Part 24

64.3K 1.4K 79
                                    

ANG TANONG, tatanggi ka ba, Angel?

Dapat. Kasi hindi niya dapat kalimutan ang huling beses na nagkasama sila bago ang nangyari sa opisina nito kanina. He used her. It was cruel of him to do that. Dapat magalit siya rito. She should run away from him as fast as she can. Kasi sigurado siya na sasaktan siya nito. Hindi man siya nito bina-violate na gaya ng ginawa sa kaniya ng asawa ng tiyahin niya sa nakaraang isang dekada, pero hindi ba ganoon din 'yon? He's using her for his pleasure. Ang gusto lang nito sa kaniya ay ang katawan niya at wala nang iba pa.

Kaya bakit sa kabila ng lahat malakas pa rin ang attraction na nararamdaman niya para kay Jack? Bakit maisip lang niya ito umiinit na ang pakiramdam niya? Bakit kahit alam niya na walang magandang patutunguhan ang ma-involve dito, kahit para siyang pumapasok sa sarili niyang kulungan o ikinakadena ang sarili niyang mga kamay at paa, bakit gusto pa rin niyang lumapit sa binata? She knew the risks but why does she want to ignore the warning bells inside her head?

Baliw ka, Angel. Baliw.

Nagsuklay siya ng buhok niya.

Don't do it.

Nag-retouch siya ng make-up niya. Pink ang lipstick niya kanina pero biglang nagbago ang isip niya. She wore her bloody red lipstick. Katulad ng lipstick niya noon sa Bachelor's Party.

You will regret it.

Nagpabango siya.

You will get hurt. Hindi ka pa ba sawang masaktan?

Inayos niya ang mga gamit niya at tumayo.

He will ruin you. Once he's done with you, he will leave you empty. Hindi ka na makukuntento at sasaya sa piling ng ibang lalaki.

Nauna nang umalis ang mga kasamahan niya at nang lumabas ng opisina wala nang tao sa hallway. Huminto siya sa elevator at matagal na nanatiling nakatayo roon. Tumitig siya sa reflection niya sa nakasarang pinto 'non.

"But he already ruined me for all the others," mahinang kausap ni Angel sa sarili. That night sa Bachelor's Party, nabago na siya ni Jack. He already left his mark on her. She was already captivated. Captured by him. Chained to him.

Pero may advantage naman 'yon hindi ba? Mula nang makilala niya ito, hindi na siya dinadalaw ng mga bangungot niya. Hindi na siya binabalikan ng mga alaala ng kanyang kabataan na noon halos magpabaliw sa kaniya. She's no longer craving to have sex with someone – it doesn't matter who – just so she could erase the feel of that dirty hands, of that disgusting lips against hers and of the memories of being violated. At least ngayon, si Jack na lang ang lalaking gusto niyang umangkin sa kaniya.

Yeah, yeah, Angel. Convince yourself that you are making the right decision.

Bumukas ang pinto ng elevator. Huminga siya ng malalim at humakbang papasok. Then pinindot niya ang button para sa twentieth floor.

WALA ring katao-tao sa hallway ng twentieth floor. Nakita agad ni Angel ang hotel suite kung saan siya pinapapunta ni Jack. Bumilis ang tibok ng puso niya at humigpit ang hawak niya sa strap ng shoulder bag niya nang nakatayo na siya sa harap ng pinto.

Anong gagawin ng binata kapag kumatok siya at binuksan nito ang pinto? Hahatakin ba siya nito sa loob, isasandal agad sa pader at hahalikan? Will he take her clothes off and fuck her senseless? Maybe against the wall?

Uminit ang mukha ni Angel at pinagdikit ng husto ang mga hita. God, she must be really sick to get aroused by that thought. Tumikhim siya, kinalma ang sarili at saka sunod-sunod na kumatok.

Mayamaya nakarinig na siya ng kaluskos mula sa loob, papalapit sa pinto. Nanuyo ang mga labi niya at binasa niya 'yon ng kanyang dila nang marinig niya ang pagpihit ng doorknob. Then bumukas ang pinto at nagkaharap sila ni Jack.

Nahigit ni Angel ang paghinga nang magkatitigan sila. Umangat ang gilid ng mga labi nito. "Just in time," sabi nito. He carefully held her left wrist and dragged her inside the hotel suite.

Sa dami ng mga naimagine niyang mangyayari at makikita niya kapag pumasok siya roon, never niya inasahan ang unang nahagip ng tingin niya ngayon. Sa harapan niya, sa tabi ng glass wall, may naka-set up na lamesa. May dalawang silya na magkaharap at may mga pagkaing nakahain. Meron ding bote ng wine na nakalagay sa ice bucket at may tig-isang wine glass na naka-ready sa tabi ng mga pinggan.

"Hindi pa ako kumakain and I'm sure ikaw rin. I already asked the staff to prepare dinner," sabi ni Jack, hawak pa rin ang wrist niya at ngayon humahaplos ang hinlalaki nito sa balat niya roon. It feels like he's not conscious of what he's doing. Hinila siya nito palapit sa lamesa at inalalayang makaupo sa isang silya. Tulala pa rin siya nang umupo na rin ito.

She really didn't expect this... romantic gesture. She was caught off guard.

"Angel."

Kumurap siya at napatingin sa mukha ni Jack. Medyo nakaangat ang mga kilay nito at parang nagtatakang nakatitig sa kaniya. "You don't want to eat dinner?"

Tumikhim siya. She collected her thoughts and raised her chin. "Nagulat lang ako. Hindi ko ineexpect na ganito ang aabutan ko pagpunta ko rito."

Umangat ang gilid ng mga labi ni Jack, inabot ang wine at nilagyan ang mga baso nila. "What are you expecting?"

Uminit ang mukha ni Angel. Napahiya siya pero itinago niya 'yon at sinalubong ng tingin ang mga mata ng binata. "Can you blame me? I know what you want from me. Kaya syempre nang sabihin mo sa akin na pumunta ako rito 'yon agad ang maiisip ko."

Marahang tumango si Jack at hindi inaalis ang tingin sa kaniya na uminom ng wine. Nang ibaba nito ang baso saka lang ito nagsalita. "Well, you are right. Pero bago ang lahat gusto ko muna na maging maayos at pormal ang pag-uusap natin. But let's have dinner first. You'll need the energy if you want to survive tonight."

There is an erotic promise in his eyes as he looked at her. It made her hot and tingly all over. Her sex clenched with anticipation and desire. Nanuyo ang lalamunan niya at napainom rin ng wine. Then she licked her lips. Bumaba sa mga labi niya ang tingin nito at napansin niyang tumibok ang pulso sa leeg nito. Naging tense rin ang facial expression nito. Na para bang gusto nitong dumukwang at halikan siya.

Suddenly, a sense of power filled her being. He's not the only one who can play this game.

Pasimpleng huminga ng malalim si Angel at hinawakan ang mga kubyertos. "Fine. Kakain na," sabi niya.

"Good," sagot ni Jack na nagsimula na rin kumain.

Nakailang subo na sila nang kaswal nitong tanungin kung kamusta ang araw niya. Medyo nagulat siya na nag-open ito ng topic. She didn't peg him for someone who does small conversations. Binabasag lang ba nito ang katahimikan? Pero nang tingnan naman niya ang mukha nito, nakita niyang talagang interesado ito. So nagkuwento siya. Nang mabanggit niya na graduation pa lang niya two weeks from now halatang nagulat ito.

"You're a college student?" Naningkit ang mga mata ni Jack at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang maabot ng tanaw nito mula sa lamesa at pabalik sa mukha niya. "How old are you, exactly?"

Hindi niya napigilan ang sariling matawa. "Relax. I'm twenty three. I'm already an adult. Napatagal lang ako sa college kasi pahinto-hinto ako."

Uminit pang lalo ang titig nito sa kaniya. "Twenty three is still damn young, Angel. Do you know how old I am?"

Na-curious siya. "How old?"

Mariing tumikom ang mga labi nito bago nagsalita, "I'm turning thirty one next month."

So much older than her. Pero bakit imbes na ma-turn off siya lalo lang siyang na-arouse? She didn't realize she likes older men. Until now. Until him.

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon