Part 50

60.4K 1.3K 18
                                    


SHAME washed over Angel's whole body. Nanginig siya at namasa ang kanyang mga mata. Sa tabi niya, naramdaman niyang nanigas ang muscles ni Jack. Huminto ito sa paglalakad at humigpit ang hawak sa baywang niya. Iyon lang ang tanging hint na nakuha ni Angel bago biglang bumitaw sa kaniya ang binata, pumihit paharap at sa ilang malalaking hakbang ay nakalapit na kay Tristan. Napatili siya nang paglingon niya naundayan na nito ng malakas na suntok ang ex niya na napaatras, tumama sa lamesa, hanggang matumba paupo sa sahig. Nagsigawan na rin ang mga tao sa paligid, ganoon din ang babaeng kasama ni Tristan. Ang guard at ang manager ng restaurant mabilis na nakalapit.

"Mr. Lopez, please calm down," takot na sabi ng manager na ni hindi man lang nilingon ni Jack. Titig na titig it okay Tristan.

"Don't ever insult her again. Don't go near her again. Or else."

Mukhang lahat ng tao roon kinilabutan sa banta ni Jack. He looks so powerful and capable of doing anything he puts his mind into. Saka ito tumalikod at kinausap ang manager. "Call me for the damage. I will pay for it. At dapat kayong maging mas mapili sa mga taong pumapasok sa restaurant niyo."

"Yes, Mr. Lopez. I apologize for this," takot na takot na sagot ng manager.

Lumapit sa kaniya si Jack, hinawakan ang kamay niya at hinila na siya palayo.

Hindi na nagulat si Angel nang magsalita uli si Tristan. Siraulo ito at kahit alam nang agrabyado ay walang pakielam. "Soiled goods na 'yan pare. Bago ko pa yan napagsawaan, napagsawaan na iyan ng iba."

Tumiim ang bagang ni Jack, lumingon kay Tristan at mukhang susugod na naman pero kumapit siya sa braso nito. "Tama na. Let's just go," pakiusap niya.

Tumawa ang ex niya kaya napatingin din siya rito. Nakaupo pa rin ito sa sahig. May dugo ang ilong at gilid ng mga labi at nagsisimula nang mamaga ang pisngi mula sa suntok ni Jack. "Bakit, hindi mo sinabi sa kaniya? Ah... sa akin mo nga lang pala sinabi ang totoo, hindi ba? Kasi ako lang naman ang minahal mo talaga. Kasi ako lang ang tatanggap sa'yo. Hindi ba sinabi ko na sa'yo? Sa akin ka rin babagsak balang araw, Angel. No body will even want to marry someone like you. Ang mga katulad mo, hanggang mistress lang, honey. You're too unpure and dirty para iharap sa dambana."

Uminit ang mukha ni Angel at humigpit ang kapitd niya sa braso ng binata. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata ni Tristan at kahit gusto niyang kalmutin ang mukha nito at murahin ito pinigilan niya ang sarili. Sa halip itinaas niya ang noo at nagsalita, "I would rather die than end up with someone like you, Tristan. You're not even worth a fuck. You're too..." Suggestive na ibinaba niya ang tingin sa kandungan nito bago ibinalik ang tingin sa mukha nitong namumula na ngayon. Kasi malamang alam na nito ang sasabihin niya. "... lacking to even please a woman."

Saka siya tumalikod at hinila palabas ng restaurant si Jack. Nagmura si Tristan at marami pang sinabing kung anu-ano na hindi na niya pinakinggan. Hindi niya hahayaang hatakin na naman siya pababa ng isang bahagi ng nakaraan niya. Malaya na siya ngayon. And she's going to continue moving forward.

UMAANDAR na ang SUV ni Jack, wala pa rin nagsasalita sa kanilang dalawa. Kanina nang sumakay sila sa sasakyan pareho silang nanginginig sa galit. Pero ngayon, kumalma na si Angel kahit papaano at mukhang ganoon din ang binata. Iyon lang, seryosong seryoso pa rin ang mukha nito at tutok na tutok sa harapan. Ni hindi siya sinusulyapan.

Bigla tuloy niyang naisip.... naalala ba nito ang mga sinabi ni Tristan kanina? Naniniwala ba ito? Will he get disgusted of her now? Sumikip ang dibdib niya at parang tinapunan ng asido ang sikmura niya sa ideya na 'yon. Kumuyom ang mga kamay niyang nakapatong sa mga hita niya. Sinabi niya sa sarili niya na mag-mo-move forward siya. Pero kabado pa rin siyang ipaalam sa iba ang tungkol sa nakaraan niya. Natatakot siyang hindi nito matanggap. She's scared that he might get disgusted. That he might realize she's not worthy to be with him.

Napakurap si Angel at napasinghap nang biglang ipatong ni Jack ang isa nitong kamay sa isa niyang kamao. Pinisil nito 'yon kaya napatingala siya sa mukha nito. Sinulyapan siya nito at sa halos tatlong segundong pagtatagpo ng kanilang mga paningin narealize niya na alam nito ang tumatakbo sa isip niya.

"Stay with me, tonight."

"Ha?" disoriented na nausal niya.

Ibinalik ni Jack ang atensiyon sa daan. Nakikita niya sa profile nito ang determinasyon. "I will not let you go. I have a feeling na mahihirapan na naman akong makita ka kung hahayaan kong maghiwalay tayo ngayong gabi."

Tama ito ng pakiramdam. Iyon kasi talaga ang balak niya. Ang umiwas na nang tuluyan sa binata pagkatapos ng naging eksena kanina sa restaurant. Gumalaw ang kamay nitong nakapatong sa kamao niya hanggang napaglingkis na nito ang mga daliri nila. Pinisil nito ang kamay niya habang kumambiyo paliko sa isang kanto. Saka niya narealize na papunta sila sa bahay nito.

Saka lang binitawan ni Jack ang kamay niya nang nasa garahe na ang SUV nito. Bumaba ito ng sasakyan at ganoon din ang ginawa niya. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan na naman ang kamay niya na para bang naniniguro itong hindi siya tatakbo. Pagkatapos hinila na siya nito para pumasok sa bahay. Inaasahan niyang dadalhin siya nito sa master's bedroom kasi palagi naman doon ang bagsak nila kapag napapadpad siya sa bahay nito. Kaya nagulat siya nang lumampas sila sa hagdan at dalhin siya nito sa kusina na sa ilang beses na pagpunta niya roon ay ngayon lang niya nakita.

Malaki 'yon at katulad ng master's bedroom ay kumpleto na ang mga gamit at maayos na ang furnishings. "Ito pa lang ang natapos ko ipaayos sa bahay maliban sa kuwarto," sabi ni Jack na inalalayan siyang makaupo sa isang silya sa four-seater table. Lumapit ito sa percolator at nilingon siya. "You want coffee?"

Tumikhim si Angel. Disoriented pa rin pero tumango naman. Sinundan niya ng tingin ang binata habang komportableng kumikilos sa kusina para mag-brew ng kape. Namamangha siya at lalo lang nahuhulog ang puso niya para rito. For someone who looks domineering and authoritative, he looks very comfortable in the kitchen. At ang sitwasyon nila ngayon ay very... domestic. Naimagine niya na siguro kung magkakaroon ng himala at magkatuluyan sila, magiging normal na eksena ito sa bawat araw ng buhay nila. Magiging masaya sila at kung magkakaroon sila ng mga anak ay lalaki ang mga ito na puno ng pagmamahal. Hindi katulad niya. The thought made her heart ache with longing.

Hindi niya alam kung gaano katagal niyang pinagmamasdan si Jack. Napakurap lang siya nang pumihit ito paharap sa kaniya at naglapag na ng dalawang tasa ng kape sa lamesa. Pagkatapos umupo ito sa silya na katabi niya. Their thighs and legs rubbed against each other. Ang isang braso nito, ipinatong nito sa sandalan ng silya niya at pumihit ito paharap sa kaniya. Tinitigan nito ang mukha niya hanggang mailang na siya. "Explain what happened to me, Angel. Who is he?"

Huminga siya ng malalim. Kumuyom ang mga kamay niya na nakapatong sa lamesa. Narealize niya na hindi papayag si Jack na matapos ang gabing 'yon na hindi nito nalalaman ang lahat ng gusto nitong malaman. At narealize din niya na ayaw niyang maglihim dito. Sasabihin niya ang lahat kahit na natatakot at nahihiya siya. At kung sa huli ay mag-decide ito na ayaw na nitong magkaroon ng ugnayan sa kaniya eh 'di fine. Baka mas maging madali sa kaniyang i-let go ito kapag nakita niyang hindi siya nito kayang tanggapin biglang siya.

"Si Tristan... ang unang lalaking minahal ko sa buong buhay ko."

CHAINED UP (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon