs. Ocampo na bata pa lang siya nagtatrabaho na para sa kompanya, at sinenyasan siyang pumasok. So that's what he did.
Pinakilala siya ni Mrs. Ocampo sa mga taong naroon. "Everyone, give a round of applause for Mr. Jack Lopez. He's the President of Empire Hotels and Casinos."
Nagpalakpakan ang lahat. Umugong ang magkahalong ingay ng paghanga at pagkasabik sa mga bagong empleyado. Pero sa ingay na 'yon, may rumehistrong kakaibang tunog sa pandinig niya. Gulat at halos takot na singhap. Pamilyar sa pandinig niya. His whole body became rigid and electric currents run through his veins as it instantly recognized the sound even before he turned his head to look where it came from.
Nasalubong ng tingin niya ang nanlalaking mga mata ng babaeng kanina lang ay nasa isip niya. Angel. She's here. Bilang isa sa mga bagong empleyado ng Empire Hotels and Casinos.
How the hell did that happen?
BINABASA MO ANG
CHAINED UP (R-18)
General Fiction"You are mine, Angel. You will always be mine. I will ruin any man who will even think of snatching you away from me." Ito ang kuwento ni Angel Marquez, kaibigan ni Grace mula sa story ko na SAVING GRACE. unedited version, first draft ang ipopost ko...